Sumigaw si Alena. Sa sobrang lakas, walang nakarinig no response kahit sa Mayordomo Bimbi. Ganun kalaki ang mansion nila Louie.
"Wag kang sumigaw....." pabulong na sabi nung lalaki.
"Si...si...sino..ka? Marami pa akong pangarap, wag mo akong patayin. PLEASE!" sabi ni Alena.
Naamoy ni Alena ang hininga nung lalaki. Amoy alak. Hindi niya ito nakilala dahil madilim. Simusubukan niyang abutin yung switch ng ilaw. Habang lumalapit siya sa switch, lalong humihigpit ang yakap sa kanya nung lalaki. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nung lalaki. Nasasarapan na si Alena dito, ngunit nanaig sa kanya ang moralidad. Inuntog niya ang ulo ng lalaki sa pader, nang makabitaw, pinindot nya agad yung switch ng ilaw.
Lumiwanag ang paligid. Masyadong nasilaw si Alena. Agad agad niyang hinanap ng tingin yung lalaki. Namukhaan niya ito."Loko! Sir Louie!" napasigaw si Alena. "Ok lang po ba kayo? Naku sir. Sorry po! Di ko po sinasadya."
Hindi sumagot si Louie, pero dumudugo ang ilong nito. Kinapa niya ang ulo ni Louie.
"OM! Inaapoy po kayo ng lagnat."
Hinig niya si Louie at kinumutan. Bumababa siya upang kumuha ng alcohol, palanggana, at tubig.
Ipinunas niya ito kay Louie.
"Mukhang bata pala si Louie pag lasing, taz may sakit pa!"
Oras-oras ay chinecheck niya ang temperature ni Louie. Buti naman ay bumababa ito.
Magdamag niyang binantayan si Louie. Sandali siyang bumababa ulit upang gumawa ng lugaw. Pagtaas niya nagulat siyang nakaupo na si Louie at nag iinat.
"Master, ayos na po ba kayo?", tanong ni Alena.
Tumango lamang si Louie.
"Kung ganun eto pa ang niluto kong lugaw, kumain nalang po kayo, pag nagugutom na kayo. Mauna na po ako."
"Teka!"
"Bakit po?""Pasensya na kagabi, lasing lang talaga ako"
Nag ayos at naghanda na si Alena para lumabas at mamalengke. Pag uwi niya ay alas 6 na. Sakto ang pagbaba ni Mayordomo mula sa kwarto ni Madamme Rosy.
"Ano ba yan! Alena! Late ka na naman! Ano bang pinaggagawa mo kagabi at tinanghale ka?"
"Pasensiya na po kasi..."
Bago pa man sabihin ni Alena ang dahilan, pinutol agad ni Mayordomo ang kanyang pamanalita. Buti nalang dumating si Louie, kaya nanahimik si Mayordomo.
"Maraming salamat! Ang sarap pala ng lugaw mo!", nakangising sabi ni Louie.
Sa sinabi ni Louie, isa lang ang naisip ni Alena. INTRIGA NA NAMAN!
Natahimik at napatingin lang naman ang lahat sa kanya.
"Ansaveeh!!" napasigaw si Bimbi.
Biglang humaba ang hair ni Alena. Damang dama niya ang kilig, inis, takot, at tawa.
Exit agad ang beauty ni Alena. She check the time. "Naku! Alas tres na pala! Mamalengke pa nga pala ako!"