CHAPTER 20

21 0 0
                                    

Champion kami ni Cheska na ka doubles ko sa badminton, trip ko ngayon mag doubles kaya nakipag doubles ako kay Cheska, ngayon nandito kami ngayon sa Campus na may mixed na collage. Dito gaganapin ang basketball at volleyball.

Kakatapos lang nina Mia sa Volleyball at eto yung pinaka nakakatawang part nung nasa finals na sina Mia sa volleyball, meron kasing bagong sinali sa volleyball team. Matangkad siya, hindi siya gaanong kagaling basta, matangkad siya pwede na.

Nag set si Aries at Clyde at si gurl na matangkad na itago natin sa pangalang Yna ang nag balak na i spike, pag ka spike naman nito sumalpok sa mukha ni Clyde, kaya natumba siya sa loob nang court. Tawa naman ako nang tawa habang kasama sina Gage. "Serves you right!" Tawa ko dito, si Gage naman naka ingit lang saakin. "Ang sama mo." Sabay irap ni Josh saakin.

"Di wow po." Yun nalang ang nasabi ko habang natawa.

Nasa bleachers kami ngayon nina Rylie buong squad nandito habang pinapanood sina Gage na nag lalaro ngayon. Pinapanood ko lang si Zade na seryosong nasigaw at naka focus sa pag lalaro sa court.

"Sayang talaga yan si Zade." Bulalas ni Rylie, katabi ko siya ngayon at napangingitnaan ako ni Andrea at saka siya. "Naging crush ko din kaya yan!" Sabay siko ni Rylie saakin, "Bakla naman yan eh." Bulalas ko. "Pfft ang pait." Sabat naman ni Andrea.

Natawa nalang ako sa binitawang salita ni Andrea, nang biglang may tumayo sa unahan namin. Naka shoot kase yung number 18 na Avellada sa kabilang team.

"GO SEVENTH!" Sigaw nung babaeng tumayo sa harapan namin, "Ate ang ganda nang likod mo." Bulong ko sa sarili ko, "Ay bes! Kilala mo ba yun? Yung Seventh Avellada daw?" Tanong ni Rylie.

Nung umupo na yung babae sa upuan niya sinulyapan ko naman yung lalaking natakbo na naka 18. Namumukhaan ko siya, "wait iisipin ko." Anunsyo ko kay Rylie, "Jusko ang pogi!" Sigaw naman ni Rylie, "Senior na yan eh, Grade 12 ata." Singit naman ni Andrea.

"Ah! Tropa siya ni kuya Marco!" Anunsyo ko kay Rylie, "Dati, pero ngayon medyo nalang." Dugtong ko dito. "AHH." Masayang sabi ni Rylie, "Guys mall daw after nito. Squad lang." Kalabit ni Zian saamin. Tumango naman ako at ngumiti nalang.

Aaminin ko ang gwapo nga ni kuya Seventh. Pumunta na dati yan sa bahay kasama yung Skye? Tropa tropa sila nina kuya Marco nung 4th year palang sila pero ngayon parang hindi na sila nag kakausap. Hindi ko nga alam kung kilala ako niyang lalaki nayan eh.

--- ---- ---

Sobrang ingay naming kumain ngayon sa KFC dahil doon nila naisipang kumain, "Gash ang sarap talaga nang mushroom soup dito!" Anunsyo ni Aries. "Bes shut your mouth nakakahiya ka po." Sabay pout ni Zian.

"Wow huh akala mo kung sinong mag malinis." Sabay tawa nilang dalawa. Mga baliw.

"Saan tayo ngayon?" Tapos na kasi kaming kumain at siyempre nag iisip kami nang mapupuntahan ngayon. "Sa Tom's world." Ani ni Andrea. Tumango naman kaming lahat at nag si tayuan nadin.

Palakad kami ngayon papuntang Tom's world, nang madaanan namin yung DQ. Naaalala ko tuloy yung sapakang naganap noon kay Zade.

Nang makabili na kami nang tokens nag tago kami nang tig iisang token sa bulsa namin para kung sakaling may mangaylangan, sinayang namin yung tokens namin sa claw machine na madaya.

"Bes! Try natin yung mini carousel doon!" Yaya nina Mia, tumango naman ako at nag pahatak kay Andrea. Kumuha si Zian at Aries nang token sa bulsa nila dahil kaylangan nang two tokens yung mini carousel.

Yung pang bata, "For kids only." Basa ni Andrea, "Huy! Tigil niyo yan!" Nag sakayan na kami sa mga kabayo at dinilaan lang namin si Andrea, "Tara na bili!" Yaya ni Aries kay Andrea, "Bahala kayo jan!" Sabay layo ni Andrea, "pikturan mo nalang kami!" Sabay abot ko nang cellphone ko.

Nang hinulog na nila yung tokens biglang umandar yung carousel, tawa naman kami nang tawa habang si Andrea picture nang picture lang saamin. Nang biglang may dumating na lalaking naka I.D.

"Baba kayo jan." Seryosong sermon nito saamin, ako naman tumalon agad pababa, nang may makabangga ako nung pagka baba ko. "Sorry po." Naka Jersey siya na kulay nang kaninang nakalaban nina Josh sa basketball.. Pag tingala ko si kuya Seventh.

"Takbo." Sabay hawak ni Rylie nang kamay ko at tumakbo kaming lahat palabas nang arcade house. "Hahahah!" Tawa ni Zian. "Grabe yung lalake epal! Andoon yung mga lalaki na nakalaban nina Gage eh!" Naka pout na sabi ni Mia.

"Ang g-gwapo!" Dugtong ni aries, palakad kami ngayon sa kabilang arcade house, mag kabilaan kase yung arcade house dito. Siguro banned na kami doon sa main kaya napag isip isip namin na doon nalang mag laro nang claw machine na madaya.

"Sayang talaga ang gwapo nung isa!" Sigaw ni Aries, "Oo nga sayang! Andon si Seventh!" Dugtong ni Rylie. "Nakabangga ko nga eh hahaha!" Tawa ko. "Natatawa nga sila saatin eh." Dugtong din ni Zian.

"shet guys, sila ba yung sinasabi niyo?" Sabay kalabit saamin ni Andrea, pag lingon naman namin sila nga. "Sht! Sht sht!" Sabay pisil ni Aries nang braso ko. "Bes calm your belbels!" Bulong ni Zian.

"Gash ilan sila. Andrea bilangin mo!" Bulong ni Rylie kay Andrea, si Andrea lang kase yung walang pake kaya hinayaan namin siyang bilangin yung mga lalaki na nasunod saamin. "Anim." Sakto samin shet HAHAHA!

"Guys natatakot ako, baka mga kriminal sila." Bulong ko kayla Rylie, "tungek! Anjan si Seventh!" Kinikilig na anunsyo ni Rylie.

Tahimik naming tinahak yung kabilang arcade house. At pansin na pansin namin na talagang sinusundan kami. Nag laro kami nang basketball nina Rylie at Mia habang sina Aries naman nag laro nang claw machine na madaya.

"Puwede kami naman." Pag lingon namin ni Rylie at Mia andoon na yung mga lalaki kasama na si kuya Seventh. "T-tin?" Wow naman naaalala niya ako. "Kuya Seventh!" Bati ko dito, "sorry kanina na bangga kita ah." Sabay kamot nito sa nape niya.

"Ah kuya Seventh si Rylie at Mia nga po pala." Pag papakilala ko sakanila, "Ah ikaw pala yung nanulak saakin," sabay turo ni kuya Seventh kay Rylie, napalaki naman nang mata si Rylie.

"A-ako?" Tanong niya sabay turo sa sarili niya, "Oo kaya nga namin kayo sinundan eh, dahil dito." Sabay turo ni kuya Seventh sa jersey niya.

Napatingin naman ako dito at basa nga ng chocolate.

"I would like you to pay for my jersey." Wait pag tingin ko kay Rylie halatang nagulat din siya sa mga binitawang salita ni kuya Seventh.

"B-bakit? Lalabhan ko nalang." Ani Rylie na halatang kinakabahan. "No, gusto kong bayaran mo." Wait wtf? Grabe naman tong hinayupak na to este si kuya Seventh.

"m-mag kano po? A-ano Gagawin ko po lahat." Grabe bumigay agad si Rylie, "I would like you to be my girl. Easy as that." Laking gulat din ako sa mga binitawang salita ni kuya Seventh.

"What?" Blankong tanong ni Rylie. Pag tingin ko kay Mia naka nganga din siya, tinignan ko naman yung mga kasama ni kuya Seventh na mga naka ngiti.

Bobo tong Seventh nato oh, nawalan ako nang galang sakaniya ah. As if naman na pumayag si Rylie.

"S-sige." Whut?! Pumayag siya? Tumingin ako kay Mia, nag katamaan kami nang mata habang naka kunot ang noo. "What the fck?" Pabulong na tanong ni Mia, "Good, Tomorrow 2pm sa starbucks." Sabay walk out nilang mag ttropa.

Hinawakan ko sa mag kabilang balikat si Rylie, "Ry? ANONG NASA UTAK MO??" Tanong ko dito, "siya." Wala sa utak na sagot ni Rylie.

"Ano?! Hoy? Sumuko ka agad?!" Sabat ni Mia, "Love at first sight. Naniniwala ba kayo doon?" Tanong nito habang nakatingin sa kawalan.

"Hindi!" "Hindi!" Chorus namin ni Mia, "Pwes ako oo. Please paki supportahan ang love life ko." Anunsyo nito, "wag mong sisiputin yon bukas!" Alog ko kay Rylie.

"B-bahala na si tadhana. Char! Mga hinayupak akala niyo naman sisiputin ko yon! Ano siya chicks? Hindi ako ganoong babae! Kala niya sakin patapon? Gunggong! Kras ko siya sana e kung hindi lang siya nag bitaw nang ganong salita! Che! Mag hantay ka dito magdamag bukas manigas sana siya!" Sabay tawa ni Rylie.

Akala ko naman sisiputin niya nga si kuya Seventh, hindi ko naman siya gaanong ka close, atchaka yung inasta niya kay Rylie. That's no no! Bastos.

Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon