Picture of Kean and Sab sa gilid. <3 Gwapo talaga ni Kean grabe!!!
***
~Sab's POV~
"Alam mo, I smell something fishy ha.." sabi ni Mady habang naglalakad kami pauwi.
Bigla ko namang inamoy yung sarili ko. Hindi naman ako amoy isda? "Hindi ako yun ha.. hindi naman ako dumaan sa palengke para bumili ng isda.."
"HAHAHAHA.." tawa ni Cheska wagas. "Hindi yun ibig sabihin ni Mady.."
"Huh?" sabi ko.
Inakbayan ako ni Rence. "Ang ibig niyang sabihin, parang may kakaiba sa mga kilos ni Kean.."
"Kean? Bakit anong meron sa kanya?" sabi ko.
"Alam mo ang dense mo talaga kahit kailan, Sab." Sabi ni Sydney.
"Hindi ko naman kasi talaga kayo magets eh." Sabi ko. Ang labo kasi nila.
"Bakit nagpa-iwan si Kean para tulungan ka sa classroom?" tanong ni Jade.
"Ewan ko dun. Eh sa gustong tumulong nung tao eh.." sagot ko naman.
"Hindi kaya may lihim na crush sa'yo si Kean?" sabi naman ni Cheska.
Bigla naman akong inubo. "Crush? Walanjo. Pinag-iisipan niyo ng masama yung taong nasa loob na ng seminaryo???"
"Nasa labas siya ngayon. L-A-B-A-S.." sabi ni Mady.
"Pero kahit na. Alam niyo naman si Kean. Noon pa sadyang mabait na yun!" sabi ko. Ginagawan pa kasi nila ng issue si Kean eh.
"Basta feeling ko may hidden agenda si Kean.." sabi pa ni Mady.
"Naalala mo ba nung graduation natin nung elementary tayo..di ba may speech si Kean nun?" sabi ni Syd.
"Ay..wait..eto ba yung may sinabi siya na may isang babae raw siyang inspirasyon nun kaya lagi niyang ginagalingan sa klase..kaso hindi pa rin daw siya nito napapansin ever?" sabi ni Jade.
"Oo tapos lahat nag-iisip kung sino yun. Kailangan pa talaga niyang isama sa speech niya yun? Hahaha.." sabi ni Mady.
"Torpe kasi si Kean kaya dinaan sa speech haha.." sabi ni Rence.
"Ha? May ganun ba siyang speech nun? Bakit hindi ko ata alam yun?" sabi ko.
"Pano kasi nakatulog ka sa speech niya nun! Hahaha.." sabi ni Cheska.
"Ay oo nga no hahaha kakaantok naman kasi eh.." sabi ko.
"Baka ikaw yun, Sab?" sabi ni Syd.
"Ha? Imposible.." sabi ko.
"Feeling ko nga ikaw yun.." sabi ni Mady. "Ang haba ng hair mo, te.."
"Tsss..bahala na nga kayo. Sige dito na ko, ingat kayo ha.."
"Bye bye!" sabay sabay nilang sabi.
Lumiko na ko sa street kung nasaan ang bahay namin. Malapit lang naman kasi yung school namin sa bahay namin kaya walking distance lang talaga. Madadaanan ko nga pala mansyon nina Kean no? Two blocks kasi ang pagitan ng bahay namin sa bahay ng mga Fuentabella. Dito kaya umuuwi si Kean ngayon? Hmm..
Ang ganda ng bahay nila. Ang pagkakatanda ko, kaibigan ni Mama si Mrs. Fuentabella. Ewan ko nalang ngayon. Hindi na ata sila nagkakachikahan eh haha. Kami naman ni Kean, hindi masyadong nakakapag-usap noon dahil nga may mga kanya kanya kaming set of friends.
"Mama, I'm home!" sabi ko nang makapasok ako sa bahay namin. Dumiretso na ko sa kusina. May kalakihan rin naman ang bahay namin. Malaki kasi kaming pamilya. Tatlong floors ang bahay namin. Walo ang rooms. Dami no? Eh paano naman kasi, lima kaming magkakapatid. Tig-iisa kami ng rooms tapos yung isa kina Mama at Papa. Yung isa guest room.
BINABASA MO ANG
Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]
Teen Fiction"When everything started with HATE, could there be any space for LOVE? Sometimes, love doesn't start with friendship nor at first sight. For some people, hate is also the beginning of LOVE." ~ Sab, short for Sabrielle. She's a romance novel writer w...