One

115 4 1
                                    

Isa.

Dalawa. Tatlo. Tatlong beses.

John David Vicente. Khritian Pillos. Vinz Reyes. Tatlong tao.

Tatlong beses na akong nagkaroon ng matinding feelings... sa tatlong tao. At tatlong beses na ring nasaktan at nabigo.

"Ang sabihin mo, tatlong beses kang na-tanga."

"Ang epal mo namang asungot ka!!!"

Si John David... ang pinaka-gentleman na lalaking nakilala ko sa balat ni inang kalikasan.

Elementary pa lang, palagi na akong humihiling sa malaking nuno sa punso sa likod ng bahay namin... na sana kapatid na lang ako ni John. Para hatid-sundo at alaga niya rin ako.

Naging magkaklase kami ni John mula unang taon ng hayskul, hanggang ikatlong taon. Pero kailan man, hindi ako nagkaroon ng pagkakaton na makausap siya. May mga pagkakataong tinutulungan niya akong magbuhat ng libro, magbura sa pisara at magtapon ng basura. Pero bukod sa mga iyon, wala na.

Gayunman, nagbakasakali ako noon na baka mapansin niya ako kahit papaano. Umasa ako na may lihim siyang pagtingin sa akin.

Pero ang nakatatawa, nung araw na aamin na ako sa kanya... Nalaman ko, na hindi niya ako kilala.

Nasa labas ako ng iskwelahan nung hapon na iyon at hinihintay ang paglabas niya. Plano ko kasing ibigay 'yung love letter na isinulat ko para sa kanya.

"Woooohoooo!!! Tanga-tanga talaga nung Kaloy na 'yon!"

"Walang-wala kay John eh!"

Napalingon ako sa gate nung marinig ko ang ingay na iyon. May pakiramdam ako na palabas na si John, dahil narinig ko na ang mga kaibigan niya.

Nung makita kong isa-isa na silang lumalabas, tumayo ako at tumakbo palapit sa grupo nila. Huminto ako sa harapan ni John, na ipinagtaka naman nung magkakaibigan.

Si Kenneth at Martin, nakaakbay kay John. Sina Nicoll at Vinz, nasa bandang likuran. Si Kevin at Khritian, sandali lang akong tinignan pero agad ding nilagpasan.

Silang mga natira, huminto sa paglalakad at pag-uusap, saka tumingin lang sa akin sandali. Huminga naman ako ng malalim para makakuha ng buwelo sa balak kong gawin.

"J-John..." nasabi ko.

"Oh ikaw pala kailangan" sabi ni Kenneth at nagpatuloy na sa paglalakad matapos tapikin si John sa balikat. Agad ding sumunod sina Martin at Vinz sa kanya.

"Kakilala mo?" parang-ewan na tanong ni Nicoll kay John. Paano naman kasi niya akong hindi makikilala, eh magkaklase kami.

"Hindi nga, eh..." sagot ni John na ikinagulat ko. Natigilan ako nung lumingon siya sa akin, "Ate, magkakilala ba tayo?" naiilang pero nakangiti niyang tanong sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nung mga panahon na iyon. Nawala na rin ako sa sarili ko. Walang katinuan ang natira sa sistema ko.

"Uh... Kasi ito..." sabi ko pa rin at inangat 'yung sobre kung saan nakalagay 'yung love letter na isinulat ko. Nakayuko lang ako dahil hiyang-hiya na ako at halo-halo na ang nararamdaman ko.

Narinig kong nagsalita si Vinz na nauuna nang naglalakad nun, "Ay magsusulisit yata sa'yo pre. Bigyan mo na, nang matapos na." Pagkasabi niya nun, tumalikod at umalis na rin siya, kasama si Nicoll.

Hindi ko na alam ang gagawin nung mga oras na iyon. Halo-halo na talaga 'yung nararamdaman ko. Hiyang-hiya na rin talaga ako. Kinakabahan pa ako, at kung ano-ano.

Si John naman, nakatingin pa rin sa hawak kong sobre na parang hindi alam ang gagawin. Hindi ko sinasadyang matignan siya sa mata, kaya bigla akong umiwas ng tingin nung nagkatinginan kami.

"Uh, sandali lang ha?" sabi niya at kinuha 'yung pitaka niya sa bulsa. "Pasensya na ah, hindi ko na mababasa kung para saan 'yan. For good cause naman siguro 'yan, 'di ba?" nakangiti niyang sabi saka ako inabutan ng isangdaang piso at umalis na pagkatapos.

Naranasan ko ang unang heartbreak na iyon nung third year high school ako.

Sabi ng mga pinsan ko, ang ikatlong taon daw ang pinaka-masaya at pinakamalungkot sa hayskul...

Siguro nga. Kasi masaya pa rin naman ako. Dahil kahit isang beses sa buhay ko, nakausap ko siya.

Na maliban sa 'Tulungan na kita' o kaya 'Ikaw lang ba ang magtatapon ng basura?' at 'Ako na ang magbubura nung sa right side' ay may iba pa siyang nasabi sa akin.

Kahit papaano, may 'something' na sa aming dalawa. Kahit pa fail iyon, ayos na sa akin.

Kahit pa naman noon, wala na talagang kahit na sino ang nali-link sa kanya. Kaya nga hindi ko inaasahan nung nabalitaan kong sila na ni Sheila, nung nasa unang taon na kami ng kolehiyo. Dahil doon, nagtanim ako ng galit sa buwan ng Oktubre.

Pero naka-move on naman ako kaagad kay John. Naisip ko nga, na baka mini-mini crush lang talaga 'yung nararamdaman ko para sa kanya. At iyon ay dahil sa tulong ng kaibigan niyang si Khritian Pillos.

Huling araw ng Oktubre, napagtanto ko na gusto ko na siya.

Matapos ng heatbreak ko kay John, ang kaibigan niyang si Khritian ang sumunod na umagaw sa pansin ko.

Nagsimula iyon isang araw na nakita ko siyang naggigitara sa klasrum nila nung napadaan ako. Nadala na ako sa pagsisikreto ko nung nararamdaman ko kay John, kaya nagsabi ako sa sarili ko na magiging vocal na ako sa nararamdaman ko.

Kaya kinuwento ko kaagad sa mga kaibigan ko nung unang beses na naka-chat ko si Khritian.

Madalas na kasi kaming nagkaka-chat noon. Hindi na ako nahihiya, ako na ang unang nag-chat sa kanya. Maganda naman ang kinalabasan, dahil madalas na kaming nagkakausap.

Kahit ngayong nasa ikalawang taon na kami ng kolehiyo, patuloy pa rin kami sa pag-uusap sa chat. Mabuti nga at sama-sama pa rin kami sa pinapasukang University.

Isang gabi nun, habang nasa computer shop kami ni Anilex.

Oo, ang kulit nga
nung sayaw niyo eh.

Sabi ko iyon kay Khritian nung napag-usapan namin na nanood ako nung ensayo nila.

Thanks.
Oo nga pala,
may itatanong sana ako.

Ano 'yon?

Nahihiya ako.
Wag na lang pala.

Wag ka nang mahiya,
ano ka ba.

Pinilit ko pa rin siya. Baka kasi hindi ako makatulog sa kuryosidad.

Wala.
Sige na,
out na ako.

Pagkasabi niya nun, nag-out na talaga siya. Hindi naman ako mapakali kung ano yung itatanong niya.

Tatanungin niya kaya ako ng, 'Pwede bang manligaw?' O kaya naman, 'Can you be my girlfriend?'

Hindi ako mapakali kakaisip nung mga oras na iyon. Hindi ko rin mapigilang kiligin. Hindi ko na nga namalayang napunta na pala ako sa facebook profile niya.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nung nakita ko yung latest niyang post.

"Ka-chat ko na siya eh. Bigla lang inatake ng pagka-torpe."

13 Letters to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon