Eight

20 1 0
                                    

"Anong oras kayo pupunta doon?" tanong ko kay Tyron habang nagliligpit na ng gamit. Birthday kasi ni Kenny at mauuna na kaming pumunta sa bahay nila para makatulong sa paghahanda.

"Hindi ko alam, may game kami ngayon eh" walang kagana-gana niyang tanong habang nakatingin sa cellphone niya.

Game na naman. Hay, minsan naaawa rin ako kay Kenny. Okay naman siyang tropa, malas lang siya dahil naging dotaboy lahat ng tropa niya.

"Eh ano pang ginagawa mo dito? May laro pala kayo" sarkastiko at naiinis kong sabi sa kanya.

"Eh may ibibigay daw si Nomi-"

"Hindi ako interesado" putol ko sa sinasabi niya. Panay Nomillyn na lang kasi ang lumalabas sa bibig niya tuwing pupunta siya sa klase namin. Pakiramdam ko nga, ginamit lang talaga niya akong dahilan noon para makatambay sa klase namin. Galawan ng mga asungot.

"Luh? Huy, galit ka?" tanong niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Tinuloy ko na lang ang pagliligpit ng mga gamit nang makaalis na kaagad. "Huy, bakit hindi ka namamansin? Galit ka? Uy, nagagalit ka ba?"

Hanggang papalabas ng klase hindi ko siya tinitignan at hindi ko rin siya kinakausap. Hindi rin siya tumigil sa pagsunod at pagkalabit sa akin. Hindi ko naman ikinaiirita 'yung pangungulit niya. Pero s'yempre, kapag tumawag na ang reyna, may magagawa pa ba ang alipin?

"Tyron!" tawag ni Queen Nomillyn.

"Oh tawag ka na nung reyna, lumuhod ka na sa harapan niya. Baka kailangan niya ng maapakan dahil hindi puwedeng madumihan 'yung sapatos niya."

Akala ko naman narinig niya pa 'yung sinabi ko. Nilingon ko pa 'yung asungot para bigyan siya ng subukan-mo-lang-pumunta-sa-kanya look. Alam ko namang maiintindihan niya 'yung tingin ko. Pero dahil nga asungot siya, mas pinili niyang pumunta kay Nomillyn. Ni hindi man lang ako lumingon.

Ayun, sumabay na lang ako kina Anilex papunta sa bahay ni Kenny.

"Oh, himala. Bakit wala 'yung anino mo?" tanong ni Anilex nung nasa tricycle na kami.

"Eh ayun, nagpapapogi points sa chix niya. Eh ikaw, nasaan 'yung jowa mo?"

Hindi naman na ako naiilang na magtanong o banggitin sa kanya si Khritian. Wala ngang kahit na anong ilangan sa amin pagkatapos maging sila eh. Siguro, hindi rin naman talaga ganoon katindi 'yung nararamdaman ko para kay Khritian, infatuated lang talaga.

"Sabi niya, may laro daw sila eh. Pero mamadaliin naman daw nila para makapunta agad kina Kenny. Kung hindi, edi pinagbubugbog sila ni Kenny."

Nagtawanan na lang kami.

"Eh kamusta naman 'yung manliligaw mo?" tanong niya nung naglalakad na kami sa eskenita papunta sa bahay nina Kenny.

"Si Ridgel? Hm, okay naman. Malapit ko na siyang sagutin. Feeling ko naman, okay siya eh.

"Oo, okay naman yata siya. Pero gusto mo na ba siya?"

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Ani. Oo, kinikilig naman ako paminsan-minsan sa mga ginagawa at sinasabi ni Ridgel. Hanga rin ako sa mga talent niya. Lalo kapag nakikita ko siyang passionate sa mga ginagawa niya. Pero ayun  nga, kung tatanongin ako kung gusto ko siya... hindi ko pa talaga alam.

"O baka 'yung mga ginagawa niya lang para sa'yo 'yung gusto mo?" tanong pa ni Anilex.

"Pero hindi naman siya mahirap magustuhan eh. Lalo na para sa akin na, madali namang ma-fall?"

Siguro talagang natuto lang ako sa ilang beses, kaya hindi pa ako masyadong bumibigay kay Ridgel. Siguro dahil sa ilang beses na nasaktan ako, naging automatic na 'yung isip at puso ko para protektahan ako mula sa ganoon. Kaya ito, naka-safe mode 'yung feelings ko.

13 Letters to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon