"Ang kulit mo, manonood nga kami ng movie ni Ridgel."
Sampung libong beses ko na yatang sinasabi sa kanya na hindi ko siya masasamahan dahil may data kami ni Ridgel, pero sampung libong beses na rin niya akong paulit-ulit na niyayaya.
"Hindi ka ba nauulaw sa pagmumukha non? Araw-araw na kayong magkasama. Nakakaumay kaya."
"Ah ganon? So nauumay ka sa'kin, dahil lagi mo akong kasama?"
"Hindi-"
"TSE!" putol ko sa kanya. "Tumabi ka nga at gumagawa ako ng assignment! Tambay-tambay ka na naman dito, ang landi mo!"
Pilit ko siyang tinutulak paalis sa desk ko, dahil kung hindi nga naman siya kalahating-tao, kalahating-asungot... Talagang sa desk ko siya umuupo kahit may mga bakanteng upuan naman.
"Wow, nagsalita ang babaeng todo lipstick ng pula kapag may gala sila ng manliligaw niya!" Nagulat ako nang abutin niya ang labi ko. Saglit akong natigilan nung naramdaman ko ang hinlalaki niya sa ibabang labi ko.
Nung matauhan ako tinabig ko 'yung kamay niya.
"Ano ba 'yan, eh! Tinitipid ko nga 'yung lipstick ko, sinayang mo naman! Asungot ka, kahit kailan."
Patawa-tawa naman siya habang ipinupunas sa panyo ang daliri niya.
Napatingin ako sa pinto nung nakita kong papasok na 'yung babaeng kanina pa hinihintay nung asungot.
"Hoy, ayusin mo pagmumukha mo... Andyan na 'yung chix mo. Chix, paglaki, manok" bulong ko sa kanya.
Nilingon niya 'yung direksyong tinuturo ko, sakto naman at nagpabebeng kaway ang ate mo girl.
"Uy Tyron, nandito ka pala."
"Uy Tayroown, nendito ke pele" mahina kong panggagaya kay Nomillyn. Ang arte, kala mo may lahi. Lahing pinoy, balot~ pinoy, balot~
Binago ko 'yung facial expression ko nung ibinalik na niya yung tingin niya sa akin.
"Mamaya ka sa'kin" sabi ni asungot saka nilapitan si balot. Feel na feel din ni ate girl na pinupuntahan siya dito, eh. Talagang dramatic entrance, mukhang isinakto pa sa simoy ng hangin para may windy effect sa buhok eh.
***
Nasa kalagitnaan ng klase pero hindi ako matahimik dahil hindi tumitigil sa pag-vibrate 'yung cellphone ko. Hindi ko naman makuha sa bag dahil OA 'yung professor namin.
Gusto niya kapag oras niya hindi kami malikot, hindi kami magsasalita, kulang na lang hindi na rin kami huminga.
Nung matapos lang ang klase, saka ko lang nakita na puro si asungot pala 'yung nag-text. Tinatanong kung anong palabas ang papanoorin namin ni Ridgel.
"Pati ba naman 'yun, pinoproblema mo! 'Wag kang mag-alala, hindi porn panonoorin namin! 'Wag mo kong itulad sa'yo!" sabi ko sa kanya nung nagkita kami sa canteen.
"Huwag mo nga ko pinaglolo-loko. Alam ko 'yung mga tipo mo" sabi niya habang hinahalungkat ang cellphone ko. "Panigurado, naka-categorize pa by race 'yung porn collections mo-ouch!!!"
Hindi ko na hinayaang marami pa siyang kalokohang masabi. Mamaya, maniwala ang kung sino man na makarinig sa mga sinasabi niya.
Babanatan ko pa sana siya, nung may kakaiba akong naramdaman.
"Oh bakit mukha kang natatae?" pang-aalaska nung asungot.
"Tarantado! Teka."
Hindi na ako nakapagpaliwanag sa kanya. Tumakbo na kasi ako sa CR para i-check kung dumating na 'yung dalaw ko.
BINABASA MO ANG
13 Letters to Remember
Romance"May dalawampu't anim na letra sa alpabeto. Pero labing-tatlo lang ang tatandaan mo." 13 Letters to Remember written by CheckyesImJuliet Ang kwento ni Nicka Mendoza at ng asungot sa 🐢buhay niya.