Chapter 5
"Lagi nyo nalang ako dinidiktahan!", sabi ni Louie.
"Puro charity ka nalang, ano bang napapala mo jan? Ubos pera lang yan", sigaw ni Madamme Rosy.
Si Madamme Rosy ang pinakamayamang tao ngayon sa buong bansa. Naging cover na siyang Time Magazine. At nakatsikahan na rin niya si Oprah. Sa sobrang pagpapahalaga niya sa pera ay naging gahaman na siya dito. Bukod sa pagiging gahaman, ay masungit din siya. Sa sobrang kasungitan niya, ay walang nagtatagal na katulong, sa bahay niya.
Sa sobrang inis ni Louie, pinakuha niya ang bag niya na laging ready dahil alam niyang mangyayari ito, kinuha din niya ang kotse niya at humarurot na umalis. Hindi niya napansin na pumasok sa bahay si Eun Sung na muntikan na niyang masagasaan.
"Putek, ambastos naman!"
Napatingin si Eun Sung sa pintuan at nakita niya ang mga kasambahay, kasama si Mayordomo Bimbi na nakatingin sa kanya. Yung iba tumatawa, yung iba nakasimangot.
ingitian niya ito, ngunit wala silang imik, ganunpaman ay pumasok na siya sa bahay.
Kinausap siya ni Mayordomo Bimbi.
"Ikaw na ba yung kasambahay ng pinadala?",tanong ni Mayordomo Bimbi.
"Ah opo!", sagot ni Eun Sung.
"Ako nga pala si Bimbi Nono. Tawagin mo ako sa pangalang Mayordomo Bimbi"
Natawa si Eun Sung.
"May kapangalan po kayo, yung anak ni..."
"Subukan mong ituloy yan, at tanggal ka na agad! Siya ng pala, ano ang pangalan mo?"
"Ako po si Go Eun Sung"
"Ang baho! Bung Sung, ba kamo? Baguhin mo nga!!"
Aba loko tong Mayordomo Bimbi. Gusto pang baguhin yung pangalan ko. Ganun ganun nalang yun? Ito ang mga katagang namutawi sa isipan ni Eun Sung. Gayunpaman, iba na ang dikta ng pangangailangan.
"Bakit po!?"
"Hindi ka maalala ng mga amo natin, baka palayasin ka agad dito, ano bang gusto mo ipalit?"
Maraming pangalan ang pumasok sa isipan ni Eun Sung.
"Uhm, Bea? Kim? Marian? Lovi? Pwede ring Kate!"
"Echosera ka!"
"Haha. Alena nalang po"
"Osige mula ngayon ikaw na si Alena Bautista."
"Ha? Pati apelyido?"
"Naman! Ang panget kaya ng Alena Go!"
"Bakit naman?"
"Papalayasin ka promise"
"Ano?"
"Alena Go! Alena Go Away. Eh Eh! Go go Away"
Gustong tumawa ni Eun Sung pero korni talaga. Plastik na ngiti nalang.
"Mula ngayon ikaw na ang inchargd sa garden, hugasin at sa pamamalengke. Hala sige magpalit ka na ng damit sa quarters"
Pumunta agad si Eun Sung na ngayon ay bagong binyag bilang Alena Bautista sa quarters.
Masyadong malaki at maganda ang bahay ng mga Almario. May 3 palpag. Bawat palapag ay may 12 kwarto. At ang chambers quarter ay nasa 3rd floor. Walang elevator sa bahay kaya nilakad niya mula ibaba. Sa kanyang paglalakad ay napansin niyang may hagdanang ginagawa. Daming tao, sabi ng mga nakasalubong niya ay gumagawa daw ngayon ng escalator. Na amaze si Alena "Wow! Bongga!"
Umuwi si Louie sa dating lugar sa tapat ng bahay ni Eun Sung na ngayon ay si Alena. "Bakit ang tagal niya? Teka? Bakit ko siya hinihintay"
Kinabukasan ay may tumawag kay Louie.
"Master Louie, kailangan nyo pong umuwi, inaatake po ang inyong ina!", si Mayordomo Bimbi ang tumawag.
Nag alala si Louie kaya umuwi agad sa mansion.
Kasalukuyang, nagtatanim ng mga flowers si Alena nang dumating si Louie.
"Loko!! Siya yung kapitbahay kong bano! Bakit siya nandito?"
Tumunog ang beeper niya. 'Pumila na kayo dito. Nandito na si Master -Bimbi'.
Natawa si Alena sa nabasa. Nagmadali papasok ng bahay si Alena. Nakita na niyang nakapila ang mga kasama niyang kasambahay. Grabe siya nalang ang naiiwanan.
Binulungan siya ni Mayordomo Bimbi. "Papalagpasin kita ngayon!",sabay kurot sa singit ni Alena.
Natawa nalang si Alena. Biglang pumasok yung kapitbahay niya.
Nagulat si Alena! "Aba si Louie!",naibulong niya sa sarili.
Naisip agad ni Alena na kailangan niyang magtago, dahil nakakahiya naman, sa inasal niya, naisip din niya na di dapat siya mahiya, kasalanan naman niya kung bakit siya nagalit.
Nagulat pa lalo si Alena nang marinig niya ang sinabi ni Mayordomo Bimbi.
"ANG ATING MASTER LOUIE"
Oh No! Sa kanya ako nagtatrabaho? Seriously?
Huminto sa harap niya si Louie. Itinago ni Alena ang mukha niya kay Mayordomo, kinukurot din siya ni Bimbi, naapakan kasi yung paa niya.
"Teka? Parang kilala kita?", sabi ni Louie.