CHAPTER 25

7 1 0
                                    

Dumating ang mga araw, gumaling na din ako at pasukan na. Sinayang ko ang vacation ko sa higaan dahil sobrang sakit sa katawan nang sakit ko, hindi ko alam kasabay pa nito ang pag aasa ko na babalik ka si Kel. Last na kita ko sakaniya yung pumunta siya dito sa bahay.

Hindi ko alam baka binalaan na ni Eros si Kel nang kung ano ano. Hindi ko alam iba iba ang nararamdaman ko no'ng panahong may sakit ako.

"Tin!" chorus ni Zian at Mia sa harapan ko at ako naman 'tong napa alog ang ulo sa nangyare, nakatulala pala ako. Sobrang lalim na ata nang na huhukay nang utak ko. lumingon ako sa likuran para tignan kung pumasok na si Kel.

Hindi padin, wala siya hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na kinakagat ko na pala ang lower lip ko. Napahawak naman ako 'don at tumingin sa kawalan.

Bumaling ang tingin ko sa pintuan na naka bukas at bungad na naka sandal sa pintuan si Eros na nakangiti, nag lakad siya papalapit saakin at nag aakmang hahatakin ako patayo nang tumayo na ako mag isa.

Napansin ko namang natigil siya sa pag ka galaw at halatang napahiya siya sa ginawa ko pero hinatak ko nalang yung isa pa niyang kamay at hinatak palabas.

Lutang ako, sobra dahil kay Kel. Hindi ko alam kung ano na yung nararamdaman ko. Parang ang gulo gulo na-

"Tin? Anong gusto mo?" Tanong ni Eros at agad naman akong umiling at tumango siya at nag lakad papuntang counter, naka upo kami ngayon sa isa sa table sa canteen at kasama namin lahat nang tropa pero hindi ko parin maramdaman lahat sila dahil sa iniisip ko.

'Nasan na siya? Bakit hindi ka 'man lang nag paalam?' sinautak ko nalang siya habang pinanood na pabalik na nang table si Eros na may dalang tray nang dalawang plato.

nilapag niya yung isang plate sa harap ko at isa sakaniya, umupo siya sa harapan ko at agad nang kumain. Ni-hindi niya sinabing kumain ako basta binigay niya na.

"Kumain ka na kase!" Sabay poke ni Mia sa tagiliran ko, paambang hahawakan ko na ang kutsara tinidor nang maaninagan kong nag lalakad mula sa malayo si Kel. Likod palang alam ko na.

"Tin!" Sigaw ni Eros dahil hindi ko napansin na natapon pala ang baso na nilapag din ni Eros sa harapan ko dahil sa pag tayo ko agad naman akong nag lakad palapit sa lalaking naka talikod na nag lalakad palayo.

'Kel where have you been?' Rinig ko ang pintig nang puso ko habang patakbo ko siyang hinahabol, at nang maabutan ko siya agad ko siyang pinigilan gamit ang pag hatak sa braso niya tulad nang lagi niyang ginagawa saakin.

"Ke-" Natigilan ako nang si kuya Seventh ang bumungad saakin. "Tin! Kamusta?" Tanong nito saakin at agad naman akong tumingin sa paligid ko. "A-ayos lang po." Pag sisinungaling ko.

"Sige po mauna na po ako." Bigong pag papaalam ko at agad na bumalik sa table, lahat sila nakatigil at nakatingin saakin.

"Bakit?" Tining ko sakanilang lahat, umiling lang sila at kumain nalang ulit sina Zian naman ay dumaretso sa pag uusap sa cellphone, kinuha ko na ang kutasar tinidor at kumain nang manapansin kong naka tigil padin si Eros.

"Bakit?" Tanong ko dito, umiling lang siya at kumain nalang ulit.

Ano na bang nangyayare saakin?

Nang matapos na ang lunch break agad na kaming pumasok sa loob at ako naman 'tong lutang na nakinig sa mga lessons na dumaan at nang uwian na kasabay ko si Josh kaming dalawa lang. 

"Nasan si Andrea?" Tanong ko dito at tumawa lang siya nang mahina. "Mas kaylangan ako ngayon nang bestfriend ko." Sabay gulo nito nang bohok ko, agad naman siyang lumayo.

"Ano na naman trip mo?" Tanong ko dito at inirapan siya, "Na-m-miss mo?" Tanong nito saakin, tumango ako nang walang pag aalinlangan.

"Namimiss ka ba?" Tanong pa nito, sinapak ko na dahil alam ko namang nampipikon lang siya, "Wag mokong ma badtrip badtrip kung ayaw mong sabihin ko lahat kay Andrea mga kabalbalan mo." Sabay tawa ko.

"Uy! Tumawa siya." Nakangiting sambit nito habang naka turo saakin, hinampas ko naman yung daliri niyang naka turo saakin at inayos ang pag mumukha ko.

"Ako na mismo nag sasabi sayo, wag mo nang isipin si E.J." Pag uutos nito, tumango nalang ako at hindi na nag salita. 

"Josh." Basag ko sa katahimikang nag babalot saamin, "Pwede last? Puntahan natin siya sa Coffee shop nila?" Tanong ko dito at nag mumukha akong desperada dito.

Nag isip siya at maya maya pa ay tumango nadin, "Last na'to." Pag bababala niya saakin. Tumango ako "Last na'to." Sagot ko dito at tumango ako at nakauwi na din ako nang maayos, at nakahinga nang malalim dahil kahit papaano ay sinuportahan ako ni Josh para kay Kel.

Hindi ko alam kung anong past nila dahil never niyang sinasabi ni isang kwento wala siyang binabanggit kapag tinatanong ko sakaniya yon iniiba niya agad yung topic.

Basta ang mahalaga pupuntahan namin ang coffee shop nila at hahanapin ko siya don. Kakausapin ko siya. Sasabihin ko lahat nang gusto 'kong sabihin. Bahala na kung saan makakarating 'tong ekspektasyon ko.


Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon