Ten

5.5K 124 6
                                    

NAMANHID ANG KALIWANG PISNGI ko nang tumama ang malakas na suntok ni Tito Arthur sa mukha ko. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang saluhin ko ang galit na nararamdaman ngayon ni Tito Arthur. Sandali lamang akong napatingin sa kanyang mata na handang basagin ang mukha ko sa harapan ni Ashley.

“Papa!” sigaw ni Ashley sa kanyang ama at hinawakan niya ito sa braso upang makalayo sa akin. Samantala ako naman ay napako lamang sa aking kinatatayuan na parang nasemento dahil sa bilis ng mga pangyayari. “Tama na po, please. Tumigil na po kayo,” naiiyak pang dugtong ni Ashley na punong-puno ng pagsusumamo.

“Para ano? Para ipagpatuloy niyo ang ginagawa niyong kababuyan?” galit na saad ni Tito Arthur sa kanyang anak. Marahas nitong inalis ang kamay ni Ashley na nakahawak sa kanyang braso at mabilis naman ako nitong nilapitan ng mga tatlong hakbang lang.

Hindi na ako nakawala pa sa sumunod na ginawa ni Tito Arthur. Mahigpit nitong hinawakan ang aking buhok at walang pakundangan akong kinaladkad palabas ng kwarto ni Ashley. Para akong hindi tao kung tratuhin ngayon ni Tito Arthur, pakiramdam ko ay isa akong basura na kaagad niyang itatapon palabas ng bahay.

“P-Patawarin niyo po ako, Tito A-Arthur...” nauutal ko nang sambit sa kanya dahil sa tindi ng takot at kaba na gumagapang ngayon sa aking buong katawan. Pinilit kong magmakaawa sa kanya habang kinakaladkad niya ako sa may hagdan. Kung gusto niyang lumuhod ako sa kanyang harapan ay gagawin ko para lamang sa pagmamakaawang gusto kong mapakinggan niya.

“Putangina mo!” asik ni Tito Arthur at marahas akong binalibag sa labas ng bahay na sanhi naman nang pagkasubsob ko sa lupa. “Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa anak ko!”

Nanginginig ang buo kong katawan habang gumagapang papalapit sa pwesto ni Tito Arthur. Lumuhod ako sa kanyang harapan na umiiyak habang ang puso ko naman ay sumisigaw nang pagmamakaawa.

“M-Mahal ko po ang anak niyo...” mahinang sambit ko sa pagitan ng aking mahihinang paghikbi. Inabot ko ang kanyang kanang binti at akin itong kinapitan habang nilalabanan ang takot at pangamba na namumuo sa aking dibdib. “M-Mahal... Mahal ko po si A-Ashley.”

Hindi ako pinakinggan ni Tito Arthur. Nagbingi-bingihan lamang ito at mas pinili niya akong tadyakan palayo sa kanya bilang pagtugon sa mga sinabi ko.

“Nagpapatawa ka ba o talagang bobo ka lang?” pagak na pagkakasabi ni Tito Arthur. “Nakikita mo ba ang sarili mo, Come? Isang kalokohan ‘yang mga sinasabi mo!”

Napasulyap ako sa mga lumuluhang mata ni Ashley na kasalukuyang nasa likuran lamang ng kanyang ama habang pilit itong pinipigilan na lumapit sa akin.

“Mahal ko si Ashley...”

Isang malakas na suntok ulit ang aking tinanggap na siyang dahilan upang pumutok ang gilid ng aking labi. Parang umikot ang aking paligid nang saluhin ko ang isa pang suntok na iyon mula kay Tito Arthur. Narinig ko ang pagsigaw at pagpalahaw ni Ashley nang masaksihan niya ang eksenang iyon.

Akmang lalapitan na sana ako ni Ashley ngunit pinigilan siya ni Tito Arthur. Hinila niya ang umiiyak na Ashley sa kanyang tabi upang mapalayo ito sa akin.

“Umalis ka na!” sigaw pa ni Tito Arthur habang mahigpit na nakahawak sa pulsuhan ni Ashley. “Pinaglalaruan mo lang ang isipan ng anak ko! Hayop ka!” segunda pa nito at hinila na niya papasok ng bahay si Ashley na pilit pa ring nagpupumiglas sa hawak ng kanyang ama.

Nanlabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo. Pag-iyak na lamang ang aking nagawa habang nakatingin sa saradong pintuan ng bahay nina Ashley. Unti-unti na ring pinatay ang mga ilaw nila sa loob ng bahay habang ako ay nilalamon ng kirot at pighati rito sa labas ng kanilang bahay.

Nanlalambot man ang aking mga tuhod ay pinilit ko na lamang tumayo. Bagsak ang dalawang balikat ay nagsimula akong maglakad palayo sa bahay nina Ashley. Pilit ko mang pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa kaya naisip ko na lamang na tawanan ang sarili ko ngayon habang binabagtas ang tahimik at wala ng taong kalsada.

Wala na rin akong maintindihan sa mga oras na ito. Nababaliw na siguro ako.

Kissing Ashley (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon