Entry #1: Panunumpa

135 6 6
                                    

Word count: 984

Una ko siyang nakilala sa loob ng simbahan.

Dahil strikto ang mga magulang ko, palagi nila kaming sinasama ng mga kapatid ko sa mga misa kaya palagi kaming nagdadasal sa chapel ng lugar namin. Halos pamilyar ang mga taong naroon nang pumasok kami at umupo sa bandang gitna ng mga upuan. Hindi pa kami nagtatagal sa loob ay nagsimula na kaming magkulitan ng mga kapatid ko. Kinukulit ko ang mga kapatid ko gamit ang pag-kulbit kapag hindi sila nakatingin sa'kin.

Magsusumbong ang kapatid ko sa nanay ko ngunit magkukunwari akong inosente at naka-focus ang mga mata sa pari. Napunta sa kung saan-saan ang isip ko.

Nawala ang pagtingin ko sa kisame nang biglang tumugtog ang piano dahilan ng pagtingin ko sa harap. Doon ko palang nakita ang babaeng pamilyar sa akin na tumutugtog ng piano at katabi ang iba't ibang edad ng mga bata na nakaputi at kumakanta sa harapan. Agad kong naisip na ang kanilang kinakanta ay ang kanta sa kasal ng mga magulang ko, ayon sa video nila na pinanood ko sa isang video tape. "Panunumpa" ni Carol Banawa. Doon ko palang din nakita ang mga pumapasok at naglalakad sa chapel habang nakasuot ng makukulay na damit. Naisip ko tuloy kung iiyak din ba ako kapag nakita ko na 'yung babaeng papakasalan ko. Naisip ko rin kung eto rin bang kantang 'to ang magiging kanta ng kasal ko.

Napatingin ako ulit sa harap at pinagmasdan ang mga kumakanta parin hanggang ngayon. Ililipat ko na sana ang tingin ko nang mapansin ko ang pagtingin ng isang lalakeng mukhang kasing edad ko na nakatingin din sa akin. Isa siya sa mga nakaputi at kumakanta sa unahan, nagkatinginan kami ng ilang minuto hanggang sa mag-iwas kami ng tingin.

Ngayon ding araw na 'yon nang malaman naming may bago pala sa lugar namin, at siya 'yon. Hindi ko pa alam kung gusto ko ba na may nakatira na sa tabi ng bahay namin na noon ay pinaglalaruan lang namin, ngunit noong maging magkaibigan kami ay hindi ko na maisip kung anong mangyayari kung hindi siya ang naging kapitbahay ko.

Naging bestfriends kami. We share the same interests. Parehas din kaming weird at mataas ang pangarap. Palagi kaming nag i-imbento ng mga bagay para may mapag-laruan at ginagabi habang naglalaro sa labas ng tagu-taguan. Alam ko na sa malapit sa ilog sa likuran ng bahay natin ang madalas mong pagtaguan, habang palagi mo naman akong nahuhuli sa likod ng malaking acacia tree na madalas din nating akyatin. Kapag napagod at kulay orange na ang langit, tataas tayo sa puno at uupo sa matatabang sanga para panoorin sa pag-lubog ang araw.

Simula noong tumungtong kami sa Highschool, doon na nag-simulang magbago ang lahat. Ang mga akbay ay nagkaron ng malisya, pati ang pagtulog ng magkatabi sa damuhan pagkatapos tumingin sa langit. Doon ko naramdaman na parang may kakaiba. Hindi ganito ang nararamdaman ko noon... Bakit nag-iba?

Alam ko kung ano 'yon. Kung ano ang kakaibang pakiramdam na 'yon. Kaya nang maramdaman ko ang panimula non, sinimulan ko naring dumistansya. Kasi alam kong mali... Hindi 'to tama... Mali 'to, diba?

Akala ko ay maglalaro kami, o aasarin niya ako, pero habang nakatingin ako sa ilog katabi ang puno na madalas naming akyatin ay naramdaman ko ang malakas na pwersang tumulak sa akin, dahilan kung bakit ako napasandal doon. Gulat pa ako sa bilis ng nangyari ngunit mas nagulat ako sa galit niyang mukha nang harapin niya ako. Galing sa gulat ay agad kong pinalitan ng malamig ang ekspresyon ko.

"Ano? Bakit ka nagkaka-ganyan?" halos pasigaw niyang tanong.

"Wala kang pakealam."

"Napapansin ko ang kinikilos mo... May hindi ka ba sinasabi sa'kin?"

Umayos ako ng tayo pati narin ang damit ko 'tsaka siya muling sinagot.

"Bakit? Kailangan ko bang sabihin sa'yo lahat?"

"Oo! Mag kaibigan tayo diba!"

Pakiramdam ko ay may nabasag sa loob ko dahil sa sinabi niya. Hindi parin ako nagpakita ng emosyon. I took a step forward to walk pass by him.

"Magkaibigan lang tayo."

I didn't know what hurts the most. The fact that he reminded me that we're friends, or the fact that I reminded him and myself that we're just friends.

Ang sunod niyang ginawa ay ang ikinabigla ko. Ang dahilan kung bakit ako napaatras at napasandal muli sa puno. Hinarangan niya ako, and pressed his lips on mine. Masyado akong nagulat noong unang beses ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko. He held me close, I held him closer.

I'm aware of what is happening. And I'm still alarmed by it. Lumaki akong kilala kung sino ako, ngunit ngayon ay hindi ko na alam. Pinalaki akong pinamukha na hindi 'to pwede. Na hindi pwedeng magka-gusto ang lalake sa lalake. Dahil dito, mas lalo lang akong naguluhan sa sarili ko. Sa pag-ibig. Sa mundo.

Lumayo siya ng konting pulgada sa'kin at hinarap ako.

"Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko... Lumaki akong lalake. Lumaki akong nagkaka-gusto sa mga babae. Pero iba 'yung pakiramdam ko sa'yo... Hindi ko na alam kung ano'ng totoo..." hinihingal at namamaos niyang sambit habang nakatingin sa mga mata ko. Nangilid ang luha ko. "Mahal kita pero ang pagmamahal ay hindi lang isang simpleng pakiramdam. Pakiramdam ko ay mahal kita ngunit hindi ko alam kung ito ba'y totoong pagmamahal..."

Pangarap kong ikasal. Pangarap kong malaman kung ano ba talaga ang pagmamahal. Hindi ko parin alam kung ano, pero noong kasama kita ay pakiramdam ko alam ko. Pero dahil alam nating dalawa na bawal, binalewala nating dalawa kung ano man ang nangyayari sa'tin. Minsan naisip ko rin kung ang huli ba ng pagkakaibigan natin, ay kung saan tayo unang nagkita. Inisip ko rin kung dahil ba 'yon sa ikakasal tayo. Ngunit tayo'y naguguluhan, dahil hindi parin natin alam kung pagmamahal ba ang nararamdaman natin sa isa't isa, o naguguluhan lang tayo. Pero tama ang naisip ko. Ang huli ng pagkakaibigan natin, ay noong kinanta mo ang kantang Panunumpa, sa kasal ko.

FINALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon