Word count: 823
Ralph: Migs, bumalik ka nga rito! Mag-usap tayo!
Migs: Ano ba! Bitawan mo 'ko! Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan ha, Ralph? HINDI KITA MAHAL!
Ralph: 'Di ako naniniwala. Please, pakinggan mo muna ako.
Migs: Ano ba! Alam mo, gusto ko pa sana magtanga-tangahan. Gusto ko pa sana magbulag-bulagan. Pero naaawa na ako sa sarili ko.
Ralph: Kahit ngayon lang... pakinggan mo muna ako.
Migs: Tama na...
Ralph: Hindi mo ba talaga ako minahal?
Migs: Minahal kita... noon. Kung noon ka pa sana dumating sa akin mas magiging madali siguro noong hindi pa ako ganito, nang hindi pa ako nasasaktan. Umiikot nga ang gulong. Gago mo kasi!
Ralph: Gago na kung gago! Gago ako dahil hindi kita kaagad minahal. Na hindi kita pinahalagahan at pinili ko ang babaeng hindi para sa 'kin. Gusto kong marinig na ayaw mo; na ayaw mong magpakasal ako; na ayaw mong mawala ako dahil gusto mo... dahil mahal mo 'ko, dahil ako... mahal kita! Mahal na mahal kita, Migs... pero ako lang naman yun, e. Sa ating dalawa, ako lang ngayon ang nagmamahal... tama ka, umiikot talaga ang gulong dahil ngayon, ako na naman ang nasa baba. Gago ko, 'no? Napakalaki kong gago! At ang mas nakakagago, bakla pa ang mahal na mahal ko!
Migs: Tama na, Ralph. 'Wag na nating lokohin ang isa't isa. Bakit ba kasi ngayon lang gumana ang bobo kong utak na ang lalaking minahal ko, may pamilya na pala. Mas gago ako kaya please, Ralph. You chose to break my heart. At tama lang yon, salamat sa pangbabatok.
Ralph: Migs, teka...
* * *
(Sa bahay ni Migs)
Chi: Nakakaloka naman ang happenings, besh. Kung noon, ikaw ang naghahabol, ngayon siya naman. Pak na pak! Bongga mo dae! Ikaw na maganda, sa 'yo na ang korona. Pero sana, bigyan mo ng chance, besh. Sayang naman. Subukan mong mahalin siya, tutal, mahal mo naman talaga. 'Wag niyong pahirapan ang sarili na akala niyo malaki ang mundo. Napakaliit lang ng mundo, besh. Lalo na kapag ang punyetang tadhana ang kalaban niyo. Magkikita at magkikita pa rin kayo. At dadating sa point na magsisisi ka rin sa huli dahil 'di mo siya minahal.
Migs: Alam mo, Chi. Wala tayong karapatang magmahal ng lalaki. Tayong mga bakla, iisa lang ang puropose natin sa mundo, ang magpasaya... pero kung magmamahal man ako, kay Max na lang--
Chi: Ay kaloka ka, besh. Boyfriend ko 'yon, e. Pero seryoso, kung mahal mo si Ralph, go! Kung hindi naman, ano pa ba ang magagawa ko? Pero sayang, ang gwapo niya. At one thing, ang hinahanap nating mga bakla, 'yong lalaking mamahalin tayo nang bongga. At 'yon ang nakita ko kay Ralph. Nagsakripisyo pa siya to the point na tinigil niya ang kasal no'ng kinakasama. 'Di 'yon basta-basta, besh. Magisip-isip ka.
Migs: Hayss. Nakakatakot. Nakakatakot magmahal muli. Lalo nang alam mong walang kasiguraduhan. Alam mo 'yon? 'Yong 'di mo alam kung mananalo o matatalo ka ba. Magiging masaya or malungkot ka. Nakakatakot ang gano'n.
Nanay Ping: Anak... may naghahanap sa 'yo. Si Ralph 'ata.
Migs at Chi: . . .
Nanay Ping: O, ayan na pala siya. Maiwan ko na kayo.
Migs: Ano na naman ba ang pinunta mo rito? Mahirap kapag maubos ang laway kaya ngayon pa lang, umalis ka na.
Chi: Sige, aalis muna ako. Besh at... Ralph, magluluto lang ako ng popcorn.
Migs: Ano ba, Ralph. Hindi pa rin ba pumasok sa isipan mo na tama na? Ayoko na! Bakit ka pa rin ba nandito?
Ralph: Dahil alam kong mahal mo rin ako. Dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na pangarapin ang isang bukas na maging tayo. Dahil kahit papaano, nakikita ko tayong muli... kung paano mo 'ko minahal noon.
Migs: Nagugulahan ako ngayon, Ralph. Kasi 'di ko alam ang isasagot ko sa 'yo. Tama sila, love is liability, it makes you do the most stupid things. Punyetang pagmamahal naman kasi niyan. Ang daming nasasaktan.
Ralph: Mahalin mo kasi ako at hinding-hindi kita sasaktan muli. Kapag handa ka na, tayo ang magiging pinakamasayang tao sa buong mundo.
Migs: Pero... bakit ngayon pa? Hindi ko mapigilang pagduduhan ka. Bakit ngayon mo lang ako minahal? O mas tamang tanong, minahal mo nga ba talaga ako?
Ralph: Mahal kita pero ang pagmamahal ay hindi lang isang simpleng pakiramdam. Pakiramdam ko ay mahal kita ngunit hindi ko alam kung ito'y totoo bang pagmamahal.
Ralph: Litong-lito rin ako noon, Migs. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Pero ngayon, sigurado na ako. Pinaglalaruan lang tayo ng tadhana. We are meant to be. Ikaw at ako. No'ng nakita kong may kasama kang ibang lalaki, I don't get jelous. I can't be jelous. I've never been jelous... ngayon lang! I almost lost you dahil gago ako at duwag. Natakot akong mahalin ka. Migs, please, bigyan mo 'ko ng isa pang pagkakataon. Papatunayan ko sa 'yong mamahalin kit---
Tumayo si Lena mula sa pagkakaupo. Ipinatong ang pamaypay sa mesa at pinatay ang T.V. "Corny."
BINABASA MO ANG
FINALS
RandomThe Wattpad, Game Ka Na Ba? Finals will be having two sets of different mechanics. In that way, scores will be added and divided by two, to get the mean score and to hail the champion! Entries are to be evaluated by the assigned judges.