Kabanata 9

46 4 2
                                    

Kabanata 9

Bomba

Isang linggo na ang nakararaan ng mapanaginipan ni Luna ang nakakatakot na gabing iyon. Nakatulala ang babae habang inaalala ito. Gaya ng nakagawian, ang silya niya ay nasa dulo at pinakagil. Nangalumbaba si Luna at tinitigan ang nakasulat sa pisara.

"Luna!" lumingon siya sa kabilang gilid ng silid aralan. Napabuntong-hininga ito at saka hinintay ang gagawin ng mga kaklase.

Isang linggo na rin ang nagdaan mula ng pumanaw ang kanyang ina. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa mga tao sa paligid at hindi siya nito inaasar. Marahil ay pinagbigyan siya ng kaunting panahon dahil sa nangyari sa kanya. Naging tahimik ang buhay niya at laking pananalamat niya dito.

"Ibili mo nga kami ng pagkain. Tinatamad kaming bumaba ng canteen."

Lumapit siya sa mga ito at kinuha ang perang iniabot sa kanya.

"Chichirya, softdrinks o kung may shake. Bahala ka na basta huwag yung may mani. Allergic ako roon." Maarteng sabi ni Gem.

Bumaling siya sa ibang kasama nito.

"Bahala ka na bibilhin mo para sa amin. Bilisin mo na! Bilis!" Bulyaw sa kanya ni Taddeo.

Agad siyang lumabas ng silid. Tumungo siya sa canteen at bumili ng mga pinabibili ng mga ito. Mahirap itong dalhin dahil pang limang tao ang bibitbitin niya. Mabuti na lamang at mabait ang tindera. Binigyan siya nito ng eco bag at inilagay doon ang mga chichirya at biskwit at de latang inumin. Hinawakan niya na lamang ang isang shake at sago't gulaman sa magkabilang kamay.

Dahan dahan siyang umakyat upang hindi ito tumapon. Naabutan niya ang lima na prenteng nakaupo. Tumingin ang mga ito sa kanyang pagdating.

Malapit na siya sa mga ito ng patirin siya ng isang babaeng kaklase. Nalaglag ang hawak niyang mga inumin at sa kasamaang palad, natapunan niya si Elle.

"Oops! Not my fault." Nilagpasan siya ni Andrea at hindi siya tinulungan. Sinundan niya ng tingin ang makurbang katawan ng dalaga na papalabas na ng kwarto.

"Yuck! Tingnan mo itong ginawa mo sa damit ko, Luna!" Sigaw sa kanya ni Elle. Hinablot siya nito sa buhok at pwersahang itinayo.

"Look! Ang lagkit ng ginawa mo sa akin o!" Dinuro nito ang uniporme niyang may kulay tsokolate. "Ugh!"

Itinulak ni Elle si Luna. Napalunok na lamang si Luna habang tinitingnan ang matatalim na titig ng kaklase. Hinihintay sa susunod na mangyayari sa kanya.

"Ngayon, palitan mo ito." Nakangising sabi ni Elle sa kanya.

Kinapa ni Luna ang kanyang bulsa. Kumalansing ang ilang barya mula rito. Mabuti na lamang at may ipon ang kanyang ina. Hindi niya inakalang may medyo malaking pera na itinago ang kanyang ina. Nakita niya lamang ito ng mag ayos siya ng kanilang gamit sa bahay. Mula sa perang iyon ay maaari siyang mabuhay pansamantala. Sa ngayon ay gusto niya munang magmuni muni. Baka sa susunod na linggo ay maghanap siya ng trabaho.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong ni Elle at hinablot siya nito sa braso.

"Papalitan ko yung shake mo."

"At sinabi ko bang yung shake ang papalitan mo ha?"

Nanlaki ang mata ni Luna sa tinuran nito. "Pero-"

Ngumisi ang kanyang kausap. Narinig niya ang pagsara ng pinto. Kasabay ng pagsara nito ay ang pagtahimik ng klase. Rinig na rinig ni Luna ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Kinakabahan siya sa gagawin ng mga ito.

Sinugod siya ni Elle at ng dalawa pa nitong kaibigan. Hinawakan siya ng dalawa sa magkabilang kamay. Tuwang tuwa ang mga ito sa kanilang ginagawa habang siya naman ay pilit na kumakawala sa mahigpit nitong kapit. Naramdaman na lamang ni Luna ang pagbukas ng kanyang butones.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon