Ayun po si Blake oh. Shets *Q*
Blake's Pov
"Akalain nyo yun? Tinulak si Cliff ng isang nerd?! Hahahahahahaha!" Tawa ng tawa ang baliw na si Ivan. Ako naman nakangisi lang na parang nanga-asar rin.
"Tumigil ka Ivan! Makikita mo! Gagapang yun pabalik sakin!"
Nagtawanan ulit kami nila Tristan at Ivan. First time syang maitulak ng babae.
Yung babae kanina.. Di man lang sya nasindak sa amin.. Usually kasi, kung hindi titili, tatakbo sila palayo. Kaya nga inis na inis kami sa mga babae. (bukod kay Cliff na araw-araw iba ang ka-date)
"Napansin nyo ba? Ang tapang nung babae. Kaso bakit kaya ayaw nyang labanan sila Macy? Eh sa tingin ko kaya nya naman?" Tanong ni Ivan.
Kaya lang naman namin sya nilapitan kanina kasi akala namin kailangan nya ng tulong. Medyo naawa kasi kami. Medyo lang naman. Nananakit kami ng babae. Pero di kami nananakit ng inosente.
Kaso nagulat kami ng sungitan nya pa kami. Tss. Ang daldal ko na ba? Halata nga.
Kung ginawa yun ng babae para makuha ang atensyon namin, nagtagumpay sya. Ngayon, curious na curious na ko sa kanya at kung bakit tila wala syang alam sa mundo at di nya yata kami kilala.
1 message received
From: SL Warren
---
Amkae Bar. 8pm.
---"Oy mga kumag. Bar daw mamaya sabi ni Warren."
Nagsitanguan naman sila at nagkanya-kanya na ng alis. Si Tristan, bumaba na mula sa itaas ng puno at sumabay na kanila Ivan at Cliff. Nanatili akong nakaupo at nakasandal sa puno na parati naming tinatambayan.
Yung babae.. Gusto ko syang makita ulit.
"Ako si Nixie. Oh ayan nagpakilala na ko. Pwede na umalis?"
Nixie..
Kinuha ko ang iPhone ko sa bulsa ko at idinial ang number ni Mommy.
"Mom, pwede pong mahingi ang record ng babaeng nagngangalang Nixie? Student din sya sa school natin.."
/What? Kelan ka pa naging interesado sa babae?/
"May atraso po samin, mom." Pagsisinungaling ko. Panigurado kasi aasarin lang ako nyan.
/Ah. Blake babae yun ah? Wag nyo masyadong puruhan/
"Yes mommy. Send it to me through email. Thanks."
Call Ended...
Nixie.. Sino ka ba talaga?
![](https://img.wattpad.com/cover/69955241-288-k487995.jpg)