Chapter 10

72 1 0
                                    

Pumunta kinabukasan si Alena sa kwarto ni Louie para dalhan ng baso ng tubig.

"Sir Louie? Nasa loob po ba kayo?", kumakatok sa pintuan si Alena, nang dumating si Mayordomo Bimbi.

"Anong inaasahan mo? Isasama ka niya sa work niya?", sabi ni Mayordomo.

"May trabaho po siya?"

"Oo tama! Sa kanilang kumpanya. Alam kong nagtataka ka dahil magkagalit sila, pero ang totoo , mahal na mahal niya ang kanyang ina, TEKA, ano ang nangyari kahapon? Sinuwerte ka nakawala ka sa mga trabaho mo dito"

"Sinamahan ko lang po siya kahapon"

"Yun lang ba talaga?"

Biglang tumuno yung cellphone ni Alena.

"Sagutin mo na yan. Mauna na ako, ayokong aalis ka ng walang paalam ngayon, naku baka umaabuso ka!"

Umalis na si Mayordomo. Sinagot ni Alena yung phone niya.

"Hello!?"

"Alena? Please deliver the papers inside the envelope. The brown one. Nasa kwarto ko. I need it immediately"

Pumasok si Alena sa kwarto.

"Nasaan na nga ba yun?"

Nilagay ni Alena yung baso sa lamesa.

"Di man lang niya sinabi kung saan nakalagay! Amp!"

Humiga siya sa kama.

"Wow! Ang ganda pala kaganda ang kwarto niya, ang luwag, ang lambot ng kama. Di ko to naenjoy nung first time ko"

Pinikit ni Alena ang mata niya.

"Ganito pala feeling maging mayaman"

Naidlip si Alena nang magising siya naalala niya yung pinapadala sa kanya ni Louie. Tumayo siya agad binuksan yung cabinet.

"Nasaan na ba yun? woosh! Matawawagan na nga siya!"

Sumandal siya sa may lamesa, at di sinasadyang tumapon yung tubig sa baso.

"OM!" kumuha agad ng basahan si Alena at pinunasan yung lamesa, napansin niya yung brown envolope na natatakpan ng white papers.

"Teka! Eto na ba yun?" tinaggal niya yung white papers.

"Loko! Anong ginawa ko? Eto lang pala yun"

Binuksan niya yung envelope. Kinakabahan siya. 

"Ottoke!? Nabura yung ibang part! Ano na paano na to"

Kinuha niya yung papeles at pumunta sa quarters.

"Nory! Nory!"

Buti nalang nasa quarters si Nory.

"Oh? Ano na? Hinihingal ka?"

"Buksan mo yung computer. Bilis!"

"May computer tayo?"

"Ayan oh! Yung luma!"

"Gumagana pa ba yan?"

"Malay mo" Binuksan ni Nory yung computer. Himalang gumagana nga! May programs pa!

"Ano bang gagawin mo?" tinanong ni Nory.

Nagbukas ng Word si Alena. Kinuha yung papeles.

"Teka! Ano yan?"

"Nabasa ko kasi ytng mga papeles!"

"Patay ka!"

Nagtype na si Alena. Maya maya tinawag niya si Nory.

"Hindi ko mabasa tong part na to!!

'We will serve and make the survey about the minerals at Pan.....' ano to?"

Nag isip si Nory.

"Pan... Pangasinan?"

"Oo nga no! Ang talino mo talaga!"

Nagsmile si Nory.

It took Alena hour to finish the papers exactly the same parang pina xerox yung nasira niyang copy.

"Sa wakas!" biglang tumunog yung phone niya.

"Alena! Tatlong oras na akong naghihintay! On theway ka na ba?" nagagalit na si Louie

"Eto na nga! Sorry!"

"Ok! But please, paki bilisan"

Hinanap ni Alena yung Almario Mining Services. Pagdating niya dun nakita niyang may kinakausap si Louie.

"Sino kaya yang babae na yan?" sabi ni Alena. "Parang close sila"

"Ah siya ba?"sabi nung lalaking staff. "Siya si Lalaine Arcilla. Shareholder ang Papa niya dito, may meeting daw sila ngayon, since wala yung Papa niya siya ang ginawang proxy"

Tumango si Alena

"Sino bang hinahanap mo?"

"Ah! Si sir Louie,may pinapadala siya sa akin"

"Ikaw pala yun! Kanina ka pa niya hinihhntay! Sandali tatawagin ko siya"

Pumasok sa opisina yung staff. Nakita niyang binulungan nung staff si Louie, at napatingin sa kanya. Alena smiled pero si Louie. Nakasimangot.

Lumabas si Louie.

"Sorry na traffic e..."

Pinutol agad siya ni Louie.

"Umuwi ka na!" Kinuha ni Louie yung papers. At iniwan si Alena sa labas.

Bumalik si Alena sa mansion.

Nadatnan niyang nagdidilig si Nory.

"Ok na?" tanong ni Nory. "Ano nangyari?"

Tahimik lang na pumasok si Alena.

Kinagabihan, umuwi na si Louie, walang imik. Sinalubong siya ni Alena.

Sa kwarto....

"Mag empake ka na!" sabi ni Louie

"Ha? Bakit?" gulat si Alena.

"Pupunta tayo bukas sa Pangasinan, eto naman yung gusto mo di ba?"

"Di ko maintindihan!"

"Alam mo bang pinagkaiba ng Pangpang Malolos Bulacan sa Pangasinan?"

Alam na ni Alena na kasalanan nga niya.

Bumalik siya sa quarters. Kinuha yung maleta, nag ayos ng damit.

Nadatnan siya ni Nory.

"MAGRERESIGNED KA NA!"

"NOPE! Ingat ka 3 months ako mawawala"

"Ano!?"

Naguguluhan si Nory.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marrying A Rich Boy (ONGOING NOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon