Picture of Kean, Sab, Lance, Andrea, Marcus and Cheska on multimedia section :)
~
Matapos ang isang oras ay bumalik na sa classroom sina Lance at Kean. Kasama naman nila si Mr. Santos. Pumunta ito sa harapan naming lahat.
“Dahil sa nangyari kanina, napagkasunduan ng Principal at ni Mr. Fuentabella na ilipat sa kabilang section si Kean.”
Lahat kami ay nagulat.
Bakit si Kean yung ililipat sa kabilang section at hindi si Lance? Si Lance ang nag-umpisa ng gulo kanina!
Napatingin ako bigla kay Kean na halatang nagulat din sa ibinalita ni Mr. Santos. Panay pasa yung mukha niya. Putok pa yung kanang parte ng labi nito. Halatang hindi sanay sa away. Nakaramdam ako ng awa para kay Kean.
“Bakit ako yung ililipat? Hindi ako nag-umpisa, Sir!” reklamo ni Kean.
“Alam mo naman kung bakit, Kean. Hindi ko na kailangan pang i-broadcast dito sa classroom.” Sabi ni Mr. Santos. Nakita kong nakatingin sa akin si Mr. Santos habang nagsasalita siya.
Alam ko naman yung gustong sabihin ni Mr. Santos eh. Ako ang dahilan kung bakit sila nag-away kanina kaya ilalayo nila sakin si Kean. Nagiging bayolente si Kean nang dahil sakin eh. Intensyon talaga ng Daddy ni Kean na ilipat siya—hindi si Lance.
Nakita ko ang pagngisi ni Lance. Halatang tuwang tuwa ito sa nangyayari.
“Simula bukas, hindi niyo na classmate si Kean. Uuwi muna ngayon sina Lance at Kean dahil sa mga sugat at pasa nila. Pumunta ka daw sa office ni Mr. Fuentabella, Kean. Ikaw naman Lance De Vera, nasa baba na yung sundo mo.”
Naunang tumayo si Lance na halatang biglang naging masigla. Parang baliwala dito yung mga pasa sa mukha nito. Nagkatinginan sila ng matalim ni Kean. Matapos nun, sa akin naman tumingin si Lance. Lalo itong napangiti. Na parang may masama siyang plano na naiisip na hindi ko maintindihan.
Nang makalabas na si Lance, si Kean naman ang tumayo at dala na niya yung gamit niya. Tumingin din siya sa akin at ngumiti.
“Bye…” sabi niya sa lahat, pero sa akin pa rin siya nakatingin.
Naluluha ako habang papalabas ng classroom si Kean. Ipinagtanggol lang naman niya ko eh, pero siya pa yung naparusahan.
Hindi ko na siya classmate ngayon. Makakasama ko pa rin sa classroom si Lance.
Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba.
***
“Grabe naman talaga yung nangyari kanina. Hindi ka na tuloy nakapaglunch.” Sabi ni Sydney habang inaabutan niya ko ng chicken sandwich. Nandito ulit kami sa bahay nina Mady. Hindi talaga nila ako iniwan kanina. Pinalibutan nila ako para hindi na ko malapitan ng grupo ni Lance.
BINABASA MO ANG
Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]
Teen Fiction"When everything started with HATE, could there be any space for LOVE? Sometimes, love doesn't start with friendship nor at first sight. For some people, hate is also the beginning of LOVE." ~ Sab, short for Sabrielle. She's a romance novel writer w...