WALANG KASING TAMIS ang labi ni Ashley na dinala kami pareho sa ika-pitong langit na ayaw ko nang matigil pa. Ramdam ko ang bawat pagkalinga at pagmamahal sa bawat segundong dumaraan. Dama ko sa kanyang mga halik ang pagkapawi ng mga pagdududa at pagkabigo sa gabing ito. Kung sa bawat araw na daraan ay magiging ganito lamang kapayapa ang lahat — ayoko nang bumitiw pa sa mga yakap at haplos ni Ashley ngayon.
Matagal ko ng gusto si Ashley, simula nang makilala ko siya sa unibersdad kung saan kami pareho nag-aral. Matagal ko na ring gustong sabihin sa kanya ang nararamdaman kong ito ngunit naduduwag din ako sa kadahilanang ayokong masira lamang ang pagkakaibigan namin dahil sa namuong pag-ibig kong ito.
Mas pinahalagahan ko ang pagkakaibigan na ipinagkaloob sa akin ni Ashley kumpara sa kagustuhan kong magkaroon kami ng relasyon.
One-sided love ang nangyari sa akin noong college days. Tipikal na bestfriend na mayroong gusto sa kanyang kaibigan. Isasama ko na rin ang pagiging martir ko dahil sa haba ng panahon na inilihim ko sa kanya ang nararamdaman kong ito. Hindi rin ako sigurado kung masokista lang ba talaga ako noon kahit na selos na selos na ako sa mga nanliligaw dati sa kanya. Gustuhin ko mang umeksena ay hindi ko magawa dahil kaibigan lamang ako at wala akong karapatan na pangunahan siya sa mga bagay na gusto niyang gawin.
Sa kadahilanang matalik kaming magkaibigan, pinanindigan ko na rin noon ang pagiging sandalan niya sa tuwing pinapaiyak at hinihiwalayan siya ng mga naging boyfriend niya noon. Lagi akong present sa tabi ni Ashley kapag kailangan niya ako. Ako na rin ang naging panyo niya sa mga oras na umiiyak siya. Kulang na lang no’n ay maging superhero na ako para sa kanya.
Pero ngayon, sa mga sandaling ito, gusto kong ipabatid sa kanya ang pagmamahal ko na matagal kong inilihim sa kanya.
Tumugon si Ashley sa mga halik ko sa kanya. Kapwa kami nagpakalunod pareho sa aming mga halik sa isa’t isa. Dahan-dahan namin parehong pinupunan ang lungkot at pait sa gabing maliwanag — sa bawat gabing kapwa naming iniisip ang isa’t isa.
“Arianne...” mahinang usal ni Ashley sa aking pangalan sa pagitan ng aming mga halikan. Sinalubong ako ng mapupungay niyang mga mata na animo’y lasing at nalunod sa iniinom na alak.
Mas lalong himigpit ang hawak ko sa kanyang magkabilang balikat. Nanggigigil na hindi sigurado sa paraan na ginagawa.
“Mahal kita.” Bulong ko sa bawat galaw ng aming mga labi.
Hindi ako nakatanggap ng sagot mula kay Ashley. Hindi ko na rin iyon pinansin pa. Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano sa mga oras na ito. Binigyang pansin ko na lamang ang mayroon sa amin ngayong dalawa. Ibinuhos ko lahat sa kanya lahat ng nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Ipinaramdam ko ang pananabik at ang pagsinta sa aking bawat paghalik at paghaplos sa kanyang katawan. Ibinuhos ko sa kanya lahat — lahat nang mayroon ako sa mga sandaling ito habang natatamaan kami ng liwanag ng buwan na pumapasok sa bintana ng kanyang kwarto at habang nakadungaw sa labas ang mga bituin sa kalangitan.

BINABASA MO ANG
Kissing Ashley (Revising)
Genel KurguIsang lesbiana si Arianne Come. Ito ang sikretong kanyang iniingat-ingatan. Takot siyang magladlad sa kanyang ina, lalong-lalo na sa kanyang matalik na kaibigan na si Ashley Tolibas. Takot siyang magbago ang takbo ng kanyang buhay kaya't minabuti ni...