Chapter 8

70 0 0
                                    

Nag ayos na ng mga maleta si Madamme Rosy. Ngayong araw ay pupunta na siya sa Stater for business meetings, ito ang sinabi ni Madamme Rosy kay Mayordomo Bimbi bago siya bumababa ng kwarto, pero may ibang dahilan ang kanyang pag alis. Hindi niya ito sinabi dahil sa taas ng kanyang pride.

"Bimbi, I have to go na. You take charge of this house. Siguro for 6 months ako mawawala", sabi ni Madamme.

Bumababa na agad si Bimbi, pagkasabi ng bilin ni Madamme.

Sinuot ni Madamme ang kanyang magandang vest, at sumunod na rin kay Bimbi. Nadatnan niya ang komosyon sa baba.

"Anong nagaganap dito?"

Nagyukuan ang lahat, pati si Alena, maliban kay Louie.

"Ah Madamme, wala po.", sabi ni Mayordomo.

"Talaga? Ganun pa man di ko na tatanungin, nagmamadali na ako."

Napansin ni Alena na nagbago ang mood ni Louie. Kaninang nakangiti ito, ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Anak, I have to go na, Ingat ka. 6 months din ako mawawala."Tumango lang si Louie. Walang imik. Sa pag alis ng kanyang ina. Ay umakyat na rin siya.

Nakatingin ang lahat kay Madamme. Hindi nila napansin na umakyat na si Louie.

Pag alis ni Madamme ay mulin nabaling ang atensyon ng lahat kay Alena.

Dahil sa sinabi ni Louie kay Alena, sobrang, INTRIGA ang sumambulat sa kanya.

"Ano nangyari?"

"May nangyari senyo?"

"Sino pumatay?"

"Teka lang! Ano ba yang mga tanong niyo?! Walang naganap kagabi."

"Eh ano nga ba talaga ang tunay na pangyayari" sabi nung isang maid.

"Kagabi nung pumunta ako sa kwarto niya, na utos ni Mayordomo Bimbi, nadatnan ko siyang lasing at..."

Pinutol agad ito ng isang maid.

"So, sinamantala mo iyon para maakit mo siya!"

"Hoy ikaw, gusto mo bang putulin ko ang dila mo?" pasugod na si Nory.

"Pwede ba? May lagnat siya kagabi at tinulungan ko siya. I dont care kung ano pa yang iniisip nyo.!"

"Sabihin mo, sineseduce mo na siya!," sagot nung isang maid"Di ba kayo titigil!? Palibhasa, hanggang pangarap nalang kayo!"

Lalaban pa dapat yung maid, buti nalang dumating si Mayordomo.

"Magsipag tigil na nga kayo! Alena, bumalik ka na nga sa trabaho niyo, kayong tatlo, sumunod kayo sakin."

Umalis na yung tatlong maid. Bumalik na din sa trabaho si Alena. Kasama pa rin niya si Nory.

"Alam mo bakit kaya, hindi ko gawin yun?" sabi ni Alena

"Ang alin?", sagot ni Nory.

"Seduce Thing?"

"Ano?! Magtigil ka nga!"

"Bakit naman? Gusto ko naring bumalik yung dati kong buhay, nung buhay pa ang parents ko"

"Di mo ba nakikita? Masyadong delikado yan! Paano kung mahuli ka? E di mawalan ka pa ng trabaho?"

"Eto. Joke Lang naman!"

"Joke ka jan! Huwag na huwag mong gagawinyan!"

Biglang dumating si Mayordomo Bimbi.

"Alena, tawag ka ni Master Louie."

"Di ba umalis siya?"

"Hindi, nwala ata sa mood"

"Nasaan po siya?"

"Sa kwarto"Pumunta agad si Alena sa kwarto. Kumatok si Alena.

"Sandali. Nagbibihis ako."

Habang naghihintay si Alena. Dumating na naman si Bimbi.

"Alena, ano ang naganap kagabi?"

"Po?"

"Anong 'po', bakit hindi mo ako tinawag kagabi?"

"Sumigaw kaya ako, kaya lang walang response"

"E ANO BA ANG NANGYARI?"

Bago pa man makapagsalita si Alena ay lumabas na si Louie sa kwarto.

"Tara na! Alena.", sabi ni Alena. Hinatak ni Louid ang kamay niya.

Biglang nagsalita si Bimbi. "Teka Master, Saan po kayo pupunta? Di po siya maaring umalis"

"Bimbi ok na! PERSONAL YAYA ko na siya"

"ANO!" sabay na bigkas nila Mayordomo at Alena.

Nanaginip lang ba ako? Tanong ni Alena sa sarili.

Marrying A Rich Boy (ONGOING NOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon