Chapter 2: "The Way It Used To Be"

213 7 7
                                    

Picture of Marcus sa gilid <3 <3 <3

***

~Sab's POV~

Nakauwi na rin ako sa condo ko. Sobrang pagod na pagod ako sa buong maghapon. Galing akong book signing tapos dumiretso pa ko kina Mady. Six months ago, naghanap ako agad ng malilipatang condo, dahil kapag nasa bahay lang ako, naalala ko lang si Marcus. Makikita lang ako lagi ni Mama na umiiyak.

"As much as I want to, hindi ko pa rin talaga siya makalimutan. Dahil ba walang closure na nangyari sa amin six months ago?" sabi ko sa sarili ko. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. God, nakaya ko nga ba yung pagiging single ko sa loob ng six months? Sobra kong pinagod ang sarili ko sa loob ng mga panahong yun. Naging busy ako sa pagsusulat ko. Nag-enroll pa ko sa gym para gumanda lalo katawan ko. Maraming nagpaparamdam na manligaw pero si Marcus pa rin hinihintay ko.

Mahal ko pa siya, despite of the fact na ako nakipaghiwalay sa kanya. Maybe that time, nadala lang ako sa damdamin ko. Ako kasi yung tipo ng taong mabilis sumuko noon. Mabilis akong mawalan ng pag-asa. Maybe, I was just testing him before kung pipigilan niya ko. Gusto ko lang siguro takutin siya. Pero until now, wala na siyang paramdam sakin. Masyado kasi akong nagpadalos dalos. Pero nangyari na ang nangyari, time to move on na, Sab.

Pumasok na ko sa loob ng kwarto ko at naghubad ng damit para maligo. Ibinabad ko yung sarili ko sa ilalim ng shower habang nag-iisip. Sabi ni Syd, ang yummy daw lalo ni Marcus ngayon. Kung noon tulo na laway ng mga kaibigan ko sa kanya, ngayon pa kayang lalo daw siyang naging hot? Sorry nalang sa mga ibang babae diyan, Marcus is not the type of guy na bibigyan ka ng second look. Ganun siya kasuplado. Gwapo kasi eh.

Ano ba naging problema namin kaya ako nakipaghiwalay? Seven years is seven years. Napagod na ba ko talaga o masyado lang ako nag-expect sa kanya? Am I expecting for a perfect kind of relationship like Kean and I had before?

"When everything started with HATE.. could there be any space for LOVE? Sometimes, love doesn't start with friendship nor at first sight...For some people, just like us, hate is also the beginning of LOVE." bulong ko sa sarili ko.

***

~ 11 years ago. St. Anthony University

"Nakakalungkot na balita, Sab.." sabi ni Mady sakin. First year high school na kami at kaka-umpisa palang ng school year. Nakapila kami ngayon para sa pagsisimula ng flag ceremony.

"Bakit?" sagot ko. Hinahanap ng mga mata ko si Cheska. Malamang may hinahanap na naman siyang pangalan sa bulletin board. Malamang yung crush niyang nasa senior year na. Tsss..

"Si Kean, yung classmate natin since elementary tayo.."

"O anong meron sa kanya? Namatay na ba?"

Hinampas niya ko sa balikat. "Ang sama mo, Sabrielle." Lumungkot lalo itsura ni Mady.

"Aray naman! Eh ano ba kasi ganap dun kay Kean na yun?" sabi ko habang hinihimas yung balikat na hinampas niya.

Bigla namang dumating si Cheska kasama sina Jade, Rence at Syd.

"Confirmed. Tama si Mady.." sabi ni Cheska. "Kean's out.."

"Ha? Anong out? Bakla na si Kean?" sabi ko. Nakakagulat naman kung bakla nga si Kean. Paano ko ba makakalimutan si Kean eh siya lang naman ang isa sa mga anak ng may-ari ng school na to, at siya ang number one palagi sa klase namin. Talo niya si Francheska sa lahat ng bagay.

"Gaga. Hindi.." sabi ni Jade. Nakakatawa din naman tong si Jade, first day na first day naka PE uniform? Kumusta naman?

"Eh ano? Mga haliparot kayo, huwag na kayong pa-suspense." Sabi ko habang nakacross arms.

Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon