Kinabukasan Excited na bumangon si karylle ng marinig ang Tunog ng kanilang alarm clock.
"Good Morning!! Boracay!!" Sigaw nito sabay unat at hikab.
"Ay!! Bastos!!" Muli itong napasigaw ng makita ang asawa na lumabas ng banyo na takapis lamang ng towel ang ibaibang parte.
"Ang baboy mo!! Sa cr ka nga magbihis!!" Takip mata nitong sigaw sa asawa.
"Sus. Nahiya kapa. sinasanay kang naman kita para pagdating ng tamang panahon na gagawin na natin yun hindi ka na mailang--Aray!!" Binato kasi sya ng asawa ng unan.
"Magayos ka na!! Hindi ka ba natatablan parang inaakit ka ng Dagat oh!!" Sabay tingin naman ni karylle sa bintana.
"Hala..Ang ganda ng dagat!!!! Magbibihis na ko!!" Sigaw nito.
"Reminder lang karylle No Two piece!! Not allowed saakin yan!!" Sigaw nito napalabas naman ang ulo ni karylle sa pinto ng banyo.
"Anong sabi mo? Eh anong isusuot ko? Jogging pants and Long sleeve?!" Takang tanong ni karylle sa asawa na ngayon ay nakangiti na sa kanya.
"Anong silbe ng shorts karylle!! And Tube!" Nakangiti nitong suhestyon.
"Eh..Bat si anne? Bakit hindi mo rin sya suwayin!" Maktol ni karylle.
"Bakit? Asawa ko ba sya!"
.............
"Perfect!! Diba ang sexy mo Wifey!!" Puri nito kay karylle na nakashort at sports bra with hat and her favorite sun glasses na kulay green.
"Tara na viceeeeee!" Tili ni karylle habang tumatakbo.
"Hey!! Careful! Tss! Isip bata!" Naiiking na bulong nito.
Naglalaro sila ngayon ng volleyball. hindi sumali si vice dahil boring daw.
"Karylleeee. saluhin mo yung bola!!" Sigaw ni vhong ngunit huli na dahil ng humarap si karylle ay sya namang Tama sa kanya ng bola.
"Awwts..Vhong naman!!!" Reklamo ni karylle.
"Sorry Bruh!!" Paumanhin nito na hinalikan pa ang noo ni karylle.
"Teka!! A..Aray!! Vice? San mo ko dadalhin!!" Gulat na tanong ni karylle ng hatakin sya ni vice.
"Andito tayo para magenjoy hindi para pakinggan ang nakakarindi nilang ingay!!"
"Ha?!" Tanging nasambit ni karylle.
"Tara Banana boating tayo!"
Masayang nag babanana boating ang magasawa. ng mapagod ay tabi silang naupo sa ilalim ng puno ng buko.
Nakatingkayud ang dalawang siko ni vice sa buhangin habang nakasandal naman si karylle sa kanya.
"Ang Saya vice Thank you!!" Pasasalamat nito dapat dadampian nya ng halik ang pisngi nito kaso nakahiga kasi sya kaya sa bandang leeg ito umabot napasinghap naman ang asawa ng maramdam ito.
"Tss. Wag mo ng uulitin yun ang halikan ako sa leeg dahil kapag inulit mo pa ang mga susunod na mangyayari ay hindi ko na kasalanan!" Mata sa Mata nitong sabi kay karylle na gulat na gulat.
"Ewan ko sayo! Tara balik na tayo!!" Aya nito tumayo na si vice at hinawakan ang kamay ng asawa.
"Bakit? Ayaw mo ba?" Tanong ni vice dahil halata sa mukha ni karylle ang ilang ng hawakan nito ang kamay nya.
"Hindi..Ano..Kinikilig lang!" Nakangiti nitong sabi.
"Awtsss!!"
"Naku miss sorry!" Paumanhin ng lalaki na nakatama nanaman ng bola kay karylle.