Chapter 5: "Oh No!?"

173 7 20
                                    

~Sab’s POV~

“LETSE KA KASI EH! ANG SAMA NG UGALI MO. ALAM MO NAMANG NGAYON NA KO UMAANGAT SA KLASE, GANITO PA GINAWA MO SAKIN. PALIBHASA MATALINO KA NA AT HINDI MO NA KAILANGAN PANG MAG-ARAL. DI GAYA KO NA GINAWA ANG LAHAT PARA MAKASAMA SA TOP FIVE!!!” Singhal ko kay Marcus. Grabe naman kasi inis ko sa kanya. Umabot na ata to the highest level!

Biglang sumeryoso yung mukha ni Marcus at napatingin sa mukha ko.

“Hindi ko kasalanang pinanganak akong sadyang matalino at ikaw ay bookish, Saavedra..” seryosong sabi niya.

So, bookish ako at siya naman ay sadyang pinagpala ng Diyos sa katalinuhan, ganun?

“Are you implying na bobo ako??” sabi ko habang tinuturo yung sarili ko.

“Ikaw. Ikaw ang nagsabi niyan..hindi ako..”

Bigla ko nalang nasabunutan buhok ko.

“GRRRRR GRABE ANG SAMA SAMA MO!!! PESTE KA! HAMBOG! WAAA…”

Biglang tumayo si Marcus at tumayo sa harap ko habang nakahalukipkip yung mga kamay niya.

“Kumalma ka, Saavedra. Nakakabawas ng ganda points ang sobrang pagwawala..”

Napahinto ako sa pagsasabunot sa buhok ko at napatingin sa kanya.

“Ha?”

Totoo ba yung narinig ko? Sinabihan ako ni Marcus na ‘maganda’?

Whoa. Bago yun ah.

Nilagpasan lang niya ko at naglakad lakad sa loob ng detention room.

“Buong English period nandito tayo. Ano bang magandang gawin?” sabi nito. Ngayon ko lang napansin yung hawak niyang ballpen. Nilalaro laro niya ito sa kanang kamay niya. Paulit-ulit niyang pinapa-ikot.

“Psh. Ewan ko. Ako mag-iisip ng paraan para makabawi sa English..” Umupo ako sa isang bakanteng upuan..malayo sa kanya. Naiirita ako sa kanya. Peste talaga siya. Hindi ko maintindihan kung bakit patay na patay sa kanya yung ibang babae, lalo na yung bestfriend ko!

Gwapo pero gago. Letse talaga.

“Ang seryoso mo masyado sa buhay no?” sabi ni Marcus.

“Wala ka ng pakialam dun.”

Kinuha ni Marcus yung isang silya at iniharap ito sakin. Umupo siya sa harapan ko.

“Ang luwag luwag ng kwarto..bakit sa harap ko pa ikaw umupo??” sabi ko.

“Gusto kong bwisitin ka eh. Matagal ko ng hinihintay na makausap ka ng solo. Alam mo bang nakakairita presensya mo??” Seryosong sabi niya.

“Huh?”

Ano raw? Gusto niya kong makausap ng SOLO??

“Alam mo kasi..inis na inis ako sa’yo, Saavedra..”

“Likewise..Marcus..ganyan din feeling ko, fifteen minutes ago!”

“Ikaw lang talaga galit sakin no? Everyone loves me..maliban sa’yo..”

“Oo hate na hate kita simula kanina! Gusto mo magtayo pa ko ng hate club mo eh..ako yung leader..”

“Go ahead..hindi ako kokontra..masaya nga yun…”

“Oo sisimulan ko na mamaya! Letse!”

Tumayo ako at tinalikuran siya. Lumipat ako ng upuan. Kumukulo dugo ko grrr..!

“Nakakainis ka kasi…sa lahat ng babae..ikaw pa nagustuhan ni Lance..” biglang sabi nito.

Napalingon ako sa kanya. Bakit siya naiinis dahil gusto ako ni Lance? Bakla ba tong si Marcus?

Hate Is The Beginning Of Love (On Hold) [HTBL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon