Chapter 1: "Holding On"

261 9 20
                                    

A/N: Kean's picture sa gilid. :) <3 Buti nalang lumabas na siya ng seminaryo haha sayang ang kagwapuhan eh. Dapat magkalat siya ng lahi niya haha :D

***

~Sabrielle's POV~

"Matagal ko ng iniisip, paano kung isusulat ko ang love story ko? Makaka-ilang chapters kaya ako? Ano kaya ending? Ang sarap kasi balik-balikan ng mga magagandang memories di ba? Yung mga moments mo with the one you love. First kiss, first hug..first date..lahat na ng firsts. Pero ang isang love story, hindi lang naman tungkol sa mga happy moments yan eh..kasama na rin diyan ang heartaches...madalas pa, ito yung mas natatandaan natin. Napapatungan na yung mga masasayang sandali niyo sa nakalipas...."

***

"Thank you for coming.." Nakangiti kong sabi sa dalagitang nasa harap ko. Kasalukuyan kasi akong nasa book signing ng mga libro ko dito sa isang sikat na Bookstore. Kakapublish lang kasi ng latest novel ko. Congrats to me! Haha. >.<

"Kyaaaa....ang ganda ganda niyo pong talaga Ms. Khloe! Worth it po talaga yung pagbili ko ng lahat ng books niyo. Ang galing niyo pong talagang magsulat. Idol na idol ko po kayo.." sabi ng dalagita. Halata namang fan siya dahil lahat ata ng librong ginawa ko ay dala dala niya.

"Awww..thanks.." Lalong lumapad ngiti ko. Nakakataba talaga ng puso yung mga compliment ng ibang tao. Kung wala naman kasi yung mga readers ko, wala ako ngayon dito. Napatingin ako sa likod ng dalagita. Marami pa palang nakapila, as in block buster.

"Pwede po bang magpapicture?" tanong nito.

"Sure..sure.." Tumabi sakin yung dalagita at nagselfie kami gamit ang mamahalin niyang cellphone. Matapos nun ay pinakita niya sakin yung picture namin together.

"Ang cute naman nito. Tag mo nalang ako sa instagram ha?" sabi ko. Hindi pa rin nawawala yung ngiti ko. May public account kasi ako sa Instagram at marami rin naman akong followers.

"Ay opo opo! Hihi..salamat po, Ms. Khloe!" At umalis na yung dalagita na may ngiti sa mga labi. Parang kuntento na talaga siya.

"Next please?" sabi ko. Hindi maalis alis ang ngiti ko. Pang ilang book signing ko na ba ito? Pang sampu? Fifteen? Hindi ko na matandaan.

Matagal na rin kasi akong nagsusulat ng nobela, 13 palang ako nagsimula na ko. Pero nung college na ko saka lang may nakadiscover sakin at napublish yung mga gawa ko.

Ang dami talagang nakapila. Iba't ibang klase ng tao. May bata, teenagers, girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy..ayy haha hindi included ang mga hayop haha. ^^

Kahit sina lolo at lola nagpapirma rin. Siyempre hindi pa rin nawawala ngiti sa mukha ko, nakaplaster na nga ata yun sa mukha ko eh. Pagod na nga ako eh. Anim na oras na kong nakaupo at pumipirma. Pero keribels lang, ang mahalaga, nakakapagpasaya ako ng tao.

Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon