Title: Ang Ikauna sa Ikapito
Song inspiration: Na sa 'yo na ang lahat by Daniel Padilla
Alam ko kung ano ang ginawa mo.
Isang gabing madilim. Ulap ang naghahari sa buong kalangitan. Mahimbing ang pagtulog ng mga bituin at ang buwan ay hindi kayang sinagan ang lilim. Sumasayaw ang mga dahon sa puno, mumunting halamang nangigsatubo sa lupa at bungkos ng bulaklak sa bawat haplos ng hangin sa kanila – sa saliw ng paghuni ng kuliglig na tila ba pinangungunahan ng isang nunong bulinggit. Ngunit hindi ko mawari kung bakit patuloy ang pag-alulong ng mga aso sa pamayanan. Kinakanta ba nila ang buhay ng kapanglawan o sinasadula ang isang kwentong nalalapit na ang katapusan?
Nasaksihan ko ang paghalik mo sa pisngi ng iyong ina at pagtango mo naman sa iyong ama. Narinig ko ang kanilang mga bilin - alagaan at bantayan nang maigi ang iyong musmos na kapatid - bago siya tuluyang magpaalam. Naramdaman ko ang isang lumalaking emosyon mula sa iyo, datapwat hindi ko ito matukoy sapagkat makapal ang usok na tumatakip sa iyong kaluluwa. Natikman ko ang pangungulilang hindi mo pa kailanman nalalasahan. Naamoy ko ang isang kagustuhang lubha mong ikasasaya.
Isinara mo ang pinto at hinarangan pa ito ng mabigat na upuan para makasigurado kang maski alikabok ay hindi makapapasok. Matapos noon ay pinatay ang lahat ng ilaw maliban sa nasa sala. Isinara mo rin ang lahat ng bintana at hinarang ang mga kurtina. Dumiretso ka sa kwarto ng iyong kapatid. Isang ngiti ang kumurba sa iyong labi. Dahan-dahan ang iyong paglakad hanggang sa nakarating ka sa iyong pakay.
Natagpuan mong mahimbing ang pagtulog ng iyong kapatid sa krib. Lumapit ka at kinuha ang panyong nasa tabi nito. Binuka mo ang bibig niya at itinali palikod sa batok. Mariin mong pinisil ang kanyang pisngi. Nagising ang kapatid mo at nagsimulang ngumawa nang walang ingay. Ang kuko mo na ang iyong ginamit kaya gumawa ito ng sugat. Dinig mo na ang pag-iyak. Basa na rin ang kanyang mukha.
Oras na.
Binuhat mo siya at hinagis sa ere. Tumama ang ulo nito sa kisame at bumagsak sa malamig na sahig. Tumigil ang pag-iyak. Tumawa ka nang malakas at inapak-apakan siya. Sa mukha. Sa tiyan. Sa kamay at paa. Dama mo ang pagbali ng maliliit na buto ng iyong kapatid.
Binuhat mo ulit siya at ibinato naman sa dingding. Pumutok ang ulo ng bata. Sumirit ang balde ng dugo at mga organo nito. Kitang-kita mo kung paano lumuwa ang mata ng iyong kapatid at kung paano lumabas ang utak nito sa buto.
Hindi ka pa nakuntento. Pinulot mo siya at sinakal na parang laruan habang inaalog. Padiin nang padiin ang iyong kamay hanggang sa hindi mo na maramdaman ito. Pinutol mo ang leeg niya. Buong pwersang hinila ang mga braso at binti hanggang sa matanggal sa katawan.
Ang dating makulay na kwarto ay sinakop na ng pula. Ang dating amoy gatas ay naging malansa.
Ang musmos mong kapatid ay patay na.
Alam ko kung bakit mo nagawa iyon.
Hindi ka ganiyan noon. Tandang-tanda ko pa kung paano kita itinakwil dahil sa iyong ugali. Bakit? Dahil sobrang bait mo, at ayoko sa mga mabait. Habang lumalaki ka, palala naman nang palala ang kabutihan mo. Ginawa ko ang lahat para marumihan ka. Binigay ang lahat ng babae pero umiwas ka sa temtasyon. Inilapit sa iyo ang mga bawal na gamot subalit masyado kang matalino. Pinahirapan kita para sumuko ngunit ito pa ata ang naging daan para mas mahalin mo ang Diyos. Labinglimang taon akong nagpakahirap para makuha ka lang, pero kahit ano ang gawin ko ay tila ba wala lang dahil ibinigay na sa iyo ng Diyos ang lahat.
Hindi mo na ako kailangan pa, subalit hindi ako sumuko. Kahit na hindi kita gusto, kailangan naman kita sa aking tabi. Dahil sa aking desperasyon, napilitan akong gumawa ng mabuti.
BINABASA MO ANG
FINALS
RandomThe Wattpad, Game Ka Na Ba? Finals will be having two sets of different mechanics. In that way, scores will be added and divided by two, to get the mean score and to hail the champion! Entries are to be evaluated by the assigned judges.