A/N: This is my new novel. Alam ko maraming makakarelate sa story na to, lalo na sa mga girls. Hoping that you'll all love this story gaya ng pagkagusto niyo sa Soulmates: 300 Years of Love. Thanks guys for reading :)
Media: Khloe Sabrielle Saavedra sa gilid. Ang manunulat ng tungkol sa pag-ibig, na sawi naman sa pag-ibig >.<
***
~Sabrielle's POV~
“At the end of the day, ikaw pa rin kasama ko…” sabi ko sa pinakamamahal kong laptop. Ito lang naman kasama ko lagi, malamang writer ako eh. Umupo ako sa study table ko na nasa harap ng bintana ko sa kwarto. Sa ibabaw ng table ko, nakalagay ang iba’t ibang klase ng papel, panulat, pangkulay, laptop ko at isang radyo.
Binuksan ko yung radyo. At ang kantang pinaka nakakarelate ako ang bumungad..
♪♫ Umiiyak ka na naman…
Langya talaga wala ka bang ibang alam.. ♪♫
Ayan na, tumulo na luha ko. Kanina ko pa papinipigilan to eh. Pero dahil sa kantang to, naiyak na ko talaga. Halaga by Parokya ni Edgar. Ang pinaka tugmang kanta para sakin ngayon.
♪♫ Namumugtong mga mata..
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa..
Sa problema na iyong pinapasan..
Hatid sa’yo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan. ♪♫
“Marcus…” Lalo akong naiyak. Today, we broke up. Ako nga nakipaghiwalay sa kanya pero bakit ako yung lubos na nasasaktan? Dahil ba sa nakita kong parang wala lang sa kanya na naghiwalay na kami? Na cool pa rin ang itsura niya nang sabihin kong “Break na tayo..”?
“Hindi ako pumapayag. Galit ka. Huwag kang magdesisyon kapag ganyan ka..”
Naalala kong sinabi yun sakin ni Marcus kanina. Pero, ayoko na. Kung hindi pa rin siya magbabago, ayoko na. Gusto ko nang maging masaya. Kaya kung para sa kanya kami pa, para sakin break na kami ngayon.
♪♫
May kwento kang pangdrama na naman..
Parang pang TV na walang katapusan..
Hanggang kailan ka ba ganyan?
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo diyan sa boyfriend mong tanga..
Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka! ♪♫
Madalas akong umiyak nitong mga nakalipas na taon dahil sa pagiging manhid niya. Noong una, alam kong mahal na mahal niya ko. Pero pitong taon na kami pero yung mga hinahanap ko para sa isang ideal na boyfriend hindi niya maipakita sakin. Oo, gwapo siya at hot talaga, pero hindi siya showy. Pigil lahat ng mga actions niya. Hindi ko mabasa kung ano iniisip niya. Sana may vampire ability nalang ako na makabasa ng iniisip ng iba, gaya ni Edward Cullen.
♪♫ Sa libu-libong pagkakataon na tayo’y nagkasama..
Ni ilang ulit palang kitang nakitang masaya..
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya.
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong tunay na
Halaga. ♪♫
Grabe tong chorus ng kanta. Sobrang relate ako. Huhu, tumutulo na sipon ko kakaiyak!
Naging mahalaga ba ko sa’yo Marcus?
Hindi mo ba talaga alam yung halaga ko para sa'yo?
Kung ganon, bakit hindi mawala mga insecurities ko?
Bakit kailangan mabawasan self confidence ko?
Bakit hindi mo pinaramdam sakin na special ako?
Panay bakit.
Napatingin ako sa bintana. Full moon. Parang dati lang trip na trip namin tignan ang full moon. Tatawagan pa niya ko para lang sumilip ako sa bintana and he will say.. "Sweetheart, tingin ka sa labas. Full moon. I'm also watching it.."
Ano na kayang ginagawa ni Marcus ngayon? Tinitignan din kaya niya ang full moon ngayon?
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Wala ni isang text mula sa kanya. Bakit ba ko umaasa eh taong bato nga siya di ba?
Nababaliw na ko!
♪♫ Ayoko nang isipin pa..
Di ko alam bat di mo makayanan na iwanan siya.
Ang dami dami naman diyang iba.
Huwag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita.
Na lalaki na magmamahal sa’yo.
At hinding hindi niya sasayangin ang pag-ibig mo. ♪♫
Noon, I can’t imagine my life without Marcus. Umikot ang mundo ko sa kanya noon. Highschool sweethearts kami noon and everyday was so perfect. He's my first boyfriend. Ngayon na wala na kami, paano na ang bukas ko? Kaya ko ba? May magmamahal pa kaya sakin after him?
Shet, buong pagmamahal ko ibinigay ko sa kanya. Mas matimbang pa rin ngayon yung pagmamahal ko kaysa sa galit ko sa kanya.
Bakit ba ko galit? Bakit ba ko nasasaktan?
Masyado ko ba siyang pinagkumpara kay Kean? Masyado ba kong nag-expect?
“Sana napipili nalang natin yung taong mamahalin natin para hindi na tayo nasasaktan. Kaso betrayal naman ang mga puso natin eh. Tumitibok para sa maling tao.” sabi ko sa full moon. Tss, as if sasagutin ako ng buwan.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak ko. Hanggang sa naisipan kong buksan ang laptop ko. Sobra akong emosyonal ngayong gabi, at kailangan kong magsulat para mailabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
I start typing.
{How To Treat Your Girl Right...}
*too toot too toot*
Agad kong tinignan cellphone ko. May nagtext! Sana si Marcus. :'(
“Tss, ako nakipagbreak di ba? Labo mo Sab!” binatukan ko sarili ko.
Nakita ko kung sino nagtext.
Sa sobrang iyak ko kanina, ngayon lang ako napangiti ulit. Tamang tama naman kasi ang timing ng nagtext na to eh.
“Tss..sayang tapos na unli ko..” sabay ipinatong ko ulit yung phone ko lamesa.
Globe lang pala nagtext. Informing me na tapos na unli ko. Wow, grabe ha.
Yan kasi, umasa ka pa, Khloe Sabrielle Saavedra. Asa ka pang magtetext yun sa'yo.
**
~atserkeiram
All Rights Reserved 2013
BINABASA MO ANG
Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]
Подростковая литература"When everything started with HATE, could there be any space for LOVE? Sometimes, love doesn't start with friendship nor at first sight. For some people, hate is also the beginning of LOVE." ~ Sab, short for Sabrielle. She's a romance novel writer w...