Entry #6 Joy Of A Man Desiring

158 2 5
                                    

Title: Joy Of A Man Desiring

Song inspiration: Randomantics by James Reid


I have a lot of reasons to be sad. Starting off with my mom leaving me to my dad when I was a kid, and my dad marrying another woman. I wasn't good in school, and I don't have any talents for my parents to be proud of. I just play an instrument that has been my therapy since I was younger, and it's still is. My only source of happiness; playing the piano.

If Vincent Van Gogh's therapy was painting, mine is playing the keyboards. If his belief on being a little bit happy is by drinking a yellow paint, then mine is pressing the keys too much that it hurts my fingers. It became my therapy. I express my emotions by playing it. And other people thought I'm going crazy for being obssessed by this instrument. I'm not crazy. I'm not obssessed. I'm just sad.

Isa narin siguro sa mga rason kung bakit ako malungkot ay nang ipagbenta ng mga magulang ko ang dati naming bahay dahil sa bankruptcy ng kumpanya namin. Pinagbenta rin nila ang iilang gamit namin sa bahay, kasama na ang piano na tanging nagpapasaya sa akin. Kahit na gusto kong sumigaw, mag maktol o umiyak sa harapan nila, pinilit ko nalang na tanggapin at sikretong umiyak buong gabi.

Pinasadahan ko ang daliri ko sa itim na piano na unang bumungad nang buksan ni Daddy ang pintuan ng bahay. Halos magta-talon ako sa tuwa dahil dito. Mas malaki ang piano na ito kumpara sa piano namin sa bahay. Nang makita ko 'to, para akong mas lalong naging malungkot... Kaya nang matapos kami sa paglagay ng mga gamit namin dito at nang makatulog na ang mga magulang ko, agad akong palihim na bumaba papunta sa living room para patugtugin ito hanggang sa mag-sawa ako.

Ngunit marami ang nangyari simula nang tugtugin ko ang piano noong gabing iyon.

Habang tinutugtog ko ang klasikong kanta ni Beethoven na für elise, sa buong living room kung saan ako lang ang tao, may nagsimulang umiyak.

Nanigas ang buo kong katawan nang marinig ang isang iyak ng lalake na nag-echo sa buong living room. Pamilyar na iyak ang narinig ko. Hindi iyak mula sa saya, kundi iyak na puno ng lungkot. Iyak ko halos gabi-gabi dahil sa lungkot. Iyak ko nang iwan ako ng nanay ko. At mas lalo lamang akong kinilabutan nang matigil ako sa pagtugtog ay biglaang nawala ang paghikbi at pag-iyak. Pinasadahan ko ang buong salas pati sa likuran ko ngunit walang ibang tao kundi ako. Dahil sa takot ay tumakbo ako pataas ng kwarto. Hindi ako nakatulog kakaisip kung guni-guni ko lang ba 'yon, o totoong nangyari.

Napagpasyahan kong muling tumugtog ng piano sa madaling araw. Umupo ako muli sa harapan ng piano at tumugtog ng ibang klasikong kanta. At kagaya noong unang gabi, may nangyari nanamang kakaiba. Ngunit hindi na lamang iyak 'yon, kundi nang imulat ko ang mga mata ko mula sa pagnamnam ko sa musikang tinutugtog ko, ay may lalakeng nakatayo, malayo sa pwesto ko. Nakasuot ito ng itim na suit and tie, nakapomada ang itim na buhok at puno ng emosyon ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Napalunok ako nang magsimula itong humikbi habang tinitingnan ako. Hindi ko alam kung bakit nagpatuloy ako sa pagtugtog... At kung bakit nawala ang takot ko nang makita ko kung gaano siya kalungkot.

Para bang parehas kaming dalawa... Walang dahilan para maging masaya, malungkot, at nawalan ng minamahal. Pinikit kong muli ang mga mata ko at nag focus sa pagnamnam ng kanta na para bang binubuhos ko ang buong ako sa pagtugtog ng piano. Napamulat na lamang ako nang naramdaman ko ang malamig na bagay na bumalot sa upper body ko. Nanigas ang ako nang makita ko sa reflection ng bintana na kaharap ko ang lalakeng naka itim na ngayon ay yuma-yumakap sa akin mula sa likuran ko. Ang kaniyang mga bisig ay nakapulupot sa akin habang ang ulo naman nito ay nakahilig sa balikat ko. Kahit na lamig lang ang naramdaman ko noong mga oras na 'yon ay nakaramdam ako ng pagkilala sa sarili ko. I felt his warmth. His longing. When I felt his arms on me, I felt home.

FINALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon