Nixie's Pov
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Hinayaan kong mag-adjust ang mga ito sa liwanag bago ako makakita ng maayos.
May lalaking nakatayo sa gilid ng kama ko kaya tinitigan ko ito ng mabuti. He looks familiar. Black hair. Those pair of blue eyes..
"Diba ikaw yung adik sa school?" Tanong ko habang pinipilit ang sariling umupo. "Anong ginagawa mo dito? Sa pagkakatanda ko, hindi tayo magkaibigan. Ayoko sa mga panget noh."
Tiningnan nya ko ng masama. "Pagkatapos kong bayaran ang mga bills mo, ganyan ang sasabihin mo sakin?"
Sinasabi nya bang dapat thankfull ako? Kapal. Inutusan ko ba sya? At isa pa, sya pala ang nagdala sakin dito? Alam nya bang problemado ako ngayon dahil sa ginawa nya? Aish! Pakshet naman!
"Oh ano ngayon? Sinabi ko bang bayaran mo?"
"Ang panget ng ugali mo. Kasing panget mo."
Aba! Ako ba ang nilalait nitong tukmol na to?
"Hoy adik! Sapakan nalang oh?! Ano?!"
Tumawa ito ng mahina at marahan na umiling. Duwag pala to eh! Walang binatbat!
Teka pano nga ba ako napunta dito?
"Muntik ka ng masagasaan. Tapos bigla kang nahimatay. Nabagok yung ulo mo kaya dinala ka namin dito."
"Mamatay na nagtanong.." Sagot ko kahit pa medyo nagpapasalamat ako kasi alam ko na kung anong nangyari. "Geh makakaalis ka na." Pagtataboy ko sa kanya pero di parin sya gumagalaw. Ano bang kailangan nito?
"Kung akala mo nandito ako kasi concerned ako, pwes mali ka. Nandito ako para maningil. Ang laki kaya ng binayaran ko.."Agad na nanlaki ang mga mata ko. Halata namang private hospital to kaya sigurado akong mahal nga ang bills ko.
Napalunok ako dahil sa kaba. Sinungitan ko pa sya kanina. Patay!
"I see.. Wala kang pambayad.." Nakangisi ito ng nakakaloko habang tinitingnan ako ng mapanuya. Pigilan nyo ko! Babangasan ko to! Isa lang! Ugh!
"Ano naman kung wala! Nabayaran mo na diba! Sure naman ako na.. Na barya lang yun sayo! Ano pang kailangan mo?!" Namamawis na ang mga palad ko pero di ko ipapakita na kinakabahan ako. Ano sya sineswerte?
"I'm not buying it, Miss. Choose, you'll pay, or you'll go to jail?" Nakangisi parin ito na parang nang-aasar.
I cant go to jail. Lalo lang magagalit si mommy! Pero wala naman akong ibabayad sa kanya? Pano na to?! T^T
"May ibang choice pa naman eh.."
Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Hinintay ko syang magpatuloy.
"Kailangan namin ng maid. Kakapatalsik lang kasi namin sa dati naming maid. Baka gusto mong mag-apply? Para mabayaran mo ko kahit pakonti-konti."
Maid? Maid ng adik? No way! Hindi naman sa maarte ako. Marunong ako sa gawaing bahay. Pero pano kung rape-in nya ako?! Sayang ang kadyosahan ko no!
"Kung iniisip mo na pagsasamantalahan kita, mangilabot ka nga. Di ako pumapatol sa panget."
-________-
Wag mong papatulan, Nixie. Baka pagbayarin ka nyan ng utang mo. Lagot ka ~_~
"Ikaw na nga binibigyan ng trabaho, parang ako pa tong nagmamakaawa. Kung ayaw mo, edi wag." Naglakad na sya palabas ng pigilan ko sya.
"Kelan ako magsisimula?"