CHAPTER 7

52 6 0
                                    

Sa wakas at uwian na, bigla akong tinawagan ni Mia at sabing mag s-sleep over daw sila sa bahay namin, kaso sabi ko ayoko. Dahil andoon sina kuya Ozi at kuya Marco. Baka burautin lang ako nang burautin nang mga 'yon.

Umuwi na agad ako at hindi ko na pinansin si Zade at baka burautin na din na naman ako ni Kel, tinakbo ko na para maka uwi na din ako agad.

Nang makarating na ako sa bahay, hingal na hingal ako kaya mukha akong lantang gulay na papasok sa bahay namin.

"Tin Tin, aalis na ako. Sina Mommy at Daddy nasa China." Ani kuya Ozi. Wala na naman sila? lumabas na siya habang dala dala ang susi niya. "Dude! antay!" Sigaw ni kuya Marco habang pababa nang hagdan.

"Mag isa na naman ako?" Tanong ko sakanila. "Anjan si ate Riza oh." sabay turo ni kuya Ozi kay ate Riza, haler? hindi naman stay in si ate Riza. Bumuntong hininga lang ako at pinat ni kuya Marco ang ulo ko at "Sanay ka namang mag isa diba? Princess?" Pang aasar nito saakin. Nag walk out ako at umakyat sa guest room.

Anong ginagawa ko dito? Palabas na sana ako nang guest room nang may naalala ako, tinawagan ko si Mia at sinabing mag sleep over ang buong tropa dito, Nag chat din ako sa GC na mag sleep over kaming lahat dito saamin at mag m-movie marathon.

Nag doorbell sina Mia at Gage na naka backpack.

Sumunod si Andrea at Rylie. Sunod si Aries at Josh.

Nasa sala na kaming lahat at nag kakatuwaan habang nasa kusina sina Rylie at Aries ewan ko ba jan kay Rylie at mukhang nanay ngayon, pero aaminin ko masarap mag luto ang isang iyan.

"Selfie muna tayo para i-popost ko!" Sabi ni Andrea at ngumiti kami at may nag doorbell ulit at patayo na nang pinigil ako ni Gage,

"Tin ako na titingin!" Tumayo siya at pinamewangan siya. "Hindi ako na!" sabi ko at tumakbo na para maunang tignan kung sino ang nag doorbell pero sinundan niya lang ako. Baka si Zian na kase ito. Pag ka bukas ko nang gate,

"Besh-" naputol ako nang bumungad si Eros sa harapan ko, Invited ba siya? 

"AWKWARD!" Sigaw ni Gage mula sa likod, at nag lakad para hatakin papasok si Eros. Natameme lang ako at naiwan ako sa labas at sila naman 'tong pumasok na agad. Bahay niyo ba 'to? ka beastmode ah.

"Nakita ko yung tinag sayo ni Andrea sa facebook, mukhang nag kakatuwaan kayo." Pag tingin ko sa labas nandoon si Kel. Nanlaki naman ang mata ko nang bumungad 'tong lalaki nato sa harapan ko.



"At nakita ko si Eros na kakapasok lang, Mukhang may mag kakabalikan ganapan dito. So puwede ba akong maki sleep over dito?" Tanong nito saakin, nakakunot lang ako nang noo at "Okay, lets go princess." at sinarado ang gate at hinatak ako papasok sa loob.

"Tin! si Eros oh! hahah-" Naputol si Mia nang nakitang papasok din sa loob si Kel. Natahimik ang kaninang tawanan at ngumiti lang si Kel. "Guys si Kel." Pag papakilala ko sakanila.

"Ezekiel." Pag tatama ni Kel sakanilang lahat. "Omg! Ezekiel Justin Oropesa?!" Tanong ni Andrea.

"Yeah." Matipid na sagot ni Kel, at lumabas galing kitchen sina Aries at Rylie. "Tin ikaw nga mag luto 'non akala ko naman alam ni Aries yung ingredients." Sabay simangot nito at umupo sa sofa para maki kuha nang potato chips.

"Akala ko kase alam mo din eh!" Pag sisigaw ni Aries kay Rylie, binigyan lang ni Rylie nang bad finger si Aries habang naka upo sa sofa at tumawa lang naman si Aries, "Tin, paki tingin naman baka maging pritong manok 'yon." Sabay peace sign ni Aries at naki gulo kayla Josh.

Si Josh naman napaka tahimik lang, diba bestfriend niya si Kel bakit hindi niya salubungin?

Kinakausap ni Gage si Kel, finally may kumausap din kay Kel lumapit din naman si Mia at naki asyoso sa usapan ni Gage at Kel.

Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon