CHAPTER 9

47 4 0
                                    

Pinapanood ko lang yung mga sasakyan na nakakasalubong namin, nasa backseat ako samantalang si kuya Marco nasa front seat at si kuya Ozi ang nag d-drive.

"Nasaan na daw sina Mommy? Naka baba na ba daw ang eroplanong sinasakyan nila?" Tanong ni kuya Ozi na seryosong nag mamaneho.

'When I needed you the most, I needed youWhen I needed you the most, I needed you, the mostNow I won't be there to give you what you needNow I won't be there, no'

Kanta ko habang naka plug ang earphones sa mga tenga ko, nang bigla akong kinalabit ni kuya Marco. Tumingin ako sakaniya habang siya ay kinakalabit parin ako. Tinanggal ko ang earphones ko.

"Wag ka ngang kumanta, Naka earphones na kumakanta pa." Iritadong saway niya saakin, "Pake mo ba?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi maganda boses mo." Sabay talikod saakin, inirapan ko lang siya. "Bakit ikaw maganda ba boses mo?" Pang aasar ko din sakaniya,

"Oo maganda boses ko hindi tulad sayo parang palaka." Naka harap na siya sa unahan habang ako dinungaw ko ang mukha ko parea makita ko yung mukha niya. "Eh ikaw? Parang dinosaur?" Sabay tawa ko nang bigla akong binatukan ni kuya Ozi.

Inirapan ko lang din si kuya Ozi at umupo nalang nang maayos, "Umayos kayo ah! nag mamaneho ako." Saway ni kuya Ozi saakin, "Si kuya Marco kase!" Sumbong ko kay kuya Ozi.

"Tumahimik na kayo, tinatanong ko kung nasaan na ba daw sina mommy?" Iritadong tanong ni kuya Ozi, hindi ata siya pinansin ni kuya Marco nang tinanong niya ito.

"Ewan ko kuya." Aniko at pinatay na ang music sa ipod ko, "Abnormal." Rinig kong bulong ni kuya Marco mula sa unahan.

"Bakla." Sinadya kong marinig niya yung sinabi ko at nilingon niya ako. "Anong sabi mo?" Nakakuyom na yung mga panga niya na parang gusto niya na akong sapakin.

"Punyeta kelan ba kayo matatapos jan? Iiwan ko na kayo" Sabay sarado ni kuya Ozi nang pintuan, pag tingin ko sa bintana nasa airport na pala kami. Lumabas na agad ako baka bangasan pa ako ni kuya Marco at sumunod naman siyang lumabas.

Nag lakad na kami papuntang Terminal kung saan aantayin sina Mommy.

Nang makita na namin sina Mommy agad naming kinuha ang mga maleta nila at nag beso beso at nag lakad na rin kami papuntang sasakyan.

"Oh kamusta naman ang pinaka mamahal kong dalaga?" Pabirong tanong ni Daddy, "Maganda parin." Sabay halakhak ko nang marinig kong bumulong na naman si kuya Marco.

"Abnormal talaga." Sabay iling nito habang sinasalpak ang mga maleta sa likod nang kotse. Naka yapos parin ako ngayon kay daddy at pumasok na kami, Napangitnaan ako ni kuya Marco at ni Mommy sa likod habang si daddy ang pumalit sa pwesto ni kuya Marco sa front seat.

Nang maka uwi kami nag pahinga muna sina mommy at daddy habang ako umakyat din muna sa kwarto ko at nag facebook nalang.

---.---.---.---

Nag lalakad ako ngayon sa hallway mag isa, iniwan ko sina Mia sa loob nang classroom dahil pupunta lang naman ako nang banyo.

Lumabas ako sa cubicle at nag hugas nang kamay,

Nang biglang may kumalabog sa kabilang cubicle, huminga ako nang malalim bago ako lumapit doon at nag aalangang buksan ito, "O-okay ka lang?" Tanong ko dito at pag ka bukas ko, mas lalong nan laki ang mata ko nang makita si Kel...kasama si Clyde... mag kaharap lang sila, hindi ko alam pero may part saakin na gumuho. Malay ba natin kung nag mimilagro sila?

"Sorry!" Sabay takbo palabas nang C.R, bumalik ako sa classroom na parang walang nangyari at nakita ko yung head nang school, "So, for our upcoming foundation day." Nag simulang mag salita ang school head at ako naman 'tong tahimik na umupo sa upuan ko.

Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon