CHAPTER 1

168 6 0
                                    

Nandito kami ngayon nang tropa sa milk tea house na palagi naming pinag tatambayan.

"May mga bagay talaga na akala mo anjan hangang dulo pero iiwan ka nalang bigla parang siya." Sabay higop ni Mia ng Wintermelon niya. Ako namang 'tong nag buntong hininga habang naka tingin sa bintana.

"Oo na, ako na yung iniwan. Tanga ko kase." Sabay salumbaba ko. "Pren, mahal mo pa noh?" Tanong naman ni Zian.

"Ano balikan lang nang tayo tanong nung nakipag break ex mo?" Sabay irap ko kay Zian. "Bitter!" Sigaw niya sabay tapik ng braso ko dahilan nang muntik ko nang pag ka subsob sa table namin.

"Hindi ako bitter, sinasabi ko lang na lahat nang sinasabi ko sayo dati, binabalik mo na sakin. hays!" sabay higop ko nang Orea milk tea ko.

Masakit pala. Akala ko ganon lang kabilis mawawala yung sakit, paano ba naman kase nag summer vacation lang hindi na nag paramdam yung ano ko. Hindi ko alam tawag sakaniya, 'di naman naging kami eh. Che. Naalala ko pa nung time na iniyakan ko siya sa harap nang church namin kahapon.

FLASHBACK:

"LAHAT TAYO'Y TUMUNGO AT MAG SELF PRAYER TAYO." Utos nang pastor saamin. Lahat sila tumungo. sportsfest kase ngayon, kaya puro kami kabataan lang dito.

'Lord, alam kong selfish 'tong sasabihin ko pero puwede mo ba siyang ibalik sakin? Lord bigyan mo ako nang one last sign para masabing itigil ko na 'to. Nahihirapan na ako, ayokong mangapa na mahal niya pa ako. Gusto kong malaman Lord. please help me.'

Hindi ko mapigilang humagulgol. Nahihirapan na ako. Nasasaktan ako kapag naririnig ko yung pangalan niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isang sign lang Lord.

END OF THE FLASHBACK:

"Hoy! Tin! buhay ka paba?" Sabay batok ni Mia saakin, Masyado atang malalim iniisip ko. "Wag mo nang isipin si Eros, Mahal ka non." Ani ni Zian.

"Wala na ayoko na, yun na yon!" Sigaw ko sabay tumayo papuntang C.R, Pag tingin ko sa salamin nag hugas ako nang kamay at tumingin sa salamin. Ay! ano bang ginagawa ko dito? Lumabas ako nang C.R at laking gulat ko nang nakaupo na si Gage doon sa table namin. Bakit andito 'tong mga to?

Huminga ako nang malalim at nag lakad papunta sakanila, "Hi Gage! Hi Josh!" Bati ko sa tropa 'kong lalaki, tinawag ko silang dalawa and guess what? Hindi ko binati si Eros hahaha!

"Hi Eros!" Sarkastikong bati ni Gage kay Eros, tumungo ako at nag nakaw nang tingin kay Eros-- Bigla naman akong napa iwas nang tingin kase naka tingin din siya.

Umupo nalang ako sa upuan ko at inagaw kay Josh yung milk tea ko. "Bakit kayo nandito?!" Tanong ni Mia kayla Josh.

"Wala naman hehe gusto kase makita ni Eros si Tin, diba Eros? hahaha!" Ani Gage sabay tawa.

"HAHA!" Sabay irap ko kay Gage. At nag si kuhaan sila nang upuan sa ibang table at pinag sama sama sa table namin. Maya maya biglang nag ring 'yung cellphone ni Zian bigla rin nawala yung pag ring.

Biglang tumayo si Zian "Sorry guys! si Mark nag missed call na, mag kikita pa kami sa mall eh! you know date hihi!" Sabay takbo palabas. Hindi 'man lang kami pinag salita. Kaming dalawa nalang babaeng natira ni Mia. "Mia, tara date tayo?" Tanong ni Gage kay Mia, Oo sila kase. tumango naman si Mia at tumingin saakin.

"Oo na! kayo na may forever! wala parin niyan! che!" sabay tayo ko at aalis na sana nang biglang nag salita si Josh yung boy bestfriend ko. "Tin? paano kami?" tanong ni Josh, "Kaya niyo nayan aalis na ako haha." sabay tangkang aalis na sana nang biglang--

"Hatid na kita Tin!" sabay kuha ni Josh nang bag ko, tumingin naman ako kay Eros na naka tingin lang. "Tara." sabay lakad namin palabas nang Milk tea house, sina Gage ayun umalis na agad.

Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon