CHAPTER 13

19 3 0
                                    

Bumalik na kami sa campus, at siyempre hinatid ako ni Kel. I mean sabay kami. "Tsk." Palabas ko nang pintuan. Nang bigla niya akong hinatak paupo ulit sa sasakyan niya.

"Bye wifey." tapos kiniss niya yung cheeks ko. kingina kanina pa siya ah. Sinapak ko na ulit at siyempre dumoble yung band aid sa mukha niya dahil mas lalong lumama yung sugat niya kanina.

"Bes bakit may sugat si fafa Ezekiel?" "Nako nako. Kawawa naman siya." "yung face niya bes!" Yan lang naman ang mga naririnig ko. Saakin ba hindi kayo concern?

Tuluyan na akong bumaba at bumaba narin naman siya, nag titinginan yung mga estudyante saamin at ako naman mabilis na nag lakad palayo sakaniya, "Wifey!" Tsk hindi ko na pinansin dahil naiinis ako sakaniya, hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

"Tin!" Pag lingon ko biglang nawala yung inis ko dahil bumungad saakin...sa harap ko si Zade. "H-hi zade." Nakangiting bati ko sakaniya.

"Sino kasama mo? bakit parang inis na inis ka jan?" Tumawa pa siya nang mahina nang tinanong ako nito. "A-ah, w-wala kase ano hinahanap ko sina Mia nawawala na naman." Pag sisinungaling ko, Lord sorry talaga napaka dami ko nang kasalanan sainyo.

"Ah si Mia ba? Nakita ko kasama si Gage." Anito 'lagi naman silang mag kasama' "Ah--" natigil ako, "May napapansin ka ba kay Mia at Gage ngayon? Parang simula nung kahapon nag iba ang aura nilang dalawa?" Anito. Palakad kami ngayon sa field, sabagay maganda to natagal ang convo namin.

"H-huh? anong aura?" Tanong ko dito, "Ah- i mean you know parang nag iba yung mood nilang dalawa. Naging cold ba?" Anito. Napaisip naman ako 2 years... Teka teka. P-parang? Hindi ko ma recall pero parang-

"Tin." Nawala naman ako sa pag iisip at napatingala kay Zade may hawak siyang chocolate ice cream. Kukunin ko na sana ito, Hindi ako mahilig sa chocolates pero para kay Zade pipilitin ko.

"Hmmp, Hindi siya mahilig sa chocolates." Mahilig naman ako kahit papaano pero- P-paano niya nalaman.

Bumungad sa harap namin si Kel... "Mahilig naman ako-" Pinigilan ako ni Kel. Bakit ba kase lulusot lusot tong hinayupak na 'to

"Remember nung nag date tayo? sa Coffee shop. Madami akong inorder na chocolate flavors pero yun yung mga iniwan mo." Explain nito, Date? wtf?

"Excuse me hindi tayo nag date-"

"Ah eto strawberry palit tayo." Kinuha ko naman to habang naka ngiti kay Zade at pag lingon ko umirap lang si Kel. "Pre ano gusto mo? libre kita." Masayang tanong ni Zade kay Kel.

"Ayaw niya." Nakangiti kong bangit kay Zade habang kinakain yung ice cream ko. "Kaya 'kong ibili nang isang dosena si Tin niyan." Tapos bigla akong hinatak ni Kel sa kung saan man. "Hoy ano ba!" pag tataray ko sakaniya.

"Pinopormahan ka na non e!" Galit na ani nito, Wow naman as if naman na may pake ako sa opinyon mo. "Gusto ko naman siya eh pake mo ba?!" Galit na sabi ko dito. Bigla kaming nabalutan nang katahimikan.

"Kasal ka na nan lalalaki ka pa." Pag tingala ko naman bigla siyang nawala. May lahing multo ata siya eh. hayst. Bakit ba ang hilig nila akong hatakin sa malalayong lugar? Nasaan ba ako?

Nasa classroom pala ako, medyo dulo na to kaya hindi siya ginawang booth, pag labas ko sa classroom bigla kong narinig si Gage at Mia sa gilid alam ko dahil solo ko ang mga boses nila siyempre. Nag tago ako saglit para siyempre tsismis.

"Gage..." Halos pabulong na sabi ni Mia. "Mia..." Sumunod si Gage.

"Pst anong ginagawa mo, akala ko hahanapin moko." Pag lingon ko naka pout pa si Kel. "Wala akong pake kung mag hide and seek ka mag isa jan." Sabi ko at nag lakad na palayo. Hindi ko na pinansin sina gage at mia kase naman 'tong multo nato bigla biglang nasulpot.

Medyo nanghihinayang ako kanina kay Zade moment na namin yon e. Kasabay kong mag lakad si Kel ngayon. Naaniniagan siya nang araw mula sa mga bintana dito sa hallway kaya mas lalong nahalata yung brown eyes niya, matangos na ilong, yung pouty lips niya.

"Wifey, baka naman matunaw ako." Sabay smirk nito, kaya naman napaiwas ako nang tingin. Nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Wifey. Mamimiss 'koto." Naiinis ako sa sarili ko, bakit ngumiti ako. B-bakit hindi ako naiinis sakaniya? Jusko!

Nang nasa malapit na kami nang movie booth- "Tin--" Naputol si Josh nang makita niya kami ni Kel na mag ka hawak kamay.

Andoon din si Zade, Eros, atchaka yung squad ko. "Waah!" Binato ko yung kamay niya sa ere kaya nag kalas naman yung mga kamay namin.

"Tin." Cold na tawag saakin ni Josh. Pag tingin ko kay Eros blanko lang siya. Si Zade parang hindi ko mabasa yung mukha niya.

"Bes ano yan HAHAHA!" Tanong ni Zian. Iniwan na ako ni Kel at tinalikuran na rin sina Josh.

"Bakit mo kasama si Kel?" Tanong ni Zade. Gash bakit sakaniya pa nang galing. Hindi ko din alam bakit kasama ko yung hinayupak na yon e.

"Nag kasabay lang sa pag lakad." Pag papalusot ko.

"Nakasabay pero mag ka hawak kamay." Bulong ni Eros. "Ano?" Tanong ko dito. "Wala." Sabay walk out nito.

"Tsk." Ako at agad ko namang chinange yung topic at sumama nalang din sakanila. Si josh naman parang napaka dark parin nang expression.

---.---.---.---

Pauwi na kami at kasabay ko si Josh ngayon.

"Bakit kayo mag kasama?" Tanong niya.

"H-huh. W-wala nag kasabay lang talaga kami." Pag sisinungaling ko parin. "Bakit mag ka hawak kamay?" Tanong nito saakin. "W-wala ewan ko ninakaw niya yung kamay ko e." Explain ko dito.

"Bakit pumayag ka?" Natigilan ako sa sinabi nito. "Josh." Nilingon niya ako dahil naramdaman niya sigurong tumigil din ako sa pag lalakad.

"Tin. It's okay to be sorry. Pero sana last mo na yan. Natatakot ako para sayo. Binalaan na kita at sana naman makinig ka din saakin." Explain nito.

Natahimik ako. Hindi ko alam pero sa araw araw na pag babala sakin ni Josh parang mas lalo akong na c-curious.

"Sino ba kase talaga siya-" "bye, Tin." Nasa tapat na pala kami nang bahay namin. Palagi nalang! Nakakainis na ah! Na c-curious talaga ako jan sa Kel na yan...

S-sino ba talaga si Kel?

S-sino ba talaga si Ezekiel Justin Oropesa?

Salted WoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon