Good morning class!" matigas na sabi ng guro sa kanyang klase."Good morning ma'am." walang buhay na tugon naman ng mga mag-aaral.
Tipikal na isang klaseng magulo. May mga hindi bumati sa kanilang guro habang abala sa mga ginagawa nila. May mga natutulog. May mga bumati ngunit di nag-abalang tumayo pa sa kanilang upuan.
Sinimulan na ng guro ang kanyang diskusyon. Tiningnan niya ang kanyang mga mag-aaral at napabuntong hininga na lamang. Hindi nakikinig ang mga ito. Maingay at madumi ang silid. May nagku-kwentuhan at nagtatawanan ng sobrang lakas na parang walang teacher sa harap. May mga magkasintahan na abala sa paglalandi sa kani-kanilang pwesto. May nagc-cellphone. Buti na lang at may ibang imbes na mag-ingay ay natutulog na lang.
Napangiti siya ng makita ang isang babae na nasa sulok. Nakatingin ito sa pisara at nakikinig sa kanya. Si Sab. Kung tutuusin ay nabubully ang mag-aaral niyang ito minsan pero wala kay Sab ang atensyon ng kapwa mag-aaral. Nasa isa pa niyang estudyante.
Tatlong babae at dalawang lalaki ang bumubuo sa The Great kung tawagin. Sina Gem, Ran, Elle, Ark at Taddeo. Ang babae ay sina Gem, Elle at Ark habang ang natitirang tatlo ay ang mga lalalang pagkta Sikat ang mga ito dahil wala silang inuurungan maliban sa isa. Wala silang sinasanto kahit na sino.
Bukod sa lima, may isang lalaking estudyante naman na palaging walang kibo ngunit kinatatakutan din dahil kilala itong hari ng kanilang eskwela. Hindi ito kabilang sa grupo ng lima pero malaki ang takot ng mga kapwa mag-aaral sa kanya sa taglay nitong nakakatakot na titig at masama aura.
Mabilis na niligpit ni Ms. Tiamzon ang kanyang mgs gamit. Kalahating oras pa lamang ang nauubos niya at agad na siyang umalis. Di niya na inaasahang magpapaalam ang mga bata kaya lumisan siya ng tahimik sa silid na parang hangin.
"Sorry Ma'am, late po ako." Bumangad sa kanya ang hingal na hingal na batang si Luna, ang pinakamatino sa kanyang klase. Ang problema nga lang ay paborito itong pagkatuwaan ng estudyante. Hindi niya alam kung paanong paraan pero alam niyang palagi itong tinutukso dahil sa malaking salamin nito, sa masyadong mabait na ugali at manang na pananamit.
"Okay lang iyon, minsan lang naman. Pag-aralan mo na lang yung next lesson. Nasa book siya." Magaan ang loob niya sa batang si Luna dahil iba ito sa mga estudyanteng nakaharap niya kanina. Mabait ito at responsable. Nginitian niya ito at ginulo ang buhok.
"Salamat po." Nagpaalam ang bata at dali-dali na itong lumakad papunta sa pintuan ng silid-aralan. Nilingon ng guro ang kanyang paboritong mag-aaral at nangunot ang noo ng mapansing sarado na ang maalikabok na bintana. Kanina kasi ay nakabukas naman ito habang siya ay nagtuturo.
Ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog mula sa kwartong pinasukan ni Luna.
BINABASA MO ANG
11:11
Mystery / ThrillerIsang sikretong kumakalat Isang grupo ng kabataan Isang laro Isang nakaraan At sa isang itinakdang oras May isang mamamatay Sa pagsapit ng oras na yaon ay may malagim na nangyayari . Sa pagsapit ng 11:11, wala ka ng magagawa kundi ang humiling.