Chapter 6: "For Real?!"

145 8 17
                                    

~Sab's POV~

“Huy Saavedra, kinakausap kita!!!”

Bigla akong nagulat nang sipain ni Marcus yung upuan sa harapan ko.

Napakurap ako ng ilang beses. Nakaupo pa rin naman si Marcus sa harapan ko. Hindi na nga lang nakapatong yung paa niya sa isang upuan kasi sinipa na nga niya yun para makuha atensyon ko.

Kinikilabutan naman ako sa mga naimagine ko. Hinalikan daw ako ni Marcus kasi sinabihan ko siya ng bakla. Parang totoong totoo! Napapikit ako at inalala yung mga naisip ko kanina..

“Gusto mo bang patunayan ko sa’yo na hindi ako bakla?”

“M-Marcus..”

“Ano ba gusto mo? Tayong dalawa lang sa room na ‘to. Naiimagine mo ba yung pwede nating gawin dito ha? Kung mailap ako sa mga babae..wala ka ng pakialam dun..pero dahil sinagad mo pasensya ko..magpasensyahan nalang tayo.. Saavedra..”

“Te-Teka..biro lang uy..masyado ka namang seryos—“

Marahas akong napadilat. Imagination lang pala!

Epekto siguro to ng kakabasa ko ng mga libro..tsk tsk. Teka, bakit sa lahat naman ng maiimagine ko yun pa??? Takte!

“Ha? A-ano??” sabi ko.

“Tinatanong mo kasi ako kung sino ba talaga pinoprotektahan ko. Malamang si Lance. Ano ba feeling mo ikaw? HAHA..”

“Psh..” Sinimangutan ko siya. Napahawak ako sa blouse ko. Sarado pa naman. Hay, buti nalang imagination lang talaga yun. Napabuntong hininga ako.

“O? Ang lalim nun ah…” Sabi niya.

“Ha?”

“Yung buntong hininga mo..bakit? Anong nasa isip mo?”

“Psh wala ka ng pakialam dun, Cervantes! Saka nagtataka lang ako no..bakit pa kanina mo pa ko kinakausap??? Di ba hindi ka nakikipag-usap sa mga babae??”

Natahimik si Marcus. Oo nga naman, kanina pa niya ko kinakausap. Nakipagtitigan lang siya sakin. Ako yung unang umiwas.

“Bahala ka nga diyan..” Yumuko ako para tulugan nalang siya. Hindi pa rin kasi normal yung tibok ng puso ko. Sobrang bilis..

Hay bakit ba kasi naimagine ko pa yun! Parang totoong totoo!

Inangat ko ng onti yung ulo ko para makita kung ano na yung ginagawa nung hambog na yun.Nakita ko siyang nagpapaikot lang ng ballpen sa daliri niya. Halatang bored na bored na siya. Ako rin bored na. Yumuko nalang ulit ako. Gusto ko nalang matulog.

“Hindi ko rin alam kung bakit kita kinakausap. Mukhang aksaya nga lang sa laway yung pakikipag-usap ko sa’yo..” biglang sabi ni Marcus.

Narinig ko yung mga sinabi niya habang nakayuko ako. Kung isa ako sa mga babaeng patay na patay kay Marcus, malamang kanina pa ko kinikilig dahil magkasama kami sa iisang kwarto, kanina pa din niya ko kinakausap kahit hindi maganda yung mga pinag-uusapan namin..at sinabihan pa niya ko ng maganda daw ako kahit na indirectly lang.

Halos isang oras kaming hindi na nagkibuan pa. Naghikab ako at nagsimulang makatulog.

***

Biglang bumukas yung pinto kaya naman biglang napataas ako ng tingin. Nakita ko si Ms. Dela Serna. Napaayos tuloy ako ng upo habang kinukusot ko yung mata ko. Shet, nakatulog nga ako! Pero dahil sa dumating na si Ms. Dela Serna, ibig sabihin sa wakas makakalabas na kami!

“Nakapag muni muni na ba kayong dalawa??” sabi ng teacher namin.

Bigla akong napatayo at agad na lumapit kay Ms. Dela Serna.

Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon