Kabanata 5

66 3 0
                                    

"Nirape raw yung babae sa kabilang bayan. Tapos pinagsasasaksak...pero di pa alam ang buong detalye kasi kinuha raw agad nung pamilya. Ayaw ng paimbestigahan dahil baka madamay pa."

"Oo nga raw. Dun sa may tulay natagpuan ah."

"Tangina! Bakit sunod-sunod ang patayan dun?" napangisi ang estudyante. "Hindi na ako magtataka kung isang araw, may mawawala sa atin."

"Tangina mo, Mike! Wag kang magsalita ng ganyan."

"Portia, biro lang iyon ni Mike."

Inirapan nito ang kausap. "Hindi iyon magandang biro. Kaye."

"Pero magkakaibigan daw yung sunod sunod na namatay e...Sabi nila yun daw yung sa laro."

"Pffft! Para kang bakla, Ed. Chismoso mo, pre."

"Gago! Totoo sinasabi ko. Basta wag niyo na lang ipagkalat."

"Anong laro naman yan?"

Napabuntong-hininga ang si Ed at saka tinuro ang dalawang grupong nakatayo. Ang isa'y nagkakantyawan at ang isa naman sa labas ng kanilang classroom ay nakabilog.

"Oh? Anong meron sa grupo nina Andrea at nina Carlo?" Tanong ni Portia.

"Yun yung sikretong sinasabi....Yung laro raw na ginawa nung mga namatay sa kabilang bayan." Ani Ed

"Totoo ba yan?" kunot noong tanong ni Kaye.

"Nagpapatawa ka ba?" Napailing ito habang nakaduro sa lalaki. "Sabi-sabi lang yan. Anong magagawa ng papel?"

"Ewan ko...." sabay kibit balikat. "Basta iyon daw talaga ang dahilan."

"Paano ba yun laruin?" ani Mike. "Try natin bilis."

Namutla ang isang lalaki baka tumikhim. "Huwag, pre."

"Hahahaha! Shet! Umuurong ka ba, Ed? Mas duwag ka pa sa amin ni Kaye e." Napahagikgik ang grupo sa sinabi ni Portia.

"Gagi! Mas mabuti na ang sigurado."

Napahinto sila sa usapan at napatingin sa halakhakan ng sikat na grupo.

"Tingnan mo yang si Taddeo....may plano na naman yang grupo nila kay Luna."

"Hahaha! The nerd deserves it."

"Bakit wala pa yung salot na iyon? Late? Kunsabagay, maaga pa naman."

"Mga, Kaye. Mga salot." Pagtatama ni Portia.

"Si Sab ba tinutukoy mo, Por?"

"Sino pa ba?" Umirap ito at matalim na tiningnan ang kaklaseng binanggit. "Pasalamat siya at mas pinagkakatuwaan si Luna."

"OMG! Nakikita ko na si Cy, my babes...ang gwapo niya talaga." Ani Kaye ng makitang papasok na ang binata. "Yun nga lang, snob, pero gwapo pa rin."

"Tumigil ka na sa pagpantasya mo, Kaye. Sila na ni Muse. Marinig ka pa ni 'girl' sa likod oh."

"Wala akong pake, Por. Nakita ko nga silang naghahalikan sa labas ng school e. Alam mo ba, feeling ko pinagkakatuwaan nila si Luna. Kawawang Luna, walang kakampi. Ni hindi rin sila close ni Sab e. Magkauri pa naman sila. Nerds."

"Loser bitch, hahaha! Hayaan mo na yung manang na iyon. Bakit wala pa pala iyon? Sana wag na siyang pumasok kahit kailan." natatawang sabi ni Portia.

"Shit!" Nilingon ng magkakaibigan ang nagmura.

"Bakit, Mike?"

Pinakita ng lalaki ang kanyang cellphone.

"Fuck! So nilaro raw talaga iyon?"

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon