CHAPTER 18

42 3 3
                                    

Grabe... H-hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Zade. Nag lalakad ako sa hallway mag isa nakatingin lang sa bintana sa hallway nang bigla akong madapa. Walang sumalo pero may narinig akong boses mula sa likod ko.

"Lampa." Pang tingala ko si Eros pala, inabot niya yung kamay niya pero hindi ko kinuha kaya binawi niya nalang yung kamay niya. "Ang lungkot mo ata?" Tanong nito saakin, Nakatuon lang yung pansin ko sa dinadaanan ko hindi ko siya pinapansin.

"Si Kel na naman ba?" Tanong nito saakin, tumingin ako sakaniya at bakas sa mukha niya na nag aalala siya, "Sumagot ka naman." Iritang utos nito saakin, Umiling lang ako.

"Si Zade?" Pag ka sabi niya nang pangalan ni Zade bigla akong napatigil sa pag lalakad at napangiti pero may biglang luhang pumatak sa pisngi ko, napakunot naman nang noo si Eros at halatang nagulat sa inasta ko.

'Pipe na nga Baliw pa' sigurado akong 'yan ang nasa utak ni Eros ngayon. Napayuko nalang ako, bakit ba kase ganoon? Tears of joy?

FLASHBACK:

"I like--" Laking gulat ko nang biglang may sumapak sakaniya, gulat din yung mga tao sa paligid namin dahil biglang tumumba si Zade. Lumapit naman ako dito at umupo at inalalayan si Zade makatayo.

"She's fcking mine, okay? Mag hanap ka nang ibang ipupusta wag 'tong babae 'nato." Nangigilaiting sabi ni Kel. Sino pa ba sasapak kay Zade edi si Kel.

"Kel ano ba?!" Sigaw ko dito at inalalayan nang tuluyang tumayo si Zade. "That sht tryn-" Pinutol ni Zade si Kel. Tumawa si Zade at nag salita habang hawak yung panga niya.

"Hindi pa kase ako tapos pre." Nakangiting sambit nito, wow baliw na ata 'tong si Zade.


"Let me finish my sentence okay? Wag yung bigla bigla kang mananapak jan. But thanks." Sabi nito, gulong gulo na ako sa pinag sasasabi ni Zade. "Zade okay ka lang ba?" Tanong ko dito at tumango lang siya.

"I like-- Ezekiel. Brad ikaw yung gusto ko? I know you like Tin, that's why nilalapitan ko siya para mapalapit at mapansin 'moko." Kagat labing explain nito- pero shet ano daw?

"Paki ulit?" Naka ingit na pag papaulit ni Kel. "I like you, Brad i like you Ezekiel. Gusto kita." Napalunok naman ako sa mga binitawang salita ni Zade, nababaliw na ba siya?

"What the fcuk?" Sabay sapak ulit nito kay Zade, napanganga ako at napaupo sa sobrang gulat. Napahawak ako sa bibig ko at may pumatak nalang na luha galing sa mata ko. "Ginamit mo si Tin." Diin na ani ni Kel.

"Because i like you. I'll do my very best para ma notice mo ako." Lumambot yung boses ni Zade, kingina niya huh. Tumayo ako at sinampal siya. "Bakit?" Tanong ko dito at tumungo siya.

"Sorry Tin na damay ka pa." Sambit nito habang naka tungo, "Tara na." Sabay hawak nang kamay saakin ni Kel pero binitawan ko ito.

"No, wag mo akong hawakan. Pare parehas kayong mga lalake. Mga man loloko." Nanginginig kong sambit.

"Hindi ako lalake." Sabat ni Zade. "Bobo wala kang matres." Pag tataray ko dito at nag lakad na palayo.

Isa pa yan si Kel akala mo may pakialam saakin, pa fall lang naman.

END OF THE FLASHBACK:

"Ayun naman pala eh, Hindi naman pala siya lalake Tin." Pag papatawa ni Eros, nasa ilalim kami ngayon nang puno. Sumingot ako at binigayan niya naman ako nang panyo at pinang punas ko 'to sa luha ko.

"Pare parehas lang kayo." Pag tataray ko dito, at tatayo na sana nang hinatak niya ako pabalik kaya bumagsak ako sakaniya, niyapos niya ako at dinausdot nito ang kamay niya sa bohok ko.

"I missed you." Bulong nito saakin. Huminga ako nang malalim at tumayo na nang tuluyan. Miss ko na nga rin siya eh pero. Ayoko na talaga.

Nag lakad na ako pabalik sa room ko at umupo na sa tamang upuan ko nang mag tamaan kami nang mata ni Zade, nilisikan ko siya nang mata.

Lalake rin pala ang hanap ni Zade, nakakalungkot lang. T-tapos ginamit niya lang ako. Parang hirap na hirap na ako.

"Bes umiyak ka ba?" Tanong ni Zian at tinitigan maigi yung mata ko, "Lagi lang talagang maga yung mata ni Tin." Sabay tawa ni Mia. Huminga ako nang malalim at pinunasan maigi yung mata ko nang manapansin kong nasaakin parin pala yung towel ni Eros.

"Er-" Naputol ako nang dumating si sir at nag lesson na kami.

Nang matapos ang lesson inayos ko na yung gamit ko at pumunta na agad nang locker, uwian na pero parang hindi pa dahil nasa canteen sina Mia ngayon. Pag ka lagay ko nang mga libro tumingin ako sa paligid ko at wala nang tao at inamoy ko yung panyo.

Same cologne same sht. hayst.

"Hoy! Bawal rugby sa school." Sabay hawak ni Gage sa balikat ko, napatalon naman ako sa ginawa nito at pansin 'kong peke yung mga ngiti niya.

"Anong nangyare na kay Mia atchaka sainyo?" Tanong ko dito. "Wala na." Sabay labas nito nang hininga. "Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ko dito, "Dadaretsohin ko na si Aries." Sabi nito, teka babaero 'tong lalake nato.

Binatukan ko ito, "Hoy! babaero ka! kaka break niyo lang! hindi pa tapos ang 3 months rule." Sigaw ko dito,

"Ano ka ba! Nag p-pretend lang kami ni Mia!" Malakas na bulong nito, what? "Teka hindi mo alam?" Tanong nito saakin, oo alam ko pero? ngayon ko lang naalala.

"Alam ko. P-pero sayang yung 2 years niyo." Sabi ko dito. "2 years, 2 years na nag p-pretend. Parang wala naman kaseng epek kay Aries eh. Atchaka may nakikina na din kasing iba si Mia. Gusto ko na siyang pakawalan." Explain nito saakin. Napatango naman ako nang bigla niyang natanong yung hawak kong panyo ngayon.

"Diba kay Ero-" Tinakban ko yung bibig niya dahil biglang dumating si Eros. "Ay! sige iwan ko na kayo bye na HAHAHA!" Sabay alis ni Gage, "Tin! asan si Aries?" Tanong nito.

"Ewan baka nasa canteen." Sabi ko dito at tumango naman siya at nag lakad na palayo. Tumingin naman ako kay Eros na naka pamulsa ngayon,

"Ano 'bayan tinakasan ako ni Gage may sasabihin ako eh." Sabi nito at nag lakad na din palayo. "E-eros." Tawag ko dito, lumingon naman siya at humarap saakin.

"Bakit?" Tanong nito saakin, inabot ko sakaniya yung panyo. "Salamat." Tumango naman siya at inunahan ko na siyang pumunta nang canteen, ang awkward naman non!!

"Tin! Sabay na tayo." Pa takbo niyang sabi, "B-bahala ka." Sabi ko dito at sabay na din kaming nag lakad.

Nang nakadating na kami nang Canteen lahat sila naka ngiting tagumpay. "Ehem!" Si Rylie at ako naman nilakihan ko lang sila nang mata at tumabi na ako kay Mia.

"Mia hindi mo sinasabi saakin lahat ah, bakit ganyan ka? Ang dami mo nang sikreto?" Daredaretso kong bulong dito. "Sinabi na ba sayo ni Gage?" Tanong nito saakin.

"Oo, pero sino ba yung sinasabi niyang guy? sikreto mo na kase eh." Curious kong tanong dito, nag tatawanan lang yung tropa at kami naman ni Mia seryosong nag uusap dito sa gilid.

"S-si s-sir Jaden." Napalaki naman ako nang mata at wtf?!

Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon