Entry #4 The Suitor

167 1 8
                                    


Title: The Suitor

Song inspiration: Gusto kita by Bailey 

Nanginginig ang kamay ni Phoebe habang titig na titig sa pulang rosas na kanyang hawak. Nalalag ito nang binuksan niya ang kanyang locker. Hindi niya alam kung sino ang naglagay nito pero mayroong maliit na papel na nakadikit dito.

Hi <3

Hindi niya alam kung dapat ba siyang kiligin pero isa lang ang namamayani sa kanya ngayon, takot.

Sino ba naman ang hindi matatakot kung ang tangkay nito ay napapalibutan ng pulang likido? Nang amuyin niya ito ay napatunayan niyang tama ang una niyang hinala, ito'y dugo.

--

"Phoebe," nabigla siya nang may biglang humawak sa kanyang balikat. Pag-lingon niya ay nakita niya ang kanyang kaibigang si Raye. Magkaibigan sila noon pa man, palibhasay magkaklase sila. Nasa sekondarya na sila at kasalukuyang nasa ikaw-sampung baitang.

Tinabihan siya ni Raye sa ilalim ng puno ng mangga. Dito ang tambayan nila tuwing recess.

"Okay ka lang?" tanong ni Raye sapagkat lutang pa rin si Phoebe mula kanina.

Ang tanging naging sagot lang ni Phoebe ay ang rosas. Pinakita niya ito kay Raye at tiningnan sa mata.

Tiningnan ni Raye ang rosas hanggang sa napangisi at nanukso. "Yieee, may manliligaw siya!"

Nainis si Phoebe kaya mas inilapit niya ang rosas sa mukha ni Raye.

"Ano 'yan?" Sa wakas ay napansin din ni Raye ang pulang likidong napalibot dito.

"Dugo," seryosong sagot ni Phoebe.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Raye. Nagkaroon nang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Sinong nagbigay n'yan?" nagtatakang tanong ni Raye.

"Hindi ko alam," halos pasigaw na sagot ni Phoebe.

Halatang inis siya dahil sa halos kumunot na ang kanyang mukha. Tumayo siya at lumapit sa pinakamalapit na basurahan at marahas na itinapon ang rosas. "Kung sino man siya, hindi siya nakakatuwa," may pagbabanta sa kanyang boses.

--

Ginabi na si Phoebe dahil sa project na kanilang ginawa kaya naglalakad siya ngayon mag-isa. Kahit na nasa alas-syete pa lang ay madilim na ang paligid. Malamig din ang simoy ng hangin, mukang uulan kaya binilisan niya ang paglalakad. Medyo malayo-layo rin ang kanyang bahay lalo na't naglalakad lamang siya. May pagka-liblib pa naman ang bahay nila kaya wala masyadong tao sa daan.

Hindi maganda ang pakiramdam ni Phoebe. Dahil nga sa malamig ang simoy ng hangin, nagsisitayuan tuloy ang kanyang balahibo. Idagdag pa ang tunog ng yapak ng tao. Oo, hindi niya naman pagmamay-ari ang daan para siya lang ang maglakad doon pero nakakatakot ang tunog nito, paano kasi'y habang tumatagal palakas nang palakas ang yabag nito, para bang palapit nang palapit.

Pinagpapawisan na siya.

Kinapa niya ang kanyang cellphone at d-in-ial ang numero ni Raye.

Mas lalo niya pang binilisan ang lakad kaya mas lalong bumilis ang mga yabag.

Tumutunog ang telepono, ang tagal namang sagutin ni Raye.

Mistulang tambol na ang kanyang puso, gusto niyang sumigaw pero wala ring saysay dahil wala namang makakarinig.

Sakto sa pagsagot ni Raye ay tumakbo na siya.

"Hello Raye," hingal-hingal niyang bati. "Salubungin mo 'ko. Dalian mo! Please...," nangingiyak na ang boses niya.

FINALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon