“I’m back now…and this is all because of you.” Sabi ni Kean.
“Me?” Turo ko sa sarili ko.
“Yes, because I can’t stop thinking about you. You made me crazy all the time. You’re giving me sleepless nights. Hindi lang like yung nararamdaman ko para sa’yo. I knew from the moment I entered the seminary na mahal na mahal kita…kaya kita binalikan ngayon…”
“Y-You what??”
“I love you, Elle. I want to shout this feelings to the whole world right now…” Sabi niya habang nakangiti sakin. Ako naman, hindi makapaniwala na sinasabi niya yung mga bagay na ‘to sa harap ko.
Kean Miguel Fuentabella is confessing to me.
Right here. Right now.
What should I say to him?
“Kean…I…” Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Hindi ako makahinga. Feeling ko may mga paru paro sa loob ng tiyan ko.
“Namiss mo ba ko, Elle?”
Napayuko akong bigla. Aaminin ko ba sa kanya na sobrang namiss ko siya?
Bigla niya kong hinawakan sa baba ko at iniangat ito para makita niya yung mukha ko.
“Look at me please. Did you miss me, Elle?”
Napalunok ako sabay tinitigan ko mga mata ni Kean.
“I…really…really missed you. Hindi ka nawala sa isip ko, Kean.”
“Does it mean you love me too?” Kean said.
Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya. Nahihiya kasi ako. Aaminin ko ba sa kanya na gusto ko siya?
“Elle?”
Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa mga mata niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
“You…love me too?” sabi ni Kean habang malapad na nakangiti sakin. Kitang kita ko yung kasiyahan niya.
“Hindi ka naman mahirap mahalin, Kean.” Sabi ko.
Bigla niya kong niyakap ulit ng mahigpit. “You have no idea kung gaano mo ko napasaya ngayon, Elle!”
Niyakap ko na rin si Kean habang hindi rin maalis yung ngiti ko. Hindi ko talaga maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon.
I’m so happy.
Kumalat na sa buong campus na muling nagbalik si Kean sa school namin. Wala ng nagawa pa ang mga magulang niya. Pero sa pagbabalik pala ni Kean, hindi ko akalain na ito na rin pala yung simula ng malaking pagbabago sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]
Roman pour Adolescents"When everything started with HATE, could there be any space for LOVE? Sometimes, love doesn't start with friendship nor at first sight. For some people, hate is also the beginning of LOVE." ~ Sab, short for Sabrielle. She's a romance novel writer w...