Kabanata 11

37 2 0
                                    

Muse' POV

"Hi Muse!"

"Uy, babe!"

"Late ka yata, Miss Pres."

Tiningnan ko lang ang mga kaklase ko at tipid silang nginitian. Diretso akong pumunta sa upuan ko at saka dumukdok sa arm chair.

Pumikit ako para pagpahingahin ang mata ko dahil sa sobrang puyat. Ilang araw na akong walang tulog at hindi rin ako nakakakain ng tama dahil tumutulong ako sa pag-aasikaso kay Luna.

Ngayon ang huling araw ng lamay ni Luna at mamayang hapon na siya ililibing. Sa tatlong araw na burol niya ay wala man lang akong nakita sa mga kaklase namin na pumunta maliban kay Sabrina.

"Muse..." Iniangat ko ang ulo ko at saka tiningnan kung sino ang tumawag sa akin.

"Bakit?"

"Pupunta ka ba sa libing ni Luna?"

Tumango ako. "Bakit?"

"Tara, punta na tayo. Wala naman nang klase." Tumango ako at saka nagpusod ng buhok. Mabuti na lang at kasama ko si Sab sa libing mamaya. At least madadagdagan yung bibisita kay Luna. Yung iba kasing kapitbahay ni Luna, nagpupunta lang para makikain at maglaro ng baraha o kung anuman yung sugal na ginagawa nila.

"Muse, may extra ka bang white shirt? Nakalimutan kong magdala. Ang layo pa naman ng bahay namin."

"White naman yang uniform a." sagot ko habang nakaturo sa uniform niya.

"Ano kasi-" Napakamot siya ng buhok.

"Eto-" binigay ko sa kanya yung extra shirt ko na gagamitin ko sana. "Buti na lang at naka-civilian ako today kundi wala kang gagamitin." Nagbihis lang kasi ako ng puting blouse at yung skirt ng school para diretso na ako kila Luna pagkauwian.

"Thanks."

Habang nagbibihis si Sab ay inayos ko na ang mga gamit nyang nakalabas. Kinuha ko na rin ang bag ko at saka isinukbit sa likod ko.

"Tara na." aya ni Sab sabay kuha ng bag niya.

"Oh, san kayo pupunta, Muse?" tanong ni Carlo.

"Ah... kay Luna." Halos nakuha ko ang atensyon ng buong klase nang sumagot ako.

"Pupunta ka talaga?" Hindi makapaniwalang tanong nila.

"Hmmm." Sabi ko sabay tango.

"Weh?"

Nginitian ko na lang sila at saka inaya si Sab na lumabas na ng kwarto.

"Uy, saglit! Sama kami."

"Wait lang, Muse."

Napahinto ako sa paglalakad at saka hinarap ang mga kaklase ko.

"Talaga? Sasama kayo? Tara na bilis."

Kung nandito si Luna, siguradong matutuwa iyon dahil sa nangyayari. Akalain mo 'yun, pupunta sila. Iyon nga lang, wala ka na Luna. Masaya sana kung buong klase nandito tapos hindi ikaw yung pupuntahan namin.

Mabilis kaming nakarating sa sementeryo. Napagpasyahan naming doon na lang maghintay. Nakita ko agad si Ma'am MC at nagulat siya nang makita ang mga estudyante niyang nandoon.

"Ma'am!"

"Oh, Muse... Anong nakain ng mga kaklase mo?"

"Ewan ko nga po e. Gusto raw po nilang sumama."

"Sige... May ilan pa naman yatang upuan dyan. Patayuin mo na lang yung iba. Para sa ibang bisita kasi ni Luna yung upuan." Tinuro nya ang puting monobloc chairs maayos na nakalinya. "Hindi ko naman alam na dadating din pati iba mong kaklase. Ikaw na bahala sa kanila a."

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon