Marami ang natuwa sa muling pagbabalik ni Kean sa S.A.U, maliban nalang siguro sa grupo nina Lance. Para makahabol sa amin si Kean, pinagtake siya ng mga special exams at dahil likas na matalino at valedictorian ng batch namin noon, walang kahirap hirap niyang naipasa lahat.
Nitong nagdaang mga linggo ay naging sobrang saya ko dahil kasama ko si Kean. Palagi kaming sabay pumasok saka umuwi. Marami na rin ang nakakapansin na sobra kaming sweet ni Kean. Hindi na namin napapansin yung tingin ng ibang tao samin.
Iniiwasan rin namin yung grupo ni Lance. Mahirap na. Ayoko rin masyadong makita si Marcus dahil kumukulo na naman yung dugo ko. Naaalala ko naman yung 50 points na nawala sakin nung first grading!
***
Maaga akong gumising ngayong araw dahil susunduin na naman ako ni Kean. Sabay kasi kaming papasok ulit ng school ngayon. Excited na talaga ako!
Humarap ako sa salamin at tinitigan yung mukha ko.
“Ano kayang bagay na headband ko ngayon? Dapat maganda ako ngayon para kapag nakita ako ni Kean mas lalo siyang mahumaling sakin haha!”
“Sabrielle! Nandiyan si Kean sa baba!” sigaw ni Mama sa pinto ko.
Ang aga naman ni Kean? Excited na rin siguro siya gaya ko!
“Opo, Mama! Patapos na po akong mag-ayos!” sabi ko habang mabilis kong sinuot yung blue na headband ko.
One last look sa salamin at ngumiti ako. “Ang haba talaga ng hair mo, Sab.”
***
Parang slow motion yung pagbaba ko ng hagdan habang nakatingin ako kay Kean na nasa ibaba lang. Agad niya kong nginitian. Kumabog bigla yung puso ko.
ANG GWAPO KASI NIYA!
Ang gwapo niya lalo habang suot yung school uniform namin.
“Good morning, Elle.” Bati niya sakin.
“Good morning…” sagot ko naman.
Kinuha niya yung bag ko at tumingin sa mga magulang ko na nasa gilid lang namin.
“Aalis na po kami.” Paalam ni Kean kina Mama.
“O sige, mag-ingat kayo sa paglalakad. Kean, yung bilin ko sa’yo.”
“Opo, Tito. Hindi ko po kayo bibiguin.”
Sabay kaming lumabas ng bahay ni Kean. Naglalakad lang naman kasi talaga kami kapag pumapasok.
“Kinausap ka na ba ni Papa?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
BINABASA MO ANG
Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]
Teen Fiction"When everything started with HATE, could there be any space for LOVE? Sometimes, love doesn't start with friendship nor at first sight. For some people, hate is also the beginning of LOVE." ~ Sab, short for Sabrielle. She's a romance novel writer w...