10: Back To Being Strangers

25 2 0
                                    

Nixie's Pov

Maganda ang gising ko ngayong umaga. Dahil siguro sa mga nangyari kahapon? Kahapon lang ako nakatawa ulit ng ganon. At dahil yun sa mga adik na unggoy.

Sunday nga pala ngayon. Masigla akong bumangon habang nakangiti. Dumiretso ako sa cr at ginawa ang morning rituals ko bago bumaba sa sala.

Pagdating ko run, nagtaka ako kasi nag-uusap yung mga unggoy. May isa pa silang kasama. Gray yung buhok nya at may piercings ito sa tenga. Nakaka-intimidate ang hitsura nya. Parang sa lahat ng adik na unggoy, sya yung pinaka-adik -3-

"Oy mga unggoy. Nag-almusal na kayo?" Tanong ko sa kanila ng nakangiti. Di sila lumingon sa akin at nagkatinginan.

Uhh. Anong nagawa ko? May kasalanan ba ko?

"If I'm not mistaken, ikaw yung bagong maid. MAID. Kaya sino ka para kausapin ang mga boss mo ng ganyan?" Malamig na sabi nung gray yung buhok.

Shit yung boses nya.. Nakakatakot.. Sobrang manly ng voice nya. Nakaka-intimidate ang mga titig nya. Ghaad what's wrong with this guy? Ugh.

Di ko pinansin yung lalaki at lumapit kanila pink monkey, Ivan, at Tristan. Ngumiti ako sa kanila pero di nila ako tiningnan. Unti-unting napawi ang ngiti ko sa mukha at napaatras. Right. Makaasta sila parang di nila ako kilala. Ano ba talagang nagawa ko?!

"Magluto ka na. Gutom na kami." Utos ni Blake sabay tayo. Sumunod naman silang lahat at umakyat pwera nalang sa gray ang buhok. Lumapit sya sakin at bumulong.

"I'm warning you. Stay. Away. From. Us."

Tila napako ako sa aking kinatatayuan. Stay away from them? Why? What did i do?

Di ko namalayang wala na rin pala sya sa harap ko. Dumiretso na ko sa kusina at nagluto. Di parin ako mapakali. Ano kayang kasalanan ko?

---

Nang matapos ako maghain, nagsidatingan na sila at di man lang ako pinansin. Dire-diretso lang sila papunta sa lamesa at kumain ng di man lang nagdadasal. Tsk.

"Tutunganga ka nalang ba dyan?"

Narinig kong sabi ni Warren. Gusto ba nilang sumabay ako?

Ngumiti ako at uupo na sana ng. "Sinabi ko bang umupo ka at sabayan kami? Nakakainis pag kumakain kami tapos may nakatitig. Alis na!"

Dun na kumulo ang dugo ko. Damn napahiya ako!

Ganyan ba ang gusto nila?! SIGE! Pakielam ko ba sa kanila?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living With The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon