A/N: Before of all lilinawin ko lang ha? This is not a sequel of beautiful creatures na story ko. But ang character na mafofocus dito ay si Shiena. Bawat character kasi sa beautiful creatures ko ay nag request sa akin na gawan ko daw sila ng story. Si Cristian gusto pa nga ng part 2 eh. And this is only a short story. Sana magustuhan nyo. Ok so! LET'S START!
SHIENA
Maaga akong gumising ngayong araw na ito dahil baka mapagalitan na naman ako ng walang ya kong boss.
6 am kasi ang pasok namin sa office at kapag lumagpas ka doon ng ilang segundo ay mapaparusahan kana deduction pa sa sweldo mo.
" Anak! Maaga ka bang makakauwi ngayon?!" tanong sa akin ni mama habang naghahanda ng kanin mula sa rice cooker.
" Not sure ma eh! kasi yong boss ko baka marami na namang i-uutos." sagot ko kay mama.
" Ganun ba? Pero sana makauwi ka ng maaga kasi may sasabihin kami sayong importante ng daddy mo."
Oy wag kayong magtaka na mama ang tawag ko kay mother while daddy ang tawag ko kay father. Ganito kasi yon. Yong real dad ko ay sumakabilang buhay na sa sakit sa puso kaya nangibang bansa si mama para buhayin kaming magkakapatid. Ako, si Sarah Babe at Denshen. Sa Hong Kong si mama nag trabaho until she met him. My daddy now. Nagkasundo at nagpakasal and since foreigner sya, daddy ang gusto nyang itawag ko sa kanya. Marunong nading magtagalog si Daddy kasi ilang years narin sya dito sa Philippines.
" I'll try ma! Aalis na po ako! Bye ma Bye dad!" Hinalikan ko sila pareho sa cheeks.
Yong dalawa kong kapatid ay tulog pa kaya di na ako nakapag-paalam pa sa kanila.
Sumakay ako ng kotse ko Char! I mean scooter ko. At mabilis na pinaharurot papuntang impyerno. Mala impyerno kasi ang buhay ko kay boss doon eh kasi ang demon ng ugali nya. Laging nakasimangot at always bad mood pa. Eh magka-edad lang naman kami.
" WHERE HAVE YOU BEEN!?"
" AY BILANGKAD!"
Napasigaw ako sa gulat nong pagpasok ko sa pinto ng office ay bumungad sa akin ang nakakainis na pagmumukha ni Boss.
Nanginginig akong sumagot na...
" S-sa B-bahay p-po!"
Bakit ba sya nagagalit? Nasa right time naman ako ah! Hay naku! Mood swing talaga ni Sir walang tatalo. Daig pa ang babaeng sinaniban ng nire-reglang ispiritu.
" DO YOU KNOW WHAT TIME IS IT!?!"
Gusto ko sana syang sagutin ng Its time to buy you own watch or may relo ka naman dyan tas tatanung-tanong pa. Kaso baka mas lalo syang magalit at ipadala nya akong tuluyan sa impyerno.
" It's 5:59 am po!" sagot ko. Yon kasi ang nasa relo ko eh!
" YOU'RE WRONG! LOOK AT THE WALL CLOCK! NOW TELL ME WHAT TIME IS IT?"
So kelangan talaga nakasigaw? Am I deaf para sumigaw sya? At tsaka di ba sya marunong magbasa? Ako pa talaga ang — Hala!
" 6:00 am and 30 seconds?" Wait? Bakit advance masyado ang wall clock nayan? Bakit?
" YOU KNOW WHAT TO DO!" at umalis na sya sa harapan ko.
Tiningnan ko ang relo ko at huli ito kesa sa wall clock. Weird. I set my time from that wall clock. But why—. Si Donna. Sya lang naman ang bruhildang kaaway ko dito sa office. Nakita ko syang ngumiti. Argh! Gusto ko syang sabunutan ngayon! At tadyak-tadyakan. Ang bwiset nya talaga!
Since alam ko na naman ang parusa ko ay nagtrabaho nalang ako.
After 6 hours ng pagtatrabaho ay nagugutom na ako. Its lunch time na kasi eh! At ang parusa ko ay bawal maglunce and dapat mag overtime.
Bwiset na parusa yan.
"Tsk. Tsk. Tsk." dumaan sa tabi ng table ko si Boss while kumakagat ng burger. If I know pinapa-inggit nya ako.
Another 10 hours ang lumipas and its 10 pm na. Nagugutom na talaga akoh!!! I want to go home.. Sisiguraduhin kong kakain talaga ako pagka-uwi ko.
Since tapos na ang parusa ko ay iniligpit ko na ang mga gamit ko sa bag. Lumapit muna ako doon sa office ni Boss at bumungad sa akin ang nag-aapoy na pangalan nya sa table. Mr. Zyron Grass. Bwiset na pangalang yan.
Magpapaalam na sana ako kaso hindi pa nga ako nakakapagsalita sumigaw na sya ng.......
"GO! BE EARLY TOMORROW!"
Kita nyo? Hobby nya talaga ang sumigaw eh! Sarap sapakin ang panga.
Pagkauwi ko ng bahay ay kumain talaga ako ng marami. As in marami. Buti nga di napansin ni mama at daddy eh! Nasa labas kasi sila at naghihintay sa akin. After kong kumain ay lumabas na ako.
Ano kayang importante ang sasabihin nila?
" Anak naaalala mo pa ba yong pagbakasyon natin sa Hong Kong? " tanong ni mama.
" Oo naman po!" sagot ko.
" Alam mo Shiena.. May Bestfriend ako don. At may anak sya. A boy.Magkaedad kayo. He's Handsome. And they have a great Company here in the Philippines. And We want you to marr—"
"Marry him? No dad! Hindi to tama. Ayoko ng fix marriage. Ayoko non. Ayokong ikasal sa hindi ko mahal. Tsaka hindi ko nga pa sya nakikita eh!. Baka bungis-ngis yon."
"Shiena don't yell at your father. Its for your own good—"
" No its not! Its for YOUR own good" And nagwalk-out akong umiiyak.
" Fine then.. Kapag napaibig mo ang boss mo within just 10 days. Hindi ko itutuloy ang fix marriage mo. But if you fail. Sa ayaw at sa gusto mo. Ikakasal ka." Napatigil ako sa sinabi ni mama.
At parang gumuho ang mundo ko sa sinabi nya. Parang wala na talaga akong choice. Cornered.
**********
In the End. Pumayag ako sa challenge nila. A ten days challenge. Wala narin naman akong magagawa eh! Ito lang ang chance para hindi makasal sa iba. Painlovin lang naman si Boss Zyron. Kaso paano ko paiinlovin ang mala batong puso ng boss ko sa Sampong Araw?
Nakakahibang. Nakakalito. Kahit si Author namomroblema na.
At ang masaklap. Its 5:30 am na. And its my First Day. Haro jusko.
Berniontot's Note
Hi readers! Muzta na! Kung may balak kayong basahin ang beautiful Creatures na story ko, babalaan ko muna kayo. Ang storing yon kasi masyadong maraming characters at kaming KHS students ang mas nakakaintindi. If basahin nyo yon malamang malilito kayo ng kunti. But kung gusto nyo parin feel free to read it!
P.s. First story ko yon kaya di masyadong maganda. And si Bernie doon ay ako hehe..
![](https://img.wattpad.com/cover/70042335-288-k573909.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling Challenge
RomancePaano kung i- Challenge ka na pa-inlovin ang boss mo with in just 10 Days? This story ay tungkol sa isang babaeng alinga-nga, ale-ler, shunga-shunga, parang timang,Loka-loka , at mukhang engot na binigyan ng task para pa-inlovin sa kanya ang boss n...