CHAPTER 2

59 5 1
                                    

1st day of school na, Nag lalakad ako ngayon sa hallway. 4th year na ako akalain mo yon.

"Baby gorl! Mag ka-section tayo!" Sigaw ni Mia sabay yapos saakin, "Ano bayan!" sabay yapos ko din sakaniya.

Pumasok na kami sa room namin at walang bagong mukha akong nakikita, puro dating mukha ang nakikita ko. Hays wala bang nag transfer? Pero yung section namin ni Mia ngayon ay yung highest section kung nasaan si Eros, awkward. Pinalipat kaming dalawa dito ni Mia, naiwan sina Andrea doon sa kabilang section. Nag sama sama kami nina Zian at Mia sa gilid nang upuan.

"Balita ko may new student na nag transfer e, lalake gwapo!" Sabi ni Zian, "Ayan ka na naman, gwapo na naman? Pero for sure mukhang timang yan." Sabay tawa ko, "Hindi kaya na search ko na sa facebook." Pag mamayabang naman ni Mia. "Ezekiel name niya." Ani Zian.

Naalala ko tuloy si Kel, well after nang sports fest wala nang communication na namagitan samin. Hindi ko naman kase alam masyado impormasyon niya, yung Facebook niya hindi ko din natanong.

"Hi Eros!" Bati ni Zian, napa rolled eyes naman ako kase, oo nga pala ka section ko na to. "Yo." bati niya sabay tingin saaming tatlo. Umupo naman siya sa tabi nina Gage, si Josh napalipat na din nang ibang section pero wala pa siya.

Nilabas ko yung cellphone ko at nag twitter dahil na-o-op ako sa pinag uusapan nila. Love life na naman kase yung pinag uusapan nila, Eh ayoko na nga niyan.

"OMG AYAN NA!" Sigaw ni Mia, pag tingala ko naman laking gulat ko nang makita ko yung nasa pintuan. "KEL!" Mukhang sobra sobra yung pag ka gulat ko na nasigaw ko na pala yung pangalan niya kaya napatingin siya sa bandang side saamin.

"Tin." Yung mga ngiti niya, na miss ko yon, halatang nag tataka yung mga mukha nang mga kaklase ko ngayon. "Kel!" sabay tayo ko at niyapos siya, ang weird ko pero ano bayan bakit ba ako nag kakaganto kapag nakikita ko siya.

"Na-miss kita." sabay niyapos niya din ako. "Naunahan mo ako." sabay harap sakaniya at nag pout. "ayan ka na naman." sabay tawa niya nang mahina at umupo sa row namin.

"Kilala mo siya?" bulong ni Mia saakin, "Paano mo nakilala yan?" bulong din ni Zian, "Sikretong malupet." Sabay halakhak ko. "Eros oh may naaligid sa syota mo!" sigawan nila.

"May boyfriend ka?" tanong ni Kel sakin, "Hindi ah! KELAN KO PA NAGING SYOTA YAN!?" sigaw ko. ngumiti na naman siya na parang ewan jusko talaga tigil mo yan sasapakin na kita.

---.---.---.---.---

Lunch na, kasama ko si Zian at Mia si Kel kase nabili pa at humiwalay muna saakin. "Hoy! babaita? Paano mo nakilala si Ezekiel?" Tanong ni Mia saakin, susubo na sana ako nang kinurot ni Zian yung tagiliran ko, "Sumagot ka muna." Ata't na utos ni Zian saakin.

"Sa sports fest na sinasabi ko sainyo." Sabay subo nang na udlot na kinakain ko. "Grabe sana pala talaga sumama ako sayo." Sabay hawak ni Mia sa braso ko habang nasubo ulit ako nang panibagong ulam na binili ko pa.

"Hmmp." Ako sabay inom nang tubig, bigla kasing lumapit saamin si Kel. "Tin, pwede bang maki kain dito?" Tanong niya habang naka ngiti. "Sige sure." naka ngiti kong sagot tapos sumubo ulit, nakita ko namang pinapanood lang ako nina Mia at Zian. Ang bilis kase nilang kumain kaya inaantay nila nalang nila ako.

"So baby Ezekiel? paano mo nakilala tong Tin Tin namin?" Tanong ni Zian habang naka salumbaba pa't naka harap kay Kel na nakain na din, biglang lumapit sina Gage at sina Eros saamin at naki upo. "Sa sports fest." Naka ngiti niyang sagot at kumain ulit.

"Anong ganap dito mga tao?" Tanong ni Gage, "Ano ba yung tanong niyo?" Takang tanong ni Gage.

"Tinanong namin kung saan nakilala ni Ezekiel si Tin." Seryosong sagot naman ni Mia, "Hala ang cold ni baby girl." Sabay poke ni Gage sa tagiliran ni Mia, si Mia naman ni walang imik sa kinauupuan, tumawa ako nang mahina at tumingin kay Kel na tapos na kumain at nainom. Napalunok ako nang makita ko yung adam's apple niya na nagalaw kada lagok niya nang iniinom niya.

Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon