Kabanata 16: White Box
SABRINA'S POV
Nilagpasan lang kami ni Cyrus. Napatingin si Muse sa likod ng lalaking iyon.
"Oy. Aalis na ako, Muse," sabi ko sa kanya.
Kinuha ko ang panali ko ng buhok na nasa bulsa ng bag para i-pony tail ang buhok ko. Ang init kasi rito sa labas.
"Huh?" aniya habang nakatingin pa rin kay Cyrus. Tingnan mo nga naman. Masyadong lutang ang babaeng 'to. "Ah... Saan ka nga ulit pupunta?"
"Baka sa library na lang para may aircon."
Kinuha niya ang kamay ko at saka bigla akong hinila. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya pero ayaw niyang magpatalo kaya dalawang kamay ang ipinanghawak niya.
"Hindi pa naman uwian e... Samahan mo ako sa classroom."
"Umalis nga ako roon dahil ako trip nila ako ngayon.
"Kayang-kaya mo naman sila," sagot niya at saka ako kinindatan.
"Tsk. Ayoko nga." Humawak ako sa railings ng hagdan para pigilan ang pag-akyat namin. "Baka masuntok ko lang sila sa mukha."
"Gawa. Sige nga, gawin mo," paghahamon niya sa akin.
"Late ka kasi e. Edi sana nakita mo kung paano ako nakipag-away sa kanila kanina."
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Mukhang hindi siya naniniwala. Kung nakita niya lang talaga.
Muli niya akong hinila. Wala na akong nagawa sa katigasan ng ulo niya. Kayang kaya ko 'tong takbuhan kung tutuusin. Kung hindi lang na-ano 'to kahapon baka kanina ko pa siya natakasan.
"Pasalamat ka, mabait ako," sabi ko.
"Thanks," sarkastiko niyang sabi bago binuksan ang pinto ng classroom.
Hinila ko pabalik ang kamay ko bago pa makita ng mga classmates namin. Baka akalain eh bestfriends kami nitong si Muse.
I saw Muse smiled to our classmates who greeted her upon her entering. Psh! Miss Friendly. Inirapan ko si Muse pagkaupong-pagkaupo ko sa pwesto ko. Hindi ko talaga alam kung peke ba itong pinapakita ni Muse o talagang genuine. Too good to be true e. Parang si Luna lang. Masyadong mabait na aakalain mong isang anghel dahil sa taglay na kabaitan.
Nakita kong naglakbay ang mata ni Muse sa buong classroom. Huminto ito sa upuan na nasa harap ko.
Tsk. The reason is very obvious.
Umupo siya sa gilid ko dahil iyon ang pinakamalapit na bakanteng upuan na malapit kay Cyrus bukod sa katabing upuan ni Cyrus na nilagyan niya ng bag. Ayaw siguro ni Cyrus ng may katabi. Pero dati naman and minsan ay katabi niya si Muse.
"Oh, bakit hindi ka umupo sa tabi niya?" nagtataka kong tanong.
Tinakpan ni Muse ang bibig ko at saka nilagay ang hintuturo niya sa kanyang labi. Ako pa talaga pinatatahimik niya ah.
"Ang lakas ng boses mo," bulong niya. "Hindi mo ba nakitang may bag na nakalagay dun?" Tinuro niya ang upuan na nasa harap niya.
"Ano naman? E'di tanggalin mo. Close naman kayo."
She sat up straight while rubbing her chin. "Basta... Nahihiya ako e."
Ngayon pa talaga siya nahiya. Hindi na ako nagtanong pa. I just fished out the book on my bag and started reading it.
"Hindi pa ba uwian?" nababagot kong tanong.
"Mga one hour, fifteen minutes na lang," aniya pagkatapos tingnan ang kanyang relo.
BINABASA MO ANG
11:11
Mystery / ThrillerIsang sikretong kumakalat Isang grupo ng kabataan Isang laro Isang nakaraan At sa isang itinakdang oras May isang mamamatay Sa pagsapit ng oras na yaon ay may malagim na nangyayari . Sa pagsapit ng 11:11, wala ka ng magagawa kundi ang humiling.