5: Homeless Bitch

33 2 0
                                    

Tristan's  Pov

Muntik na.

Fuck.

"Buhay pa ba?" Bored na tanong ni Warren. Kami lang yata ang problemado.

Nakatayo lang yung babae sa harap ng kotse namin. Nakayuko ito. Yung suot nya. Teka. Uniform yun sa school namin ah?

Di namin napansing lumabas na pala si Warren at tinulak yung babae. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak, humampas ang katawan nito sa poste. Agad itong nawalan ng malay.

"Baliw na babae! Kung magpapakamatay ka sabihin mo lang! Tutulungan pa kita!"

Bumalik na sya at walang emosyon ang mukha. "Drive." Utos nya.

Umiling ako at bumaba. Hindi nga namin nasagasaan, nasaktan naman ni Warren -_-

"Miss?" Hinawakan ko ang ulo nya para iharap sakin. Teka. Si nerd to ah?

"Humihinga pa?" Lumabas rin pala sila bukod kay Warren.

Hindi ako sumagot at naramdaman kong basa na yung kamay ko.

Dugo.

Shit nabagok yata sya.

Agad ko syang kinarga at pinasok sa sasakyan. Ipinwesto ko sya sa pinakadulo at dahan-dahang isinandal ang ulo nya sa bintana.

"Cliff tabihan mo sya. Alalayan mo. Baka masubsob." Utos ko. Sumunod naman sila at pumasok na ko sa loob ng sasakyan. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan papunta sa ospital.

"Si nerd pala to, eh! Tara itapon natin sa ilog pasig! Tss!"

Gago talaga tong si Cliff -_-

"Subukan mo. Isusunod kita.." Pagbabanta ko. Kawawa na nga eh.

"Apektado ka yata sa nangyari sa kanya? Type mo? Ganyan pala ang mga tipo mo, Tantan? Hahaha." Pang-aasar ni Ivan. Di ko nalang sya pinansin. Gago -_-

Nang makarating kami sa ospital, binuhat ko na sya palabas ng sasakyan. Bigla akong hinawakan ni Cliff sa braso.

"Tol. Di pa huli ang lahat. Pwede pa natin syang ihagis sa ilog." Seryoso nyang bulong. Di ko na napigilan ang sarili kong sipain ang binti nya.

"Abnormal ka talaga." Tumakbo ako papasok at dinala sya sa emergency room.

May mga nurse na naglapitan agad sakin. Yung iba ay humawak pa sa braso ko.

"Sir ano pong nangyari sayo? May masakit ba?"

Di ba nila nakikitang dumudugo ang ulo nitong buhat buhat ko? Tangina! Mga walang kwenta!

"Excuse me, sluts. Itong buhat ko ang nasaktan, hindi ako. Mga bulag ba kayo? Wag puro kalandian. Magtrabaho kayo ng maayos! Para naman makaipon kayo ng pampaayos sa mga mukha nyo! Nakakasuka eh!"

And with that, inasikaso na nila si Nerd.

Umupo muna ako sa upuan dun sa hallway. Umupo rin yung mga ugok sa tabi ko. Bukod kay Warren. Wala naman yung pakielam.

"Kamusta si Nixie?" Tanong ni Blake. Kilala nya si Nerd?

"Nagpakilala sya satin kanina sa school." Paliwanag nya na para bang nabasa nya yung iniisip ko.

"Ako si Nixie. Oh ayan nagpakilala na ko. Pwede na umalis?"

Ah. Kaya pala. Ano kayang ginagawa ng isang nerd sa gitna ng kalye? At san sya galing? Sa street na yun, alam ko puro bars at casino ang nandun. Medyo malayo pa ang residential area. Imposible namang galing sya sa bar?

Lumabas ang doktor at nagtanong kung sinong kasama ni nerd. Tumayo kami at nagtanong kung ano na ang lagay nya.

"Okay na sya. Nahimatay sya dahil sa kalasingan. Pwede nyo na syang puntahan sa kwarto nya."

Kalasingan? Naglasing si nerd?

"Oh okay na raw. Tara na. Bayaran nalang natin yung bills nya." Pag-aaya ni Ivan at nauna nang maglakad.

Tumango nalang ako at sumunod sa kanila. Nakita kong hindi sumunod sa amin si Blake. May pupuntahan pa yata. Di ko nalang sya pinansin. Baka magc-cr lang.

Nixie's Pov

Aww. Ang sakit ng ulo ko. Parang pinipiga na ewan. Shit namaaaan.

Hindi ako tanga para hindi marealize kung asan ako. Hospital. Tangina. Wala nga akong bahay, pambayad pa kaya sa bills?

Ano ba kasing nangyari? Sinong hayop ang nagdala sakin dito? Wala akong maalala.

Paglingon ko sa lamesa sa gilid ng hospital bed na ito, may basket na puno ng prutas. Tapos may sticky note na nakadikit sa basket.

Posible kayang si mommy ang nagdala sakin dito? O kaya si Leroy?

Kinuha ko yung note at nakitang cellphone number lang ang nakasulat.

Biglang tumunog yung phone ko na naka-patong sa lamesa.

Punyeta Calling...

"Mom?"

/I heard nanapak ka daw ng guard/

"Eh kasi naman hindi nya kasi ako pinapa--"

/One wrong move at hindi kita ipapasok sa grupo! Tandaan mo yan! Hahanap kami ng ibang ite-train bilang kapalit mo!/

Call Ended..

Ugh. Ganon lang? Wala man lang "Kamusta pakiramdam mo?" o kahit "Buhay ka pa ba?"

Di ko alam kung anong kasalanan ko kay mommy! Nakakainis sya! Wala syang kwenta! Bwisit!

Di ko namalayan na nagbabasag na pala ako sa loob ng room. May mga nagdatingan na nurses at tinurukan ako ng kung ano. Nakaramdam ako ng hilo bago tuluyang nawalan ng malay.

Living With The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon