CHAPTER 26

14 1 0
                                    

Kasama ko si kuya Ozi ngayon, nag d-drive siya at papunta kaming dorm niya. Inaya niya kasi akong sumama sakaniya sa earth day sa MOA kaya heto kami ngayon papuntang dorm niya dahil bukas pa naman ang earth day.

Napatigil ang usapan namin nang bigla siyang naka receive nang text kaya naman nakabaling ang tingin niya sa cellphone niya habang hawak hawak ang manibela.

"HOY! Ayoko pang mamatay!" Sabay tapik ko sa braso nito. Tumango lang siya at dahan dahang nilayo ang cellphone sa harap niya. Biglang nag bago ang mood nito at bumuntony hininga lang siya. Parang engot.

Nang makarating na kami sa dorm niya sinukbit ko ang backpack sa likuran ko at sabay baba sa sasakyan nang i park niya ito.

Sa third floor pa yung dorm niya kaya kaylangan namin pang sumakay nang elevator at nang naka akyat na kami nasa likuran niya lang ako habang nag lalakad siya papuntang harapan nang pintuan niya.

"Andito mga ugok." Sabay iling niyo at binuksan ang pinto.

Biglang umingay pag ka bukas ni kuya Ozi nang pintuan at pumasok na kami. Bumungad ang chocolate flavor na usok saakin.

"Clavo. Tigil mo vape mo, gago andito kapatid ko." Bigla namang clinick nang limang beses nang lalaki ang vape niya at nilapag sa lamesa. Dalawa silang nakaupo sa sofa at nag lalaro nang XBOX.

"Siya ba si Tin?" Tanong nang isa pang lalaki na nag lalaro nang Xbox.

Tumango lang si kuya Ozi at pinause niya nang lalaki ang nilalaro nila at tumayo sa harapan ko. "Clavo nga pala." Sabay ngiti nito. Kinuha ko naman ang kamay niya at pinag hiwalay ni kuya Ozi ang kamay namin sa isat isa.

"Pre, andito na." Sabay tawa ni kuya Ozi sa kalaro ni kuya Clavo nag okay sign lang siya at inantay iplay ni kuya Clavo ang nilalaro nilang dalawa.

"Do'n." Sabay turo nito sa isang pintuan at binuksan ko iyon at bumungad naman ang isa pang lalaki na topless na mukhang kakaligo lang naka busangot ang mukha nito at agad ko namang sinarado ulit ang pintuan at bumalik sa kinatatayuan ko kanina habang sukbit ang backpack ko.

"Oy, pre anjan ka na pala." sabay ngiti nito sa lalaking naka topless parin, "Mag bihis ka na gago to." Mura ni kuya Ozi at agad namang pumunta sa isa pang kwarto yung lalaki at binaling ni kuya Ozi ang atensyon niya sakin at tinurong pumasok na ako sa kwarto.

Humiga ako kung nasaan ang kumot ni kuya Ozi at nag rolyo rolyo doon, dalawang kama lang ang nandito at sigurado akong si kuya Ozi dito sa isa pan higaan.

Natapos ang gabi na nandoon lang ako sa loob nang kwarto kumain kami pero tahimik lang ako at sila naman ay nag uusap para bukas na magaganap sa earth day.

Nakatayo na kami sa tapat nang stage dito sa likod nang MOA dito kasi magaganap ang earth day 2016 at masaya naman akong nag picture para sa IG ko at lumapit saakin si kuya Clavo.

"Nice pic." Nakangiting panimula nito, ngumiti lang ako sakaniya habang kumukuha nang magandang angulo para ma ipost sa insta ko. 

"Alam mo ba yang kuya mo? M-" natigil siya nang siniko siya ni kuya Ozi mula sa tabi nito ako naman ay napa tawa nalang nang mahina at nag snap na at nagandahan naman ako sa angulo kaya naman tinimpla ko na ang filter at pinost sa insta ko.

"Bro, im just kidding as if naman na sasabihin ko." Mahinang ani kuya Clavo kay kuya Ozi.

"No, just don't fucking open up that topic. Puta naman." Alingawngaw nito at lumapit saakin, "Okay ka lang?" Tanong ni kuya Ozi saakin at tumango naman ako, wala naman akong pakielam sa pinag uusapan nila basta ako masaya ako at excited na ako para sa mga bandang mag p-peform dito.

Maya maya pa ay nag simula nadin ganon din ang taong napasok sa harap nang stage sumisikip at dumadami na din kaya parang nakaramdam ako nang panunuyot sa lalamunan ko.

napapikit ako at nandidilim ang paningin ko, "Kuy-" Nasa harapan ko sina kuya Ozi habang ako naman ay nag nahihilong parang lasing na dito na kinokontrol parin ang balance ko.

Hahawakan ko na sana ang balikat ni kuya Ozi nang bigla nalang akong bumagsak papuntang likod pero may sumalo naman saakin, "Kuya." nasigaw ko ang boses nito pero ramdam sa boses ko na nang hihina ako, lumingon ito at hinawakan ako sa mag kabilang braso.

"What happened?" Tanong nito at lumingon ako sa lalaki na naka salo saakin, "Sorry po." Pag papaumanhin ko dito nang mapansin kong siya pala yung lalaking nakita kong naka topless sa kwarto ni kuya Ozi.

"Nahulog nalang siya bigla." Explain nito, "Nix, paki samahan naman kami ni Tin sa labas." Nanglalambot na ang tuhod ko kaya naman napaupo ako pero pinatayo padin ako ni kuya Ozi.

"Pre labas ko lang si Tin." Anunsyo niya sa dalawa niyang kasama.

"Tin, we're going outside. Nauubusan ka na nang hangin." Anito habang inaalalayan ako ni kuya Ozi at nung Nix palabas. Kusang humahawi ang mga tao dahil kita nila akong groggy na inaalalayan nina kuya Ozi. Ngayon lang nangyare saakin ito, hindi ko alam pero nang hihina parin talaga yung tuhod ko.

Agad namang nakahanap si kuya Ozi nang mauupuan nang nakalabas kami sa crowded na lugar na iyon, tumakbo agad siya sa kung saan at naiwan kaming dalawa ni Nix daw na'to. 

"Tatakbo- lalayo- mag iisip kung dapat bang bumitaw" Narinig kong kumakanta na si Armi nang Updharma down, tumayo agad ako at tiningala mula sa malayo ang stage. Ga langgam nalang sila nang banda niya at bigla nalang dumilim lahat.

----

Unti unti kong dinilat ang mata ko, naaninagan kong may nahaplos sa mukha ko, malabo pero naaninagan ko kung sino ang humahaplos sa mukha ko. Tangos nang ilong- kurba nang labi- pati narin ang pag ka singkit at pungay nang mata nito. Hindi ako nag kakamali.

Hinawakan ko ang kamay nitong nahaplos sa pisngi ko, "Kel." sambit ko dito basag ang boses ko pero sapat na iyon para marinig niyang tinawag ko siya.

"Kel? as fucking in Ezekiel?" Tanong nito saakin, napa pikit ako at pag dilat ko nang mata ko nabuhay ang katawan ko nang nakaupo sa tabi nang higaan nang clinic si Nix kuno nito.

Tinanggal ko ang pag kakahawak niya sa pisngi ko, "Nasan ako? Nasan si kuya Ozi? Nasan ako?" Paulit ulit kong tanong dito at umiling lang siya.

"Nahimatay ka so i sent you here. I texted your brother papunta na sila dito." Explain nito, umupo ako mula sa pag kakahiga at tinignan siya mula sa upuan sa tabi nang higaan dito.

Nabalot kami sa katahimikan at hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ko sakaniya, nawiwindang na ako.

"Ezekiel who?" Biglang basag nito sa katahimikan. "Ezekiel Justin- nevermind." Pag c-cut ko nang topic.

"Oropesa? My name's Pheonix Oropesa kung hindi mo alam at alam kong hindi mo talaga alam I'm his cousin." Sabay ngiti nito nang bahagya.

Hindi ko maipag kakaila...Mag kamukha sila. kaya siguro napag kamalan kong si Kel ito.

"Where-" Naputol ako nang bigla nalang dumating sina kuya Ozi at nilunok ko nalang yung itatanong ko.

Where is he? nasaan na ba siya? naiinis na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon