CHAPTER 22

22 1 0
                                    

[A/N patugtugin niyo yung eroplanong papel para dama niyo yan pinapatugtog ko habang binabasa to]


Kinabukasan nag yaya si Mia pumuntang mall ako naman 'tong umoo agad dahil ayoko munang makita si Eros dahil nahihiya ako sa mga pinag usapan namin kagabi.

"Punta tayong national bookstore may hahanapin lang ko." Yaya ni Mia saakin ako naman tumango at nag simula na kaming mag lakad papuntang national bookstore.

Nang bigla siyang tumigil sa pag lalakad. "D-diba siya yung girlfriend ni sir Jared." Tinignan ko naman siya at parang gulat na gulat din siya sa nakita niya, may ka holding hands na ibang lalaki yung gf daw ni sir Jared.

"Ewan ko siya ba 'yon?" Takang tanong ko dito, hindi ko pa naman nakikita gf ni sir. At siyempre ult stalker to alam na alam.

"O-oo." May bigla namang naka bangga saakin kaya napalingon ako at mula sa kinatatayuan namin naaninagan ko si sir Jared na naka tayo sa malayo. "B-bes si sir Jared." Kalabit ko kay Mia habang nakatingin parin siya sa kabit kuno ng gf ni sir jared daw.

Lumingon naman siya at maslalong napalaki ang mata niya sa sobrang shock niya pa napa takip pa nga siya nang bibig niya, ako naman hindi ko alam ang nangyayare. Kaya naka puzzled face lang ako dito. Biglang tumingin saamin si sir Jared at mukhang nagulat din siya. Ngumiti siya pero halatang peke, kumaway pa nga ito. binalik ko ang tingin ko kay Mia at halata sa mata niya na nasasaktan din siya para kay sir Jared.

Nang biglang nag lakad palayo si sir Jared, "Grabe no?" Hinarap ko si Mia pero laking gulat ko nang wala na siya sa tabi ko. Iniwan ako? paano ako dito? 

---.---.---.---.---

Mia's POV 

Hindi ko alam pero bigla nalang nag automatic na tumakbo yung mga paa ko, hinahabol ko ngayon si sir. Ewan ko ba? Iba yung nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. M-maslalo na ngayon at ramdam kong nasasaktan siya sa nakita niya.

Nang maabutan ko siya pinigilan ko siya gamit ang pag hawak nang braso niya. "Oh, Mia asan si Tin?" Tanong nito saakin, napakagat lang ako nang labi.

"Sir, I'm sorry." Biglang lumabas sa bibig ko, "Sorry sa nakita mo." Bakit ba ako nag so-sorry sakaniya? naguguluhan  na ako. 

"Huh? Anong sinasabi mo?" Takang tanong nito na may mahinang pag tawa pa. "Alam kong nasasaktan po kayo ngayon. S-sa nakita niyo." Explain ko dito. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"Wala 'yon. Lagi ko naman silang nakikita ganon." Explain pa nito. "Pero okay lang y-" Pinutol ko siya, "Sir I-i like you. Alam kong hindi po kayo okay." Pag aamin ko dito, napatungo naman ako dahil sa kahihiyan.

"Tin, you're my student and i'm your teacher." explain nito, napakagat ako sa labi ko dahil alam ko naman ang pwesto ko. Alam kong imposible, alam kong may harang. Alam kong never ko siyang makukuha. Dahil nasa langit na siya ako nasa lupa palang. 

"A-alam ko po. B-but i'll promise you. I'll take away the pain, you don't deserve her sir. Kahit hayaan niyo lang po akong mahalin ka. Tutulungan po kitang makalimot. Just please accept me not as your student, accept me as a normal girl loving you." Hindi ko alam kung saan ko nahugot lahat 'nang yon. Basta nasabi ko na.

"Mia." Hinawakan niya yung kamay kong kaninang napigil sa braso niya. "Thank you." Sabay ngiti nito. Hindi ko alam pero sa two words na binitaw niyang 'yon nakampante na ako. 

---.---.---.---

Tin's POV

"Rylie? asan ka?" Tanong ko dito mula sa phone. "Ah- eh? k-kasama ko si Seventh." Explain nito, binabaan ko naman agad. 

"Aries?! asan ka?!" Tawag ko dito. "Kasama ko si Gage. why?" sagot nito. "Wala akong kasa sa mall, iniwan ako ni Mia!" binaba ko na rin kaagad.

"Andrea?! Asan ka?" Tanong ko dito. "May lakad kami ni Josh." Explain nito, binaba ko na din.

nababatrip na ako ah.

"Zian?! Asan ka?" Tanong ko dito, "Mark, enebe!" Rinig ko mula sa cellphone niya.  binaba ko na din.

Umupo nalang muna ako sa food court at kumain nang kwek kwek. Nang biglang may umupo sa harapan ko. 

"Tumawag saakin si Gage, bakit nasaan si Mia?" Pag tingala ko dumungaw naman sa harapan ko si Eros. Mag kaharapan kami ngayon sa table. Muntik ko nang maibuga yung iced tea na iniinom ko. "E-ewan ko nga eh." Explain ko dito, "Tara gala tayong dalawa." Sabay tawa nito nang mahina.

"May pupuntahan ka ba pag tapos niyan?" Dugotong pa nito habang tinuturo yung pagkain ko, umiling lang ako at kinain yung huling kwek kwek na nakalagay sa baso.

Nang matapos na ako bigla siyang tumayo sa pag kakaupo at lumapit sa gilid ko, at hinatak yung kamay ko patayo. "Tara." Sabay tago nang kamay namin sa jacket niya. "Ang hilig mo talaga sa malamig na iced tea, ayan tuloy pati kamay mo ang lamig na din." Sabay tawa pa nito.

Tumawa nalang din ako nang mahina at nag lakad na kami. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito, "Saan ba gusto mong pumunta?" Tanong nito saakin. "Wala, ewan ko sayo." Sagot ko dito.

"Mang trip nalang tayo." Sabay takbo namin, pumunta kami ngayon sa department store. "Kumuha ka nang damit jan bili." Yaya niya saakin, nandito kami ngayon sa mga dress. Umiling lang ako dahil kapag kumuha ako nang dress baka sabihin niya old fashion ako.

"Eto nalang." Sabay kuha nang white dress at binigay saakin. Pumunta din kami sa mga polo section at kumuha din siya nang black naman. 

At tumakbo kami papuntang dressing room, sakto walang tao kaya pumasok kami sa isa isang cubicle. Nag palit na ako at hindi ko tinanggal yung jeans ko dahil pasakit. Nang malagay ko na yung white dress lumabas na ako. Nag kasabay naman kami ni Eros kakalabas niya lang din at naka polo siya at yung jeans niya.

"Tanggalin mo yung jeans mo." Matawa tawang utos nito. "Wag na" Iritanong angil ko dito, "Tatanggalin mo? o ako mag tatanggal niyan sayo?" Nakataas na kilay na hamon nito.

"Sabi ko nga tatanggalin ko." Sabay pasok sa cubicle, tinanggal ko yung jeans ko at sinampay muna doon. Lumabas na ulit ako at nakita kong naka harap si Eros sa malaking salamin doon. inaayos yung bohok niya.

Nag lakad ako papalapit sakaniya at hinatak niya naman ako papalapit pa lalo sakaniya. 

"Bagay." Nakangiting sambit nito, tumingin ako sa kamay niya na naka pulupot saakin. Na-miss ko 'to. Tumingin naman ako sa kaniya na nakangiti.

"Bagay tayo." Dugtong pa nito, hindi ko napansin na naka kurba na pala yung bibig ko. naka smirk ako.

Tumingin naman siya saakin at ngumiti pa siya lalo. "You look beautiful." Sabay hawak sa baba ko. Ang lalim nang mga tingin niya na halos nadadala na ako.

Hindi ko napansin na nag lalaba na yung utak at puso ko ngayon. Papalapit na yung mukha niya saakin na halos ilang inches nalang mag didikit na yung mga labi namin.

'Tin. Wag. kang. mag. papatalo. please.' bulong nang utak ko, pero- too late nag diki na ang mga labi namin. 'I lost.' Napapikit ako dahil hindi ko alam kung guilt ba 'tong nararamdaman ko ngayon. O masaya ako dahil nandito na naman si Eros sa tabi ko.

Nilayo niya na ang mga labi namin sa isa't isa. "I love you Tin, still, always, and forever." Sabay halik nito sa noo ko.

"I love you too." Tumango ako habang nakapikit. "I love you too Kel." Natigil naman ako sa lumabas sa bibig ko. Tumingin ako sakaniya at halatang gulat din siya. 

Ano ba 'tong nalabas sa bibig ko?!


Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon