Thirteen

47 5 5
                                    

NICKA MENDOZA: 14! Ano ba 'yan, simpleng math lang, eh!

TYRON ADONIS: Eh eto, 10 + 7?

NICKA MENDOZA: Pinagmumukha mo na naman akong tanga!

TYRON ADONIS: Hindi ah!

NICKA MENDOZA: Alam mo kung may assignment kang hindi masagutan, dalhin mo na lang dito sa bahay ako ang gagawa! Pasimple ka pa, eh.

TYRON ADONIS: Hindi nga sabi, last na promise.

NICKA MENDOZA: Oh 17, tapos?

TYRON ADONIS: Eh ilang letters meron ang ILIKEYOUNICKA?

Binilang ko naman.

NICKA MENDOZA: 13 letters. Oh tapos?

TYRON ADONIS: Tapos na. Hahahaha! 'Wag mo kakalimutan 'yan! Hahahahaha!

Binalikan ko yung sinabi niya. At nun ko lang nabasa kung ano yung sabi doon sa word.

NICKA MENDOZA:: Mukha kang tangaaaaaaaa

TYRON ADONIS: Ikaw, tanga talaga!!! Joke lang!

Kung ganun, hindi talaga joke yung 13 letters?

"Kaya mo hindi naramdaman na mag-isa ka, dahil hindi niya hinayaan na mangyari 'yon. Eh 'di ba't ganun din ang nangyari nung nahulog ka kay Vinz? Siya yung nandoon nung nagwala ka sa timezone, nag-gravy party sa kfc at naghatid sa'yo pauwi. Kinulayan niya ng itim yung buhok niya, dahil ayaw mo raw sa blonde. Halos hindi 'yon nakakasama sa tropa tuwing may period ka, kasi siya yung labasan mo ng moodswings mo. I can't believe na hindi mo napansin lahat 'yon. I'm not sure kung sobrang nasanay ka lang na nasa tabi mo siya, o talaga lang na tanga ka."

"Ang weird ni Cupid. Nagkakagusto ako palagi sa taong hindi ako gusto. Sa taong hindi ako mapapansin. Sa taong hindi ako magugustuhan..."

"Nicka... Hindi mo ba naisip... Na baka hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng nararamdaman mo?"

Siya ba yung tinutukoy ni Vinz na taong hindi ko napapansin? Sarili niya ba ang tinutukoy niya na nakakaramdam nung nararamdaman ko?

Na nagkakagusto siya sa isang taong hindi siya gusto. Sa taong hindi siya napapansin. At sa taong hinding-hindi siya magugustuhan?

Napatakip ako ng kamay sa bibig.

"Kung inaakala mong magugustuhan kita dahil sa mga inaakto mo, nagkakamali ka. Kahit pa sadyain mong gawing perfect ang moment na ito, walang kwenta. Kasi hinding hindi kita magugustuhan. Kahit kailan!"

Ang tanga mo, Nicka! Ang tanga-tanga mo talaga!!!

"Alam na ng lahat. Alam na ng Braders na gusto ka ni Tyron. Alam na rin ng buong campus, matapos yung nangyari nung pageant. Ikaw na lang ba talaga ang hindi nakakaalam nun? Dapat sa point na 'to, narealize mo na rin yung halaga niya sa'yo."

"Pero hindi siya yung tipo ko, alam mo 'yan Kenny. Ni wala siya sa kalingkingan ng standards ko-"

"Tingin mo ba talaga may formula sa love!!!" putol niya sa sinasabi ko. "Accountacy student ka nga..." mahinang sabi niya.

Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Tss, architecture student ba talaga siya?!

"Hindi mo mapipigilan ang sarili mo Nicka!" dugtong niya. "Kahit pa kabaligtaran siya ng standards mo, at total negative ang resulta pag kinalkula mo, wala ka ng magagawa!!!"

13 Letters to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon