Nay, nakauwi na po ako!" Masayang sabi ni Luna ng makarating sa bahay.
Pumunta siyang kusina ng maamoy ang niluluto ng kanyang ina. "Ano po iyan?" nakangiting tanong niya.
Nilingon siya ng ina at kinurot ang pisngi niya. "Tinanong mo pa e madalas de lata lang naman tayo. Sardinas, nak. Nilagyan ko lang ng ibang sangkap gaya ng malunggay."
"Sus! Okay lang po, masarap ka namang magluto." Napangiti ang ina ni Luna sa sinabi ng anak. Maswerte siya at dumating sa kanyang buhay ang mabait na dalaga. Napabuntong hininga na lang siya ng alalahanin ang nakaraan.
"Nak, sinangag ko lang itong kanin kaninang umaga. Pasensya na ha, wala tayong datung e. Haha!" Pagak na tumawa ang matanda.
"Okay lang po." Nagsimula silang kumain at saka nagkwentuhan.
"Ano yan?" Napakunot ang noo ni Luna sa tanong ng ina.
"Ano yang sugat sa braso mo? Saan mo nakuha iyan?"
"Wala po, nasagi lang kanina." Nginitian ng dalaga ang kausap na hindi pinaniwalaan ang sinabi niya. Napailing na lang ang matanda at saka tinuloy ang pagkain.
"Ako na rito. Gumawa ka na ng kailangan mo sa eskwela ha." Tumango ang dalaga at saka pumuntang kwarto niya pagkatapos kumain.
Kinuha niya ang second hand na laptop na pinagipunan nilang mag-ina. Nagsimula na siyang gumawa ulit ng documentation. Maya-maya ay nakarinig siya ng kalabog.
"Nay!" Sigaw niya ng makitang nakahiga sa lapag ang ina. Dinaluhan niya ito at saka ini-angat ang ulunang bahagi ng matanda.
"O-okay lang, anak. Nahilo lang ako." Tumayo ito habang inaalalayan ni Luna.
"Ako na po dito. Uminom na po ba kayo ng gamot?" Tanong niya habang binubuksan ang lagayan ng medisina. "Nay!" sabi niya sa mataas na boses.
"Nak, mas kailangan pagtuunan ang pag-aaral at kailangan mo sa eskwela kesa sa pambili ng gamot."
Napapikit ang dalaga sa sinabi ng ina. "Ang tigas ng ulo niyo. Mamaya, lalabas po ako. Pupunta po akong botika para bumili ng gamot niyo, may ipon naman ako e."
"Wag n-"
"Nay-" naiinis na sambit ng dalaga. "Ang tigas talaga ng ulo niyo. Matulog ka na po. Ako na bahala dito sa huhugasan." Wala ng nagawa ang matanda at hinayaan na lang ang anak sa gawaing bahay.
Kinuha ni Luna ang pera sa kanyang bag at bumili ng gamot ng kanyang ina pagkatapos. Tinungo niya ang maliit na kwarto ng kanyang nanay.
"Ito na po." sabi niya sabay abot sa baso ng tubig.
"Salamat, nak. Iwan mo na lang iyang baso dito. Matulog ka na."
Tumango ang dalaga at saka hinalikan ang noo ng ina. "Good night po." Umalis ang dalaga at muling bumalik sa kwarto.
"PASS your work." sabi ng guro.
Pinasa ng mga estudyante ang kanilang mga gawa. Buti na lang at grupo ang paggawa kaya nakapagpasa ang lahat maliban sa The Great na nakapagpasa ngunit ang gawa ay mula kay Luna.
"Buti naman at may gawa kayo." Sabi ng guro sa limang magkakaibigan.
"Yeah, bitch." walang galang na sagot ni Ark sa guro.
Nanliit ang mata ng guro sa inasal ng kanyang estudyante. Kinalma nito ang sarili at tinuon ang atensyon sa ibang bagay.
"Class dismiss-" sabi nito na nagpahiyaw sa kanyang mga estudyante. Napailing na lang ito. Ng dumaan ang isang mag-aaral sa kanyang harapan ay tinawag niya ito. "Luna, maiwan ka."
Nakaalis na ang lahat ng mag-usap ang dalawa. "B-bakit po, Ma'am Tiamzon."
"Ikaw ba ang gumawa ng documentation ng limang iyon?"
Hindi sumagot si Luna. Nanatili itong tahimik. Iniisip kung sasabihin ba ang totoo o hindi.
"Hindi ako ang nagpagawa ng documentation na ito dahil hindi ko ito subject. Pinakiusapan lang ako na kuhanin ito dahil may seminar si Sir niyo." Hinanap ng guro ang papel ni Luna at ang papel na pinasa ng lima. "Napansin kong kay pagkakatulad itong gawa niyo."
Nagtagpo ang kilay ng dalaga sa sinabi ng guro. Sa pagkaka-alam niya, ibang-iba ang bago niyang gawa sa gawa na kinuha ng lima kahapon.
"Hindi po, Ma'am."
Niligpit ng guro ang mga papel. "Oh? Akala ko ikaw ang may gawa e o kaya kinuha nila sa iyo 'to." Tinuro ng guro ang papel na may pangalan ng lima. "Palagi ka kasing pinagti-tripan ng mga iyon at tinatakot. Pasensya na kung wala akong ginagawq bilang m-"
Napahinto sila sa pag-uusap ng dumating si Cyrus. "Excuse me." anang nito at saka pumunta sa upuan para kuhanin ang gamit na naiwan."Cyrus!" Tawag ng guro. Nilingon ito ng lalaki. "Mauna na ako. Pakitingnan si Luna dahil baka ma-ano na naman ng lima."
"Huwa-"
"Okay."
"Luna, alam kong ikaw ang gumawa ng documentation ng lima. Imposibleng gumawa ang mga iyon."
Hindi na nakatanggi si Luna sa sinabi ng lalaki at ng guro. Umalis ito pagkatapos at naiwan silang dalawa. Tahimik nilang tinanggal sa saksakan ang mga gamit at inayos ang magulong upuan. Pagkatapos ay ni-lock ang klase.
Sabay silang bumaba pero malaki ang distansya sa isa't isa habang naglalakad paalis ng paaralan.
"Hindi ba doon ang daan mo?" Tanong ng dalaga ng makitang sinusundan siya nito.
"I'm just following her instruction." walang buhay niyang sabi kay Luna habang nakatingin sa mata nito.
"Hanggang school lang naman iyon at wala na ang lima. Umuwi ka na." umiwas ng tingin ang dalaga.
Tumango ang binata. Hinawakan nito sa braso ang dalagang paalis. "Sumakay ka na ng tricycle."
"Wala akong pera." Pilit na inaalis ng dalaga ang kamay na nakahawak sa kanya.
"Sakay." utos ng lalaki. "Ako na magbabayad."
"I don't need your money, Cyrus." seryosong sabi ng dalaga.
"I know." Tinulak siya ng lalaki sa loob ng sasakyan bago binayaran ang drayber. "Itanong mo na lang sa kanya kung saan siya nakatira."
Ng umalis na ang sasakyan, dumating ang isang babae at sumabay sa paglalakad ni Cyrus.
"Good job, Cy." anang ng babae.
Napangisi ang binata at napailing sa sinabi nito. "Muse, don-"
Hindi niya naituloy ang pagsasalita ng halikan siya ng dalaga. "What is it, Cyrus?" tinaasan siya ng kilay ng dalaga.
"Wala." tugon nito.
"Bye!" kaway ng dalaga na patungo sa sasakyan. Tiningnan lang siya ng lalaki hanggang sa hindi na nito makita ang sasakyang lulan ng magandang dilag.
BINABASA MO ANG
11:11
Mystery / ThrillerIsang sikretong kumakalat Isang grupo ng kabataan Isang laro Isang nakaraan At sa isang itinakdang oras May isang mamamatay Sa pagsapit ng oras na yaon ay may malagim na nangyayari . Sa pagsapit ng 11:11, wala ka ng magagawa kundi ang humiling.