Kroo Kroo 4

3 0 0
                                    

Gosh! Tagal ko na palang hindi nakapagupdate nito. Hahaha

Dumating na ba kayo sa point na tinanong nyo na ang sarili nyo ng:

ANO BA AKO SAKANYA?

Yung point na parang kayo pero hindi. Tapos kapag tinanong ka ng mga kaibigan mo kung anong meron sainyo. Wala kang masasabi kasi di mo alam kung friends lang ba kayo or may something talaga sainyo.

Nakakaloka di ba?

Naitanong mo na ba sakanya kung anong meron sainyo? Kung oo na mabuti kung ganon. Clap! Clap! Saludo ako sayo dahil naitanong mo na sakanya ang matagal mo nang gustong itanong. Sana maganda ang kinalabasan. Pero kung hindi at least di ba malinaw na?

Sa mga hindi pa naitatanong yung tanong na yun. Based from my own experience mas maganda ng itanong mo na.

Halimbawa:

Ano bang meron satin?

Lahat ba ng kaibigan mo ganito ang turingan nyo?

Mga ganon. Hahahaha basta! Gets  nyo na yan.

Masakit kasi na mas patagalin pa ninyo. Pareho lang kayong hindi malilinawan. At least whatever man ang kalabasan, whatever man ang naging sagot nya.

Makakagaan yun sa nararamdaman mo. The catch is MALILINAWAN KA NA!

We shouldn't let others take us for granted. Every person deserve to be happy.

If nag fail tayo sa isang tao or bagay, it doesn't stop us to keep us going.

Remember: Hindi titigil ang pag ikot ng mundo para hintayin ka lang na bumagon.

Masaya or masakit man tanggapin mo. Wala na tayong magagawa pa. Minsan sa buhay hindi natin mapipilit ang mga bagay bagay na mangyari sa gusto nating paraan.

~~~~

Kung may nagbabasa or nagabasa man, maraming thanks! Hahahaah

Comment and Votes are highly appreciated.

Struggle on Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon