Kabanata 12

40 4 0
                                    

Muse POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko habang umuupo. Ang huli kong naalala ay nasa classroom ako.

"Muse." May mambing na boses ang tumawag sa akin.

Unti-unting luminaw ang paningin ko. Ginala ko ang mata ko at nakitang nasa isang madilim akong lugar. Ang tanging nagbibigay liwanag ay ang kandila sa tabi ko.

"Muse." tawag muli sa akin.

Nangangatog akong tumayo. Sinundan ko ang maliit na liwanag na nanggagaling sa siwang sa pinto.

Pinihit ko ang doorknob at dahan dahang binuksan ang pintuan.

"Ahhhh!"

Halos manlambot ang tuhod ko nang tumambad sa akin ang itsura ng kwarto. Agad akong napa-atras at napaupo sa sahig.

Pumikit ako at pilit na inalis sa isip ang katawan ng mga tao na wala ng buhay. Duguan sila at nakaaawa. Napalunok ako.

Kailangan kong makaalis sa lugar na 'to!

Tumayo ako at mabilis na kinuha ang kandilang unti-unti nang nauupos.

"Muse." Napahinto ako sa paglalakad nang muli kong marinig ang boses.

Parang napako ako sa kinalalagyan ko at hindi makagalaw. Hindi ko ito nilingon at kinakabahang naglakad muli.

"Huwag kang aalis!" sigaw nito.

Kinilabutan ako sa boses at hangin na hindi ko alam kung saan galing. Namatay din ang sindi ng kandila.

"Muse..." Bumalik sa lambing ang boses nito. "Tulong.." Dahan dahan ko itong nilingon.

Isang babaeng mahaba ang buhok ang nakaupo sa lamesa. Nakapula itong bestida. Nakayuko na para bang nahihiya at umiiyak.

Ang kaninang madilim na silid ay nagkaroon ng mas maliwanag na ilaw dahil sa bumbilya. May isang larawan din ang nakasabit sa dingding. Parang nalipat ako sa ibang lugar dahil nawala ang kwartong tiningnan ko kanina.

"Luna?" sambit ko nang makilala ko ang taong nasa harap ko. "L-luna, ikaw ba yan?"

Tinaas nya ang ulo nya mula sa pagkakayuko. Bigla itong tumawa at saka itinaas ang kamay niya.

"L-luna..." Ninenerbyos kong sabi nang makita kong mata ang hawak niya.

Dali dali akong napaatras nang umalis siya sa pagkakaupo at humakbang ng isa papunta sa akin.

"Muse." Biglang napuno ng dugo ang sahig. Parang papunta ang mga ito sa akin.

Agad akong tumakbo papuntang hagdan. Niligon ko at nakita ang pagtulo ng dugo sa bawat sa baitang ng hagdan. Napatid ako at nadapa habang bumababa ng hagdan.

"Tulong!!!" Malakas kong sigaw.

"Ma'am, okay lang po kayo?" Rinig kong sabi ng maid namin habang kumakatok sa pintuan.

Panaginip lang pala. Napahawak ako sa dibdib ko habang naghahabol ako ng hininga.

"Padalhan ako ng tubig." Utos ko.

Luna...

Napapikit ako at napahablot ng aking kumot. Hindi ko na inisip pa ang panaginip ko. Tiningnan ko ang oras at nakitang alas singko na ng umaga.

"Ma'am, ayos ka lang po ba?"

Tumango ako at saka ininom ang tubig na dala niya.

"Pinuntahan na po kita dahil five thirty na at hindi ka pa nag-aayos. Pagdating ko, narinig kong sumigaw po kayo ng tulong. Akala ko naman kung ano nangyayari sa inyo, Ma'am."

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon