"Ridgel?" nasabi ko nung makita ko si Ridgel sa likod namin.
"Hi Nicka! Ako nang maghahatid sa'yo" sabi ni Ridgel nung nakalapit na siya sa akin. Kukunin na dapat niya yung bag ko dun sa asungot, pero nilayo nung loko.
"Hindi na kailangan, pre. Ako nang maghahatid sa kanya" sabi niya kay Ridgel.
"Ako na pre, mukhang may iba ka pang pupuntahan eh?"
Nanlaki yung mata ko nung bigla akong akbayan ni Ridgel. Unang beses lang kasi na ginawa niya iyon.
"Ako na sabi" matigas na sabi niya kay Ridgel saka ako hinila palayo. "Nandito naman ako, kaya 'di mo siya kailangang ihatid. Ihatid mo siya kung wala ako. Ewan ko lang kung dadating yung time na 'yon."
Nangunot ang noo ko dahil sa inaakto ni asungot. Nakita ko rin na parang napipikon na si Ridgel.
"Teka pre, boyfriend ka ba ni Nicka? Kasi ako, nililigawan ko siya."
"Eh ano naman-"
"Sige na" nasabi ko kay asungot. "Akin na yung bag ko, si Ridgel na lang maghahatid sa'kin. Dalhin mo na 'yan kina Vinz."
Hindi naman na siya nangulit.
Si Ridgel ang naghatid sa akin pauwi.
***
"Anong pinag-usapan niyo habang naglalakad?"
"Wala nga, kung ano-ano lang" sabi ko habang abala sa pag-aayos ng mga gamit ko.
"Inakbayan ka na naman ba niya?"
Kinabukasan, hindi ako tinantanan ni asungot. Tanong ng tanong. Paulit-ulit lang naman yung mga tinatanong niya.
"Syempre, kilig-kilig ka naman kaya hinayaan mo lang siya na akbayan ka. Tapos-"
Napatingin ako sa kanya nung bigla siyang tumigil sa pagsasalita.
Nagulat ako nung makita ko si Nomillyn na may inaabot na sobre sa kanya.
Nagkatinginan kami nung asungot bago niya tanggapin at ibulsa yung sobre ni Nomillyn, na tumakbo na palabas ng klasrum pagkatapos maibigay yung sobre.
Agad ko namang nilapitan yung isa, para magka-husgahan na.
"Aha! Huli ka! Alam ko na ngayon kung sinong pinopormahan mo dito!!!"
"Hoy, hoy-"
"Naku, naku. Huwag ka nang magdeny!!! Kitang-kita ko kaya, huli ka na tatakas ka pa ha? Ikaw ha, ganun pala mga tipuhan mo?! Mestisa, tapos naka-brace?! Hindi mo agad sinabi, marami akong kakilalang-"
Napatigil ako sa pagsasalita nung bigla na lang siyang lumabas ng klasrum at pumunta kung saan.
Problema nun? Ang pikon naman. Kapag siya ang nangaasar, hinahayaan ko lang siya. Tapos ako, ngayon ko lang naman siya inasar ang pikon niya pa.
If I know, sabik na sabik lang siyang basahin yung sulat ni Nomillyn sa kanya. Ang arte! Akala naman niya, makikibasa ako!
Kung makapang-asar siya sa'kin nun na wala akong taste sa lalaki, kala naman niya kung sinong dyosa yung pinopormahan niya.
Sus, maputi lang iyon eh. Mas matalino naman ako doon, kahit mag-aral pa siya ng walang tulugan.
***
"Oy sorry na nga, eh" sabi ko sa kanya nung kumakain na kami ng kwek-kwek sa canteen. "Hindi na nga kita aasarin pramis."
Magkasama kasi kami, pero hindi niya ako kinakausap.
"Hinding-hindi ko na babanggitin pangalan niya. Nagtatampo lang din naman ako, eh" pag-amin ko sa kanya.
"Bakit naman?"
"Kasi tinatago mo sa'kin. Samantalang ako, lahat-lahat sa'kin alam mo. Lahat-lahat pinagkakatiwala ko sa'yo. Pero ikaw, wala kang tiwala sa'kin."
Totoo iyon. Nagtatampo talaga ako dahil nga hindi siya nagsasabi sa akin.
"Eh wala naman kasi akong dapat sabihin tungkol sa kanya-"
"Oo na nga, alam ko na nga. Kaya 'wag na natin siyang pag-usapan. Pag-usapan na lang natin yung bagong bukas na ice cream shop doon sa kanto-"
"Nicka!"
Napalingon na naman kami nung marinig namin si Ridgel mula sa kung saan.
Hala! Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan, sasamahan ko nga pala si Ridgel sa shop. Ipapagawa niya kasi yung nasira niyang gitara.
"Ano na namang eksena nung asungot na 'yan?"
Tinaasan ko siya ng kilay nung marinig ko iyon sa kanya.
"Ikaw kaya ang asungot, hindi siya" bulong ko sa kanya habang hindi pa gaanong nakakalapit si Ridgel sa amin.
"Ready ka na?"
"Saan na naman kayo pupunta?" tanong nung asungot kay Ridgel nung makalapit na ito.
"Wala ka na dun!" sabi ko sa kanya. "Sasamahan ko muna siya, tutal hindi mo naman kailangan ng tulong ko dun sa nililigawan mo" pabiro kong sabi at sumama na kay Ridgel.
Dinaanan namin yung bag ko sa klasrum, tapos umalis na kami. Malapit lang naman sa campus yung shop kaya naglakad lang kami papunta dun.
"Gaano katagal na kayo magkakilala?" tanong ni Ridgel maya-maya.
"Ah si Teywon? Hm... magtatatlong taon siguro. Pero kilala ko na siya first year high school pa lang. Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang, parang ang close niyo kasi" sabi niya. "Baka mamaya, may something pala kayo na hindi ko nalalaman" pabiro niyang sabi.
Naiilang naman akong tumawa. Nagseselos ba siya sa asungot na iyon?
"Wala" sabi ko sa kanya. "Walang namamagitan sa'min, talagang nasanay na lang kami na palaging magkasama."
"Para kasing may gusto siya sa'yo!"
Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Ridgel. Wala siyang ideya kung gaano kalaking joke nung iniisip niya.
Napahalakhak ako sa sinabi niya.
"Woah, grabe ang galing mo pala magpatawa" sabi ko sa kanya habang hinahampas pa ang braso niya. "Ano ka ba, sobrang imposible nun. Alam niya lahat sa'kin, kaya paano niya naman akong magugustuhan. Alam niya lahat ng kagagahan ko, at lahat ng kapangitan ko. Kaya hinding-hindi ako magugustuhan nun."
Grabe, ang laptrip talaga nung joke ni Ridgel, nakakabuo ng araw!
Pagdating namin sa shop, may pinag-usapan sila nung gumawa nung gitara niya. Kaya doon muna ako sa labas naghintay.
Naramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko. At pagtingin ko, tumatawag pala yung asungot.
"Hoy umuwi ka na nga" bungad niya sa akin.
"Ano ka ba, hindi pa tapos yung gitara ni Ridgel-"
"Lalaki ang dapat na naghihintay, hindi babae!" putol niya sa sinasabi ko. "Hindi ka pa rin ba natututo! Hindi pa nga kayo, ginaganyan ka na niyan!!! Nasaan ka ba, ako nang maghahatid sa'yo!!!"
Kahit kailan talaga asungot ito. Pinagmumukha na naman akong tatanga-tanga.
"Heh! Pwede ba 'wag kang nagmamarunong diyan! Si Nomillyn ang dapat mong ihatid. Huwag ka ngang gumaya sa mga kaibigan mong torpe!!!"
"Hoy-"
Nakita ko si Ridgel na sumesenyas na tapos na yung gitara.
"Sige na, tapos na yung gitara. Babay na!"
Hindi ko na hinintay na makasagot siya, binaba ko na agad yung cellphone ko.
Naglalakad na kami pauwi ni Ridgel nung makita ko si Nomillyn na nasa waiting shed.
"Uy Noms, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya.
"Uh, may hinihintay lang ako. Taga dito ka rin ba?" tanong niya sa akin.
"Hm, oo. Sino bang hinihintay-"
"Tyron! Dito!" sigaw ni Nomillyn, dahilan para mapalingon ako sa direksyon na tinitingnan niya.
Wow. Hindi pala pinaghihintay ang mga babae ah?! Tss, asungot.
BINABASA MO ANG
13 Letters to Remember
Romance"May dalawampu't anim na letra sa alpabeto. Pero labing-tatlo lang ang tatandaan mo." 13 Letters to Remember written by CheckyesImJuliet Ang kwento ni Nicka Mendoza at ng asungot sa 🐢buhay niya.