Title: Mr. Right Gone Wrong
Song inspiration: Mr. Right by Kim Chui
Nagngingitngit sa galit ang iyong ina. Ang mga kadenang nakagapos sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ang siyang nagsisilbing katiwala upang 'di siya makatakas.
Malungkot mo siyang pinagmamasdan habang nagpupumiglas sa kama. Bumubula ng kulay berde ang bibig. Tirik na tirik ang mga matang nakatitig sa 'yo.
"Putangina mong diyos ka!" anas mo't inayos ang krus nang pabaliktad.
Nang mga oras na yaon, biglang lumamig ang paligid. Iba ito sa 'yong nakasanayan sapagkat nanunuot ito sa nanunuyo mong balat.
Mabilis kang napatingin sa iyong likuran-- sa bandang pintuan nang maramdaman mong parang may nagmamasid sa gawi ng iyong ina. Sa isip-isip mo'y paparating na siya-- ang demonyo.
Dahan-dahan kang lumapit sa pintuan upang tingnan kung sino ang nagmamasid. Laking gulat mo na lang nang may biglang dumaang mga daga sa paanan mo, "Buwisit!" Akala mo'y may kung ano na. Napabuntong-hininga ka't napatingin sa kadiliman ng kalangitan.
Mabuti na lang at walang tao sa lugar na pinagtataguan ninyo. Tanging nag-iisang bahay lang iyan sa lugar. Ang iba, nasa malalayong bundok na.
Pumasok ka loob ng bahay. Nariyan na nga siya.
"P. . . panginoon," nanginginig mong sambit habang nakayakap ka sa krus na ibinigay niya.
Nakalutang siya sa ere. Pula't itim ang kapang nasa likod, iba't ibang mga tattoo ang nakadikit sa katawan nito, may tatlong sungay sa ulo at may dala-dalang malaki't maitim na wari mo'y mukhang tinidor habang napapalibutan ito ng kulay-abong usok. Bumalik na naman siya.
"Nestor. . ." Buong-buo ang kanyang boses.
"P. . . panginoon. " garalgal na banggit mo. Hindi mo maintindihan kung bakit naging ganito ang 'yong buhay. Ang sabi niya, kailangan mong makahanap ng birheng lalaki at dapat makuha ng iyong ina ang bagay na magpapagaling sa kanya-- ang pagkabirhen nito.
"May nahanap ka na ba, Nestor?" Napaatras ka nang lumingon siya't tumitig sa 'yo. Para kang tinatangay ngayon ng lupa. . .
Napatingin ka sa gawi ng iyong ina. Hindi na siya nagpupumiglas.
"Mamayang gabi po, panginoon," diretso mong sagot habang mahigpit na nakakapit sa 'yong baliktad na krus. Kailangan mong maisiping ang iyong ina, at ang birhen na lalaki. Pagkatapos ay kukunin ang kanyang puso at ibibigay sa demonyo. Kailangan mo makita ang tamang lalaki para sa 'yong ina. Hindi mo siya hahayaang malulong sa madilim na pasilyo.
"Siguraduhin mo lang, Nestor. Mamayang gabi ang itinakdang oras, kapag wala kang makuha, buhay mo at ng iyong ina ang kapalit. . ."
"O. . . opo. Aking Panginoon. . . masusunod."
"PAKAWALAN NIYO AKO!" Sa isang kisapmata, biglang nawala ang demonyo at nagpupumiglas na naman ang iyong ina. Napatumba ka pa sa pagkakabigla nang iba na ang kulay ng kanyang mukha. Kulay-lila na tila mas lumakas ang puwersa nito kaysa sa dati. Kita mo ang pagluwag ng turnilyo, pagtalon ng inanay na kama at ang pagtalsik ng mga laway niyang kulay berde.
Kaya nama'y yumuko ka't inayos nang mahigpit ang kinalalagyan nito. Hindi raw puwedeng makawala ang iyong ina, isa lang ang kahahantungan ng lahat-- kahit sinong lalaki, puwersahan niyang kukunin ang pagkabirhen nito.
"Pangako, 'nay. Pagbalik ko, magiging maayos na rin ang lahat." Sa isip-isip mo'y mas maaga kang maghahanap, mas mabilis ang posibilidad na gagaling ang iyong ina. Makakahanap ka rin ng birhen.
BINABASA MO ANG
FINALS
De TodoThe Wattpad, Game Ka Na Ba? Finals will be having two sets of different mechanics. In that way, scores will be added and divided by two, to get the mean score and to hail the champion! Entries are to be evaluated by the assigned judges.